Chapter 25: Crush

3.8K 162 33
                                    

"Zara, you can't be serious! Bakit mo dinala si baby kambing dito? I thought we talked about this? I told you to let it go home, I thought pinabalik mo na yan?"

"She's my baby, okay? I can't let her go."

What the...🤦‍♀

"Zar, listen to me. You. Need. To. Let. Her. Go."

"I can't."

Nauubusan na talaga ako pasensya dito sa babae na to e. Mahahampas ko na to talaga.

"Zar, grow up! You're not the mother of this baby!"

"Kung makagrow up ka diyan grabe ka. Ikaw nga diyan yung puro barbie pinapanood! You're a kid."

"No, I'm not."

"Yes, you are."

"No!"

"Yes!"

"Nagstop na ako manood no! At ba't naman napapunta dun usapan naten ha? Ibalik mo yan si baby kambing dun. FYI di ka nga marunong magpakain at magpadede niyan e and speaking of dede wala ka din kaya non"

"Uy Alexandra ang bunganga mo"

"Luh wala ka naman talagang dede e"

Aba't parang galit pa to e wala naman akong naalala na bumili kami ng pandede nakaraan sa petshop para kay baby kambing pero wait... ano ba tawag dun diba dede? Or bottle dede? Breastmilk bottle? Wait...Pet breast bottle?

"Sige isigaw mo pa yung full volume para marinig ng lahat dito sa soccerfield"

"WALA KANG DE--ummhmhpp!"

Kita mo na the audacity!

Kinagat ko kagad ang kamay neto na tinatakpan ang bibig ko kaya napabitaw eto bigla.

"Ouchh!"

"Kadiri ka Zara amoy bantot kamay mo!" sigaw ko sabay pinahid pahid pa ng panyo ko yung bibig ko na tinakpan niya kanina gamit ng kamay niya.

"Ah talaga ba?" sarcastic netong sambit.

Padabog etong humakbang palayu saken habang karga karga na si baby kambing na may collar na sa leeg kaya agad ko naman etong sinundan.

"Hoii Maria Zara wag mo kong tampo tampohan diyan!" pasigaw ko habang hinahabol ang hakbang neto.

"Ayaw na kitang kausap. Bumalik ka na dun sa klase mo"

"Sabe mo sa text emergency tapos ngayon palayasin mo na ako? How dare yo--"

"Sige na umalis ka na" aba't may oras pa talaga magtampo e

"Ibalik mo na yan kase dun sa kinuhanan naten"

"Ayaw"

"Ibalik mo na kaseee"

"Ugh! Okay fine!" Aba't attitude pa nga.

Pinalabas pa talaga ako neto sa classroom ko habang may klase ako. Sabe emergency daw tas eto parang kelangan ko pa suyuin 🤦‍♀

Hayy naku!

Umiling iling na lamang ako at napagpasyahang bumalik na lamang kagad sa classroom. Dun kase kami nagkita kanina sa likuran banda ng building ng department namin at napilitan lang akong sundan eto papuntang soccerfield dahil sa 'emergency' daw pero halos nagsiwalaan ang bituka ko nang makita si baby kambing nakatali sa puno na lagi naming tinatambayan.

"Alis na ako...siguraduhin mo lang na makakauwi yan" pagbabanta ko pero tinitigan lang ako neto at nagmake face pa para inisin ako.

Di ko na eto pinansin pa sa kalokohan niya at nagsimula nang humarurot papunta sa klase ko.

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Where stories live. Discover now