Chapter 26: Rejected

4.2K 191 94
                                    

Damn it! Nakakatamad kumilos. I feel so drained and tired. Hayss! Kaso need ko siya makita. I miss her already 😩

"Bilisan mo diyan at nasa labasan na si Tintin. Pati sa harap ng pagkain nag oorasyon ka na naman" sermon na naman ni Nanay. Ang aga aga pa nga e!

Hays it's already almost 6:30 AM. Binilisan ko na lamang ang pagkilos at nagtoothbrush kagad. Mayamaya pa'y sinukbit ko na ang bag ko na naprepare na ni Nanay.

"Anong gusto mong ihanda ko mamaya pag uwi mo?" biglang tanong neto habang naghuhugas ng mga plato.

"Handa sa ano po?"

"Magdidisiotso kana...sana naman tumino ka na't wag puro sakit sa ulo." Tanging sagot lang neto habang busy pa din sa paghuhugas.

"Ikaw bahala, no need naman maghanda.."

"Tumawag si Shayla kanina sa selpon mo, Happy Birthday daw"

Di ko na eto sinagot pa at agad na nag ayus ng sarili ko't kumaripas na sa pinto.

"Alis na ako, Nay! Bye!"

Nang makarating ako sa labas ng gate ay agad kong namataan si Justin na nakaupo ng patagilid sa motor neto habang kinakalikot ang phone niya. Agad etong umayos at nagpwesto na nang makita ako. Nang nakarating na ako sa tapat neto ay agad naman akong umangkas at nagsuot ng helmet na inabot neto.

Tahimik lang kami sa biyahe at kagad din naman kaming nakarating sa school. Nang nasa parking lot na kami ay agad na akong bumaba at di na eto inantay pa. Nauna akong nakarating sa room namin kase siyempre inaabangan ko talaga siya huhu

Ngunit gayon na lamang ang pagkadismaya ko nang makitang iilan pa lamang ang mga studyante sa loob at wala pa siya. Agad na lang akong pumuwesto sa upuan ko sa harap na paborito kong spot na nasisilayan ko lagi siya at napagpasyahang magcellphone muna.

Mayamaya pa'y napatigil ako sa pagsscroll sa phone ko nang may sumigaw sa pinto na ang volume ay parang kinakatay na manok na nakamicrophone..

"ALEXANDRAAAA!!" here we go again 🤦‍♀ Ang aga naman nento. Ano na namang kababalaghan ang pinaplano kaya neto at ako'y gusto pang damayin?

Agad ko etong pinuntahan sa pinto habang siya naman ay nakawaykaway pa. Aba e ang ganda ata ng araw neto.

"Bakit?"

"What's with that face birthday girl?" luh ba't alam neto? Wala naman ata akong nabanggit na shinare ko birthday ko except kay CJ na alam na niya dati pa kase sinabe ng kambal sa kanya.

"Bakit ba kase?" pagsusungit ko na ikinatawa naman niya.

"I have a gift for you! Kaso di ko madala dito e puntahan mo na lang"

"Zara.."

"Puntahan mo na lang kasee!" aba ba't to nasigaw e kaharap lang naman ako.

"San ba kase yun?" tanong ko.

"Sa Quezon Province" pangiti ngiti netong sagot.

Potaena.

"Magigift ka tapos nandun sa Quezon?" tumango naman eto pero parang biglang natakot ng makitang nagteterror na ang expression ng mukha ko. Ayuko talaga kaseng may magbigay saken ng gift parang nakakaabala kase talaga.

"Oo binilhan kita ng kambing.."

Pota-- please Lord gabayan mo ko't baka maitaboy ko eto sa Antartica.

Huminga ako ng malamim at kinalma ang sarili.

"Kambing? You mean kambing as in goat na as in kambing like katulad ni baby kambing?" sunod sunod na tanong ko na ikinatango naman niya.

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Where stories live. Discover now