CHAPTER 5: Syxth Costallejo

2.8K 180 24
                                    

Chapter 5: Syxth Costallejo



"Kain tayo?" Aya ni Wil saakin after matapos nang last subject namin ngayong umaga.

Tumayo ako at inayos ang gamit ko. " Kayo na muna ni Pixie. May meeting kami sa USC." Sabi ko at kinuha ang tumbler ko.

" Sama ako!" Mabilis na sabi ni Wil. Natawa naman kami ni Pixie dahil gusto niya lang makita si Syxth doon.

" Hindi pwede, Wil. Hindi ka rin papasukin." Sabi ko na ikinasimangot niya.

Nagpaalam narin ako sakanila at pumunta ng USC office. Nakasabayan ko pa si Cliff sa hallway.

" Sa USC office ka rin?" Tanong niya.

Tumango naman ako. " Ikaw?"

He nodded his head 'to. Treasurer siya ng USC or University Student Council. Habang ako naman ay isa sa board members.

" Sabay na tayo." Ngumiti nalang ako dahil pareho lang naman kami nang pupuntahan.

Maraming napapalingon saamin habang naglalakad kami kaya nagtaka ako. Napansin iyon ni Cliff.

" Bagay daw kasi tayong dalawa."

Mas lalo namang napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Bagay kaming dalawa? Ano bang pinagsasabi niya.

" Baka nagbibiro lang sila." Tanging sabi ko kaya napaawang ang labi niya at hindi na nakapagsalita pa. Nagkibit balikat nalang ako at nauna na.

Pagdating ko sa USC office ay marami narin ang nandito.

" Fin psst." Napalingon ako sa tumawag saakin habang naghahanap nang mauupuan. Nakita ko si Syxth. " Dito ka. Tabi tayo." Turo niya sa katabi niyang upuan kaya naglakad na ako papunta doon.

" Magkasunod lang kayo ni Blanco, nagsabay ba kayo papunta rito?" Tanong niya agad nang makitang magkasunod kaming pumasok ni Cliff.

Tumango naman ako. " Nakasabayan ko lang siya sa hallway."

Tumango siya. " Nililigawan ka na ba niya?"

Kumunot ang noo ko kaya mahinang natawa siya sa reaction ko. " I get it. Wag mo nang sagutin. Manhid ka talaga."

" Hindi nga kasi." Nakangusong sabi ko. Lagi nalang nilang sinasabi 'yan saakin.

" Ang cute mo!" Nanggigigil na sabi niya at pinisil ang magkabilang pisngi ko. Ang sakit! Tinabig ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin pero natatawang umikot-ikot lang siya sa swivel chair niya, nang-aasar.

Pareho talaga sila ni Time na mapang-asar. Ewan ko ba at naging close kami ni Syxth, eh hindi naman siya masyadong friendly hindi gaya ni Time. Hindi naman sila friends dalawa pero magkakilala sila dahil bukod sa pareho silang famous dito sa campus ay magkakilala ang mga pamilya nila.

Si Time 'yong napakafriendly habang si Syxth naman ay mahirap i-approach kasi mahilig mambara at masyadong mapili sa taong kakausapin.

Dumating narin ang iba pang officers pati ang President.

Archer Xyrill El Fuego. University Student Council President. The civic-minded, forward thinker and fearless leader. She has all the qualities of being a great leader kaya hindi nakakapagtakang maraming humahanga at rumerespeto sakanya. Bukod pa doon ay talagang sobrang ganda nito at matalino.

" Magandang tanghali, Pres!" Masayang bati ng ibang officers na nandito.

Tumango lang siya sabay sabing, " Same to you."

May pagcold din ito at introvert kaya mas lalo siyang nagugustuhan ng mga tao dahil napakamysterious daw nito. Siya rin ang president namin sa Scholars organization.

Mystery Strings ( Valle d'Aosta Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon