Chapter Four

168 5 0
                                    


 LINGGO NANG ilibing namin si Mama sa isang pampublikong sementeryo. Dumating din ang Papa ko para maki-libing at kahit na kinakausap ako nito ay hindi ko pa rin siya magawang kausapin.

Sobrang sakit para sa'kin na lumaki nang walang nakagisnang ama. Wala ito sa mga panahong kailangan ko ng gabay ng isang ama at wala ito sa mga panahon na gusto kong may matawag na Papa. Pero mas masakit pa pala na makita ang nagiisang tao na nagpalaki, nagmahal at gumabay sa'kin na iwan ako mag-isa.

"Huwag ka magalala, totoy. Kahit naman wala na ang ermats mo binabantayan ka naman no'n mula sa taas," ani Karding at tinuro ang langit. Pinunasan ko naman ang luha ko at binalik ang tingin ko sa apartment kung tawagin kung saan nilibing si Mama. Kasalukuyan nang tinatakpan ng hollow blocks ang puntod ni Mama at tanging kami na lang ni Karding, mang Berting at ng ama ko ang naiwan dito. Umuwi na kasi ang mga kapitbahay na nakilibing sa amin.

"Hijo, hindi mo ba kakausapin ang Papa mo?" tanong ni mang Berting at sumulyap sa ama ko na nakatanaw sa amin mula sa kotse nito.

"Hindi ba't nakapagpasya ka na na sumama sa kanya?" saad ni Karding kaya hindi ako umimik.

Oo, nagdesisyon ako na sumama sa ama ko dahil na din sa bilin ni Mama sa'kin na tuparin ko ang mga pangarap ko para sa kanya at hindi ko iyon matutupad kung mananatili akong runner ng droga. Tulad ng sabi ni Mama na palagi niya kong babantayan kahit wala na siya at ayaw kong malungkot siya kung hindi ko susundin ang gusto niya para sa'kin.

Matapos ang pagtatakip sa puntod ni Mama ay nilakad ako nila Karding papunta sa ama ko. Tipid naman itong ngumiti nang tignan ko siya pero agad din akong umiwas ng tingin. Hindi ko pa rin kayang patawarin ang ama ko hanggang ngayon pero sana balang araw magawa ko din kalimutan lahat ng galit na meron ako para sa kanya.

"Sir, alagaan niyo ho nang mabuti si Ares," ani mang Berting at inakbayan ako. "Pamilya na ang turing namin kanila Andrea at Ares at ayaw namin na may masamang mangyayari sa kanya."

"At kung tumakbo sa'min ang batang ito na umiiyak dahil sa inyo, pasensyahan tayo pero baka kung anong magawa namin sa inyo kahit mayaman kayo," sabat pa ni Karding kaya tipid ko silang nginitian. Kahit papaano ay nandito pa rin sila para sa'kin. Hindi ako nagiisa.

"Makakaasa kayo," sagot ng ama ko. "Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa anak ko kaya asahan niyong magiging maganda ang buhay ni Ares sa puder ko."

"Ares, pa'no ba 'yan? Hanggang dito na lang siguro tayo," ani Karding at ginulo ang buhok ko. "Huwag mo kami kakalimutan kapag rich kid ka na ah? Tsaka dalawin mo kami minsan sa Tondo."

Tumango ako. "Hindi ko kayo makakalimutan."

"Magiging masaya si Andrea para sa'yo, hijo." Saad ni mang Berting na kinangiti ko.

Nang sumakay ang ama ko sa driver's seat ay hinatid ako nila Karding at pinagbuksan ng pinto. Sumakay naman ako sa tabi ng ama ko at ngumiti kanila Karding bago buhayin ng ama ko ang makina ng sasakyan. Bumusina muna si Papa sa kanila bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.

"Ares, I want you to be comfortable with me. Tawagin mo akong dad or Papa," saad niya pero nanatili ang mata ko sa labas ng bintana. "Ah, I know! Let's go shopping? Dadalhin kita sa mall na pagmamay-ari ng pamilya natin. Bumili ka ng kahit anong gusto mo, okay?"

Naging tahimik ang buong byahe hanggang sa makarating kami sa mall na sinasabi niya. Nang makaparada siya ay tahimik lang akong bumaba ng kotse at sumunod sa kanya papunta sa isang restaurant.

"Kumain muna tayo. Past lunch na siguradong gutom ka na," aniya at umupo sa isang bakanteng lamesa. "Paboritong restaurant ko ito, alam mo ba? Minsan ko nang dinala ang Mama mo dito," saad niya na kinatingin ko sa kanya. Nakangiti ito habang nakatingin sa'kin.

THE SEXY BASTARDWhere stories live. Discover now