CHAPTER 10: Stealing glances

4.3K 242 39
                                    

Chapter 10: Stealing glances





" Pasulyap-sulyap pa kunwari. Patingin tingin saakin. 'di maintindihan ang ibig mong sabihin.." pag-aawit ni Wil at Pixie na nasa tabi ko.


" Itigil niyo nga 'yan." Saway ko sakanila na ikinatawa nila pati na si Time at Syxth.

" Eh bakit ba? Kumakanta lang naman kami eh...well unless may lagi kang sinusulyapan." Tumaas baba ang kilay ni Wil.

" Oo nga. Hindi naman namin sinasabi na sana stage siya ngayon." Dagdag ni Pixie at sabay ulit silang tumawa. Mga sira.


Bakit ba kasi nandito ang dalawang 'to. Pagbalik ko kanina galing cr, nandito na silang dalawa sa pwesto ng mga officers instead na doon sila sa assigned seats ng CAS.


" Paano kayo bubuo ng relasyon kung puro pasulyap-sulyap lang kayong dalawa sa isa't-sa." Inakbayan naman ako ni Time. Isa pa 'to.


" Tama!" Sigaw ng dalawa kaya may napapatingin tuloy saamin.

Mag nagsasalita pa naman sa stage. Sinaway naman agad sila ni Pres na nasa tabi ni Syxth.

" Tigilan niyo nga ako " napanguso ako dahil kanina pa nila ako inaasar.

Hindi ko mapigilang hindi siya lingunin ulit at nakita kong nakatingin din pala ito saakin kaya agad na umiwas ako habang namumula ang pisngi.

" Hays. Ang sweet ng stealing glances niyong dalawa pero hindi kayo makakabuo ng relasyon niyan." Pagpaparinig ni Pixie.


Mas lalo tuloy namula ang magkabilang pisngi ko. Siguro ay kanina pa nila napansin ang pagnakaw tingin namin sa isa't-sa.

Paano, nababaliw na naman ako kakaisip kong anong klaseng explanation ang sasabihin ko sa sarili ko sa ginawa niya kanina. Pagkatapos ba namang mag-sorry iniwan na ako.

Pinigilan ko nalang ang sarili kong 'wag na ulit siyang sulyapan. Hindi ko namalayan na pinunasan ko na pala ang pawis ko sa noo gamit ang panyo na binigay niya kanina. Napakagat labi nalang ako at hindi napigilang lingonin ulit siya. Nakita kong nakatingin parin ito saakin at sa panyo bago umiwas at tinuon ang atensyon sa kausap pero nakangiti na ngayon.



Napalunok pa ako dahil may kung anong tumusok sa puso ko nang makitang masaya silang nag-uusap nong 'Ayn'.



Hindi nalang tuloy ako ulit lumingon sa stage at pinasok nalang sa bulsa ng jeans ko ang panyo na bigay niya.

" Fin." Napaangat ang tingin ko sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Toni papalapit saamin.

Binati naman siya ni Wil at Pixie habang nakatingin lang sakanya si Time at Syxth pati narin si Pres.

" Hi Toni." I greeted her.

Saglit pa itong natulala saakin kaya hinampas siya ni Wil sa braso. " Tama na kakatitig. Masyado ka nang halatang in love sa best friend namin"


Namula naman si Toni at napakamot sa noo halatang nahihiya sa sinabi ni Wil.


"A-h,.. here. I bought this for you. " Nahihiyang bigay nito sa Jollibee with drinks.

" Paano mo nalaman?" Gulat na tanong ko.

Natawa naman siya sa tanong ko. " Tinanong ko kay Wil kung anong favorite food mo. "

Nilingon naming pareho si Wil na ngayon ay nakaiwas na ng tingin.

" Uhm thank you, Toni. Nag-abala ka pa." Sabi ko at kinuha ang bigay nito dahil nakakahiya namang tanggihan tsaka favorite ko 'to eh.

Mystery Strings ( Valle d'Aosta Series 5)Where stories live. Discover now