Chapter One

319 8 1
                                    


"ATE PALIMOS PO," pinaawa ko ang mukha ko sa dumaan na babae. Tinignan lang naman niya ako bago lumakad palayo kaya napasimangot ako. Napahawak pa ko sa tiyan ko nang kumalam ito. Kahapon pa ang huling kain ko kaya naman nagugutom na ko.

Napakamot ako ng ulo tsaka muling lumakad. Kada makakasalubong ko ay nililimusan ko ng pera pero halos lahat sila ay nilalagpasan lang ako na tila hindi ako nakikita. Gusto ko sanang makatulong kay mama para makaraos kami sa hirap pero ano bang kayang gawin ng batang katulad ko? Walang gustong tumanggap sa'kin kahit kargador sa palengke dahil dose anyos pa lang ako at hindi ko pa raw kayang bumuhat ng mabibigat na sako o balde ng isda.

"Hoy Ares! Tara mangalakal tayo. May paparating daw na trak ng basura sa Payatas ngayon at sasama ako kay mang Erwin papunta doon!" pagaaya sa'kin ng kaibigan kong si Utoy na kapwa pulubi rin katulad ko.

"Tsaka maraming lumalabas doon sa Jalebi oh, doon naman tayo manlimos," singit naman ni Joy na kapatid ni Utoy. Ulila na silang dalawa at nakikitira lang sa kapitbahay nilang si mang Erwin na matandang byudo. Wala din pamilya ang matanda dahil maagang namatay ang asawa niya.

Hindi na ko pumalag at sumama kay Joy at Utoy papunta sa Jalebi at nagabang ng mga lalabas na tao mula doon. Nanlimos kami pero wala din nagbibigay sa amin ng pera. Napaupo naman ako sa hagdan at kahit tirik ang araw ay nanlilimos kami. Kailangan ko rin magkaroon ng pera para may pangbaon ako sa skwela sa dadarating na lunes. Ayaw ko naman nang humingi kay mama lalo na't kulang pa para sa pagkain namin sa isang araw ang kinikita niya sa pagbebenta ng isda.

"Ate, ate, palimos po," habol ko sa isang babae.

"Wala eh."

"Sige na 'te, kahapon pa ko hindi kumakain," sagot ko sa kanya.

"Wala nga sabi! Doon ka nga naku! Amoy araw ka at ang dumi mo pa!" pagalit niyang sigaw bago nagmamadaling lumakad palayo. Napatingin na lang ako rito bago bumalik sa pwesto ko kanina.

"Mga garapal talaga 'yang mga may pera na 'yan," saad ko. Tinabihan naman ako nila Utoy. "Porke't ganito itsura natin na mabaho at madumi, kung makapagsalita sila akala mo sinong magaganda."

"Gano'n talaga. Sabi ni mang Erwin sa'min kapag matapobre ang isang tao, hindi uunlad ang buhay nila," ani Joy.

"Mabuti pa nga yung ibang pulubi kapag nakita nilang nagugutom yung kapwa pulubi nila magbibigay sila kahit konting pagkain," sagot ko.

"Eh kasi alam nila kung ano pakiramdam ng magutom!" sabat ni Utoy. "Kaya pag naging mayaman ako, papakainin ko lahat ng makikita kong palaboy at pulubi. Masama man sila o hindi."

Napa-ngiti ako sa sinabi ng kaibigan ko. Iyon din ang pangarap ko kaya naman nagsisipag ako sa pagaaral para hindi masayang yung pera na pinambibili ni mama sa'kin ng mga gamit ko sa eskwela. Kahit na kapos kami ay masaya naman kami ni mama. Lagi kong sinasabi sa kanya na kapag naging doctor ako balang araw ay hindi na kami magugutom at bibilihan ko na rin siya ng magagarang damit.

"Ate, palimos po!" saad ko sa isang babae na kakalabas lang ng kotse nito. Ngumiti naman siya sa'kin.

"Ang gwapo mo naman!" aniya kaya napakamot ako sa ulo. Marami ngang nagsasabi na gwapo daw ako. "Anong pangalan mo? Bakit ka nanlilimos dito? Ang gwapo mo pa namang bata."

"Ares po pangalan ko. Gusto ko kasi makatulong sa mama ko kaya nanlilimos ako."

"Aw, ilang taon ka na ba?" tanong pa niya.

THE SEXY BASTARDWhere stories live. Discover now