Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 3

278K 3.5K 76
                                    

Pagkadating na pagkadating ni Dylan sa late dinner nila ng mga kaibigan niya, kinantyawan na agad siya ng mga ito.


"As usual, late ka. Work?" sabi ni Marco.


"Sus, ano pa bang bago diyan kay Ford? For all we know, he just came from having sex," si Mico naman ang nagsalita at nakipag-apir pa kay Marco.


"Mga ugok! May meeting ako kaya ako na-late," sabi niya na naiiling. Umupo na siya sa kanyang pwesto at nag-order ng pagkain niya dahil ang mga walang kwentang mga kaibigan niya hindi man lang nagabalang ipag-order na siya.


"Yung totoo?" usisa ni Jeremiah.


"Ang kulit din ninyo, ano?! May meeting nga ako."


"Babae?" mapaghinalang tanong ni Vin.


Hindi siya sumagot sa tanong nito imbis ay ngumiti na lang siya.


"Woah!" sabay-sabay na sabi ng apat niyang kaibigan.


Lima silang magkakaibigan, at magbi-business partners din sila sa mga negosyong pagmamay-ari nila. Lahat sila nagkakilala sa isang business venture sa Europe, at dahil pare-pareho silang bored no'n, ayun, nagsama-sama sila at nagbar-hopping na lang, at doon nabuo ang pagkakaibigan nila—except si Vin na naging kaklase na niya sa college.


"So babae nga? Ah e, pinatos mo na iyan. Hindi naman kami magagalit Dylan e," pambubuska ni Mico.


"It's not what you think, si Mitch ang kausap ko."


Napatigil muna sila sa pag-uusap dahil dumating na ang order ni Dylan. Pagkaalis ay nagsalita na si Vin.


"Mitch? Mitch Toledo na kababata mo?"


"'Yong binubugaw sa 'yo ni Lola Marga?" sunod na sabi ni Marco.


"Ah, nag-usap nga lang kayo. Imposibleng may nangyari na iba bukod sa pag-uusap. You tried to make a move on her once but she's just so timid and...not aware." Si Jeremiah.


"Lumapit lang siya dahil namromroblema siya," sabi ni Dylan habang sumusubo ng shrimp fettucini niya.


"Really? What's it about?" sabi ni Vin.


"She wants a boyfriend."


"Punta siya kamo sa Greece o kaya sa Mt. Olympus, maghanap siya ng Diyos. Isa't kalahating gago lang mayro'n dito," sabay tawa ni Jeremiah.


"Does she know why men avoid her?"


"I said she's not exciting enough para mapansin o matagalan ng lalaki," dagdag niya.


Though tama naman ang sinabi niya kay Mitch na hindi ito exciting, may mas malaking porsyento kung bakit hanggang ngayon ay single ito dahil ang hanap nito ay perpektong lalaki, at tulad nga ng sabi ni Jeremiah, sa Mt. Olympus baka sakaling may mahanap ito.

My Seductive Boss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon