Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 4

272K 3.8K 430
                                    

Warning: This chapter contains mature scenes.



Gaya nga ng sabi ni Dylan kay Mitch, pumunta nga sila ng mall matapos ang trabaho nila.


"Pumili ka," he said and then gestured at the rack of dresses in front of them.


Namili nga si Mitch ng mga damit na nagustuhan niya, pero nang ipakita niya ito kay Dylan iling lang ang mga isinagot nito.


"Puro pang-manang ang pinipili mo, kung hindi man e pang-teenager. Ilang taon ka na ba?"


"Twenty-six," nahihiyang sabi ni Mitch.


"Twenty-six, tama, kaya dapat ang damit na pipiliin mo ay pang-edad mo. Don't you watch fashion channels? Iyong mga uso ngayon?"


Isang iling lang ni Mitch ang nakuha niya.


"Instagram? Do you have an Instagram? Facebook?"


Iling lang ulit ang nakuha niya mula rito.


Napabuga siya ng hangin at napameywang. Mukhang ang laki ng tratrabahuhin niya sa babaeng ito.


"Sige, pumili ka pa ng ibang damit," utos niya.


Pumili nga si Mitch ng mga damit, at may mga dresses na sa pinili niya. Hindi naman gaano kaikli, hindi rin ganoon kahaba. Katamtaman lang, tapos namili siya ng mga blouses na nagpapakita naman ng kanyang kaputian.


Mukhang nakuha naman ni Mitch ang sinasabi ni Dylan, kaya lahat ng pinili niya ay inaprubahan nito. Si Dylan na lang ang namili ng mga pumps at heels na magagamit din niya.


"Ako na," sabi ni Dylan at naglabas ng credit card, ngunit pinigilan ito ni Mitch.


"Ako na, mga damit ko naman ang mga iyan."


"Tip number one: if a guy offers to pay, let them. Alam ko na capable ka magbayad, pero if we offer, take it. Guys loves to pamper their woman."


Hindi na nagreklamo pa si Mitch dahil pinagtitinginan na din sila ng mga saleslady at ng cashier. Pagkatapos magbayad ay inaya siya ni Dylan para kumain.


"I really don't get it, bakit kailangan mo gawin ito?" sabi ni Dylan.


"I told you, gusto ko na magka-boyfriend. I'm not getting any younger. May plano rin naman ako magkapamilya. Ni wala nanliligaw sa 'kin kaya gusto ko gawin ito."


"Bakit naman ako? Twenty-eight na ako, pero having a family never crossed my mind."


"That's because you're a man. Wala naman mawawala sa 'yo. As women, we want to have a family at mid-twenties dahil kung magkaka-baby man kami, hindi kami mahihirapan."

My Seductive Boss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon