chapter 21

121 5 0
                                    

"madam, mayroon pong nag hahanap sainyo,  pupumilit na pumasok eh wala naman po siyang appointment sainyo" napatigil ako sapag tipa sa laptop ko ng biglang sumulpot ang secretary ko.

napakunot nuo ako.

sino naman kayang gustong may kumausap sakin?

"sino daw?" kunot nuong  sambit ko.

"triz Suarez daw po" napalunok ako ng marinig ang pangalan na mahigit isang lingo ko ng iniiwasan.

damn! anong ginagawa nya dito?

naalala ko nanaman yung huli naming pag uusap.

pagkatapos nyang mag sorry saakin nung araw na yun ay bigla akong kumalas sa yakap nya at patakbo na bumalik sa villa. inayos ko agad ang nga gamit ko at nag paalam kila kuya. gumawa nalang ako ng alibi para makaalis. pagkatapos nun ay hindi ko na nakita si triz o nakausap manlang. napagalaman ko din na dun na pala sya sa pamilaya nya nakatira. wala na sya sa bahay pero madalas dumadalaw padin  sya bahay dahil syempre dun naakatira si kuya steve.

bang!!!

"oh my gosh!" gulat kung sambit ng may marinig kaming putok na baril.

"what was that?" damn! hindi naman siguro sya ang may gawa nun diba?

"madam, huwag po muna kayong lalab——"

"madam, pasensya na po kung hindi na ako kumatok. yung babae po kasi sa labas nagwawala gusto daw po kayong makausap. nag paputok nadin po ng baril pero huwag po kayong mag alala tumawag na po kami ng pulis." mabilis na sambit ni mang gaston, isa sa  sa janitor  dito.

napahilot ako sa sentido dahil parang tama nga ang hinala ko.

"no. huwag na kayong tumawag dahil hindi rin yun titigil. just let her in" hinihilot ko ang sentido ko habang sinasabi yun.

sumasakit ang ulo kay triz.

"ho? pero—"

"its okay anna. tawagan mo yung guard at papusukin na sya" sambit ko at napapikit akong sumandal sa swivel chair ko.

narinig ko ang pag sara ng pinto kaya alam kung umalis na si anna.

ano nanaman bang kailangan saakin ng babaeng iyon?  hindi ba sya aware na ayaw ko na syang makita or makausap manlang?

narinig ko ang pag bukas sara ng pintuan pero hindi padin ako nag mumulat ng mata.

rinig ko ang tunog ng takong nito habang papalapit at ramdam kung huminto ito sa tapat ng table ko.

"what do you need?" alam kung sya na ito dahil langhap na langhap ko ang pabango nya na isa sa kinaadikan ko sakanya nuon. ou nuon. nuon lang—— i guess?

wala akong marinig na sagot sakanya pero ramdam ko ang matang nakatitig saakin na para akong napapaso sa titig nya.

dinilat ko ang mata ko at saktong nagkasalubong ang mga mata namin.

wala akong mabasang emosyon sa mga mata nya at seryuso lang sayang nakatingin saakin.

huminga muna ako ng malalim staka umayos ng upo.
"look triz, I'm busy right now so please don't disturb me and all the people who work here." pinakita kung naiinis ako sa ginawa nya lalo na yung pag putok nya ng varil. anong akala nya maganda yung ginawa nya? for pate sake paano kung may nasak——oh my gosh! baka may nasaktan sya?

taranta akong napatayo at akmang lalabas na sana upang tanungin si anna kung may nasaktan ba ng may biglang humigit sa kamay ko kaya napahinto ako.

napapikit ako ng mariin
"triz let go." inis na turan ko pero tinignan lang nya ako ng walang kaemoemosyon.

WISHING TO THE STAR (GXG)Where stories live. Discover now