Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 5

272K 3.5K 73
                                    

Tumuloy sina Dylan at Mitch sa isang club. Nagtataka man ay sumunod na lang si Mitch nang pumasok si Dylan sa loob. Umupo sila sa second floor ng club. Hindi sanay si Mitch sa mga ganitong lugar—yung maingay, nakakasilaw ang mga ilaw at parang magulong lugar. She gasped when she saw a couple making out at the center of the dance floor.


Tila nabasa ni Dylan ang iniisip ni Mitch.


"Natural lang iyan. Huwag mo nang pansinin."


Then he held Mitch's chin and titled it to face him. Lalong napahanga si Mitch nang makita ang ngiting sumilay sa labi ni Dylan. It exposed his dimples. God, she didn't know what was going on with her, all she knew was that she was attracted to this guy. Well, hindi na maikakaila iyon. Gwapo, matipuno, mabait and especially a good kisser. Ano pa ba ang hahanapin? Parang all-in-all package na ito.


"Fantasizing again, sweetheart?"


Doon na nabalik sa kasalukuyan si Mitch. Mabilis na iling ang isinagot niya na ikinatawa lang ng isa. Umorder naman si Dylan ng maiinom nila.


"Do you drink?" tanong nito sa kanya.


"Yes, but not much," sagot niya.


Nang mai-serve na ng waiter ang inumin at pagkain nila ay nagtanong na si Mitch.


"Anong ginagawa natin dito?"


"I'm going to let you explore. Flirt and mingle with some men. Pick a guy dito sa club and then let's see if you can coax him to pick you up."


Napatigil sa pagsimsim ng inumin si Mitch. Lihim siyang nagtampo rito, ipinagtutulakan na ba siya nito sa ibang lalaki?


Now where did that come from? Naiinis ba siya dahil sa kaisipang biglang lumitaw sa isip niya?


Luminga siya sa paligid ng bar, examining the men. May mga gwapo and hot, mayro'n din na mas gwapo kay Dylan—pero gusto niya lang si Dylan. Well, inamin na naman niya na attracted nga siya rito, pero kailangan niyang pumili, she didn't want to make Dylan recognize the thought na naa-attract nga siya rito.


"There." Itinuro niya ang isang mestisong lalaki.


"Hindi kaya bading iyan?" nagtatakang tanong ni Dylan.


"Then choose for me."


Tumayo ito dala-dala ang isang basong brandy niya. Sumunod naman siya, bumaba ito at tila naghahanap nga ng lalaki. Pero hanggang ngayon, wala pa rin itong nahahanap. Napapangiti na naman siya. Lalo siyang naging masaya. Tila ba hirap ito na ibigay na lang siya basta-basta.


"Still no choice?" kunyari ay naiinip niyang tanong. Bumuntong-hininga si Dylan.


"Sige na nga, iyong mukhang bading na lang na iyon, mukha naman mapagkakatiwalaan e. Iiwan na kita dito."


My Seductive Boss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon