Chapter Five

187 8 0
                                    


ISANG BUWAN na mula nang mapunta ako sa poder ni Papa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin gaano kinakausap si Papa. Naiilang pa rin kasi ako dito at pakiramdam ko ay hindi pa rin ako dapat nandito sa bahay na ito.

Sabi ni tita Xandra ay ieenroll raw ako ni Papa sa eskwelahan kung saan nagaaral si Xyrus. Magiging magkaklase kaming dalawa dahil na rin sa huminto ako sa pagaaral dahil naging runner ako ng droga. Hindi din alam ng ama ko na naging ganoon ang buhay ko bago ako mapunta sa poder niya at wala din naman akong balak sabihin sa kanya.

"Kuya gusto mong maglaro?" tanong ni Xyrus nang pumunta ako sa salas. Nandoon kasi siya at naglalaro ng play station. Lumapit naman ako sa kanya at inabot ang game controller na binibigay niya. Ngayon lang ako nakahawak ng ganito dahil kahit na gusto kong magkaroon ng play station noon ay wala naman kaming pambili.

"Ano bang nilalaro mo?" tanong ko at naupo sa may carpet na sahig kung saan siya nakaupo.

"Tekken. Ganito lang 'yan laruin," aniya at tinuruan ako kung paano gamitin ang game controller. Nang maintindihan ko na iyon ay nag-simula na kaming maglaro dalawa.

Hindi ko namalayan na habang naglalaro kami ay tumatawa na pala ako sa tuwing natatalo ko si Xyrus. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag walang ibang iniintindi. Noon kasi ay kailangan ko pa manlimos ng ganitong oras para lang may pangkain o pangdagdag ako sa baon sa eskwela.

"Oh, kapag natalo ka magbubunot ka ng damo sa garden!" masayang hamon ko sa kanya.

"Nah-uh, too bad the lawn is neatly trimmed today. Ibang hamon pa kuya!" naka-ngising sagot niya sa'kin kaya nag-isip naman ako.

"Sige, maglilinis ka na lang ng kwarto mo," sagot ko na kinatango niya.

"Okay deal."

Ngumisi ako at nagsimula na ulit kaming maglaro. Tawang-tawa naman ako nang muli ko siyang matalo at tulad nang napagusapan ay pumunta kami ni Xyrus sa kwarto niya para linisin niya. Pagpasok sa loob ay puno ng laruan at libro ang kwarto niya. Kulay puti at kulat abo ang kwarto at merong kulay asul na kurtina.

Inumpisahan niya naman ligpitin ang mga nagkalat niyang laruan kaya ako naman ay nilibot ang paningin ko sa loob ng kwarto niya. Napunta ang attensyon ko sa isang picture frame sa mesa na katabi ng kama niya kung saan may dalawang batang lalaki siyang kasama at kapwa nakangiti sila.

"Iyan si Saturn," turo niya sa isang lalaki na kaakbay niya. "Ito naman si Edryl," turo niya naman sa isa pang bata. "Mga pinsan natin sila at kaedad ko sila."

"Ilang taon ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Ten!" aniya at pinakita ang sampung daliri niya. Tatlong taon lang pala ang agwat ko sa kanya. Kaarawan ko na din kasi sa isang araw kaya malapit na ako magtrese anyos. "Masaya pala magkaroon ng kapatid 'no?"

"Bakit naman?"

"Kasi syempre may kalaro na ako. Wala kasi akong kalaro dahil nasa amerika si Saturn. Doon kasi siya nagaaral tapos si Edryl naman ay nasa probinsya at nagbabakasyon kaya wala akong kalaro dito."

"Eh bakit hindi ka magbakasyon?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Hindi kami makapagbakasyon dahil hinahanap ka ni dad at mom ngayong vacation. Pero pwede koi yon i-suggest kay daddy. We can have our first vacation as a happy and complete family!"

Ngumiti naman ako sa kanya. Oo nga, masaya magkaroon ng kapatid. Unti-unti na rin ako nasasanay sa bagong pamilya na meron ako ngayon. Pati na rin ang bahay na tinitirahan ko ay unti-unti na ako nagiging komportable. Ang hindi ko na lang talaga magawa ay ang kausapin at pakisamahan nang normal si papa.

THE SEXY BASTARDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu