chapter 27

117 7 5
                                    

"my D!" Sigaw ko sakanya ng makita kong nasa labas pala sya.

Hinahanap ko kanina si triz pero dko makita kaya lumabas ako sa bahay.

Nasa dagat pala kami.

Hindi ko inaakalang andito si dein.

"My el" magandang ngiti ang binungad nya saakin at niyakap pa ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

"My d! Teka naman. Hindi na ako makahinga" reklamo ko dahil sobrang higpit ng yakap nya.

"Hahaha. Namiss kita eh. Namiss kitang yakapin ng mahigpit." Natatawang sambit nya bago nagsorry sa ginawa nya.

"Ano palang ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na andito kami ni triz? Teka nakita mo ba sya? Kanina ko pa sya hinahanap." Sunod sunod na tanong ko sakanya.

"Alam ko lang na andito kayo hehehe. Pero hindi ko pa sya nakita eh, hinahanap ko nga  din dahil may sasabihin ako sakanya" nakangiting sambit nya pero may kung ano akong nababasa sa mata nya pero pinagsawalang bahala ko nalang yun, pero ano kaya sasabihin nya kay dite?

Napansin ko lang, ngiti sya ng ngiti ngayon ah? Ang aliwalas pa ng mukha.

Hayystt... Ang ganda talaga ng kaibigan kung ito.

Baka naman inlab?

Ou inlab kay kuya chad,  pero? Hindi kaya umamin na sya kay kuya chad?

Omg!!

"and ellie andito ako para makita ka" nakangiting sambit nya habang nilalagay  sa likod ng tenga ko ang humahanging buhok ko.

Awww... Ang sweet talaga nito.

"Teka nga, talikod ka ipusod ko yung buhok mo." Sambit nya ng patuloy pading humaharang sa mukha ko ang buhok na nahahangin.

"Bakit mo naman ako gustong makita?"  Tanong ko habang pinupusod nya ang buhok ko.

Bawat haplos nya sa buhok ko ay napapakit ako.

Nakakakalma talaga ang presensya nya. Kaya mahal na mahal ko sya eh. Pero huwag kayo mag isip ng kung ano dahil kaibigan lang talaga. Sya yung bestfriend ko na pinaka best buddy ko.

"Syempre mamimiss kita." Natatawang sambit nya.

Ano daw mamimiss ako?

"Huh?"

"Sabi ko namiss kita kaya kita pinuntahan. Ikaw nagiging bingi kana" natawa nalang ako. Sorry naman tao lang, bingi kung minsan.

Humarap nadin ako sakanya dahil tapos na nyang ipusod ang buhok ko.

"Assuusss... I misss you too my d" sambit ko at agad kung dinampihan ng mabilis na halik ang labi nya.

Ewan, siguro yung iba sasabihan kami ng  weird because friends don't do that pero iba kami dein. ganito kami at  Wala namang malisya saamin iyon.

Friend lang talaga. 

Hinila nya ang kamay ko bigla, kaya napasubsob ako sa dibdib nya kaya napayakap nalang ako sa bewang nya. 

Ramdam ko ang bawat bigat ng pahinga nya.

"Okay ka lang?" Pakiramdam ko may problema sya.

"Nagaalala lang ako ellie" seryusong sambit nya kaya kakalas na sana ako sa pagkakayakap sakanya ng  hinigpitan nya ang pagyakap saakin  na para bang ayaw nyang kumalas ako at ayaw akong pakawalan.

"Stay put ellie" humigpit ang yakap ko sakanya dahil parang may gusto syang sabihin.

"Anong problema?" Tanong ko. Alam kung hindi sya okay.

WISHING TO THE STAR (GXG)Where stories live. Discover now