Chapter 5: Unlucky Day

4.6K 178 5
                                    

It's almost weekend na pero feel ko ilang taon na ako namamalagi dito sa Greenbelt U.

And araw araw na lang talaga di ko alam kung anong timplada talaga yung meron si Miss Diaz. May sayad nga talaga ata e. Kala ko bumait na nong nag offer na dun daw ako sa office niya instead sa office ni Professor Xavier kase mas malapit daw and convenient pero ang ending parang pinagsisihan niya ata kase baka madisturbo ko sila ng uod niyang boyfriend ba or fiancé? Ah basta paki ko dun.

Friday ngayon and ang aga din ni Nanay umalis dahil pupunta nga daw siya sa Iloilo.

Hayss badtrip di talaga maganda araw ko today.

Nakapag almusal naman ako ng luto ni Nanay pero iniisip ko talaga ano yung kakainin ko mamayang pag uwi. Awit ayuko magluto baka magiging abo ang bahay e. Gusto ko naman talaga magluto and like mag experiment ba ng mga pwedeng lutuin kaso etong si Nanay di na ako pinayagan pa simula nong one time na nagluto ako ng sopas. Hinabol pa nga niya ako ng walis tambo kase baket daw halos lahat na lumulutang sa sabaw ay luya at parang naging kalahati ng kaldero ay luya ang laman. E kase naman napaenjoy ako sa kakapokpok ng luya at di namalayan na naubos ko na pala yung laman ng plastic na lagayan neto at tsaka sayang naman kung itapon lang so nilagay ko na lahat sa kaldero, diba? Mindset ba mindset. Pero di ako nakatakas sa palo niya nong nagdahilan ako sa kanya na luyang sopas talaga yun.

Hayss ano kaya na lang bibilhin ko na pang dinner ko mamayang gabi? Gusto ko magfast food kaso ayaw ni Nanay sa kay Aleng Nida daw ako bumili sa kanto para matipid apakakuripot kase. Pero di naman niya malalaman diba? Kaso baka pag jollibee bibilhin ko aabangan lang ako ng mga alagad ko sa daanan. Hayss wag na nga lang.

Andito ako ngayon sa classroom at mga mare ako yung pinakamaagang dumating dito at ang worst pa e di pa bukas kaya eto ako nakaupo sa gilid ng pinto. Ang aga ko magising kase maaga din ako binulabog ni Nanay sa kwarto ko hays.

5:34 AM pa nga lang e gusto ko pa matulog kaantok naman kase. Kasalanan talaga to ni Nanay pag may magkidnap for ransom saken dito. I mean di man kami mayaman pero sa ganda kong to diba for sure madame ustung magkidnap saken. O walang halong biro yun siguro may onting joke lang WAHAHAHA pero maganda naman talaga ako wag na kayung kumontra.

Ustu kong umidlip ayuko kase dun sa canteen mukhang di pa open pero if open man ayuko pumasok dun at puro lang mga matang sarap tusukin yung nakamasid lage sa bawat galaw ko simula lang nong palagi kong kasama si CJ. Araw araw naman kami palagi magkasama kaso tinatakasan ko na nga siya minsan e parang sugurin na kase ako ng mga fans niya pero etong babaetang to e apakamanhid sinusundo pa nga ako minsan sa classroom ko.

On the other hand, feel ko bestfriend ko na nga siya kaso ayaw niya daw ako mabestfriend if isama ko pa daw lagi si Justin sa lunch. E paanu apakasungit daw nong lalakeng iyon di daw bagay akong sumama dun. Ayaw naman talaga ni Justin sumama saken kaso di din niya ako pwedeng sungitan e nalaman ko na lang kase na siya ung Justin na tinutukoy nong kausap ni Nanay sa palengke at tsaka sa kabilang kanto lang pala bahay nila meju di naman kalayuan sa bahay namin kaya nong nagkita kami ulit ng tatay niya e mas lalong dumami ang pwede kong pangblackmail sa kanya kinuwento ba naman saken ni Tatay Rob yung parang buong buhay ni asungot simula pagkabata. Kaya ayun no choice siya saken kaya dapat sundin niya lahat ng gusto ko at kung hindi wala siyang bahay na mauuwian. Akala ko nga irereto ako neto kay asungot e tulad ng sinabe niya nakaraan nong bumili kami ng bangus sa kanya mabuti na lang ang sinabe lang neto is bantayan ko si Justin daw sabe ko nga apakadamulag naman niya para bantayan pa pero tanging tawa lang ang sagot neto.

"meooww meooww"

Shit muntik na maghiwalay ung kaluluwa ko sa katawan ko nang may biglang orange na pusang dumaan sa harapan ko. Gagi san galing yun?

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon