CHAPTER 9: Perplex

3.1K 197 31
                                    

Chapter 9: Perplex






Sa front gate kami dumaan kaya dumaan muna kami sa office niya. Sinabi ko naman sakanyang mauuna na ako pero sabi niya hintayin ko siya saglit dahil may kukunin lang siya. Dito nalang ako naghintay sa lounge area kasama si Miss Mikka. Gusto niya pa akong isama sa taas pero tinatamad na akong maglakad kaya hindi na niya ako napilit pa.

" Mikkha, nandyan boss mo?" Napalingon ako sa babaeng nagtanong at nakita ko 'yong babaeng kasama niya kahapon na sa tingin ko ay siya ring tumawag na 'babe' kay Ma'am Rayhana kahapon.

Pinagmamasdan ko siya at masasabi kong maganda talaga siya. Sophisticated, halatang mayaman din, successful woman at parang same level lang din ni Ma'am Rayhana. She was wearing black tank top, wide khaki leg pants and beige high heels. Hanggang balikat lang din ang straight nitong buhok. She's pretty too. Hindi na ako magtataka....

" Opo Ma'am. Kakarating niya lang din pero—"

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Miss Mikka dahil bumalik na si Ma'am Rayhana dala ang isang black paper bag.

" Babe!" The woman run to her and hug her instantly. Agad na umalalay naman ang kamay ni Ma'am sa waist nito kaya napaiwas na ako nang tingin.

Why I am here anyway?

" I miss you...Hindi ka kasi sumama sa party kahapon. " I swallowed and felt like someone's squeezing my heart. I bit my point finger at pinipigilan ang sariling 'wag silang tingnan.

" I told you I'm busy diba? Ang kulit mo talaga, Ayn." I heard her reply kaya napalingon ako sakanila. Nakasabit na sa balikat ni Ma'am ang mga braso nito kaya tumayo na ako mula sa couch at naglakad palabas ng building.

" Miss Avanzado." I heard her called me pero hindi na ako lumingon. Bahala nga siya dyan!

Patuloy lang ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko at hinila ako paharap sakanya. She was panting.

" What Ma'am?" Plain na tanong ko dahil nauubos na ang pasensya ko sakanya.

Mabuti nalang din ay walang ibang taong nandito.

" Bakit ka biglang umalis? I told you to wait for me." Wika niya sa seryosong boses.

Tinabig ko ang kamay nito sa braso ko. " I did and I hate it. "

Her mouth hang open while staring at me. I hate for confusing me but I hate myself more for feeling like this. Ayoko nang ganito.

" P-lease just...let me go, Ma'am. May klase pa po ako." I just said and walk away.

Lakas loob na pinigilan ko ang sarili kong huwag umiyak. I just... can't handle my emotions right now. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, kung bakit ko nararamdaman 'to. Sobrang confusing  na konting-konti nalang, sasabog ako.

" Fin?" Napaangat ako nang tingin sa boses na 'yon at nakita ko si Syxth. Kunot noo itong nakatingin saakin pero agad ding nagbago ang expression niya nang makitang malapit na akong paiyak. Mabilis na lumapit siya saakin at niyakap ako and just like that...I burst my cries between her arms.

I hug her tightly and cried kahit hindi ko maintindihan kong bakit ako naiiyak. Mabilis kasi talaga akong maiyak lalo na kapag naguguluhan ako or may rason na nasasaktan ako.

She rub my back  at tinakpan ako gamit ng jacket niya para hindi ako makitang umiyak ng ibang tao. She didn't say anything at kahit magtanong ay hindi niya ginawa.

Hindi na tuloy ako nakapasok sa klase ko ngayong umaga. After ko kasing umiyak ay dinala ako ni Syxth sa lagi niyang tambayan. Sa art room.

" Sayo 'to?" Tanong ko at tinuro ang painting. Tumango siya. Bukod sa soccer ay hobby niya rin ang pagpipinta.

Mystery Strings ( Valle d'Aosta Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon