Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 1

389K 4.7K 354
                                    

"Hay naku, mukhang may morning breakfast na naman si Sir Dylan, o."


"Shh. Huwag ka nga maingay, Erin. Baka marinig ka ni Sir," saway ni Mitch sa best friend at katrabaho niyang si Erin.


Nagkibit-balikat na lang si Erin. Sure siya na pati sa second floor ng building nila ay pinagpye-pyestahan na ang boss nilang si Dylan Ford ng tsismis. Paano ba naman? Pagkapasok na pagkapasok nila, naabutan nila yung babaeng 'breakfast' ni Sir Dylan sa lobby. Hindi lang ito ang first time na nangyari iyon—maraming beses na.


Pero ewan ba niya, kahit ganoon na ang image ng boss nila, yung mga empleyadong babae rito ay gustong-gusto pa rin si Sir Dylan. Pero sino nga naman ba sila para tumanggi, 'di ba?


Mayaman.


Gwapo.


Single.


Mga katangiang magpapasamba sa mga babae at magpapakatanga para lang mapansin ng isang Dylan Ford.


Aaminin niya, isa siya sa mga nagka-crush dito, pero dati iyon no'ng mga bata pa sila. Nawala na, dahil habang tumatagal na siya sa trabaho niya sa kumpanya ng mga Ford, ay nakilala niya ng husto ang lalaki, at isa lang ang masasabi niya: babaero, haliparot at malandi ito. At iyon ang mga pinaka-ayaw niya sa lalaki.


Seven AM na, kaya simula na ng trabaho. Actually, hindi naman siya ang secretary ni Dylan, pero madalas siya ipatawag nito sa office dahil pinagkakatiwalaan siya ng pamilya nito. Sino ba naman ang hindi, matalik na magkaibigan kasi dati ang mga lola nilang dalawa, kaya gusto siya ng pamilya nito. In fact, madalas pa siyang ireto rito...


"Alam mo, Mitch, bakit 'di ka na lang kasi mag-boyfriend? Twenty-six ka na. Naku girl! Kailangan mo na mabendisyunan!" biro ni Erin.


"Nang-aasar ka ba? Alam na alam mo na NBSB ako, ni wala ngang nagtatangka, 'di ba?"


Iyon ang pinakamalaking problema niya. Yes, she had a career, pero ang love life niya, parang Coke at cha-cha ni Ryzza. Zero na nga, nganga pa! Maganda naman siya, masasabi rin na maganda ang pangangatawan niya—pero wala talagang nanliligaw sa kanya.


"Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin ang suggestion ko?" sabi ni Erin habang nagta-type na sa keyboard.


Lumapit naman siya sa lamesa ng katrabaho.


"Alin? Ayain si Sir Dylan ng date? Baliw ka ba? Bakit ko gagawin iyon, e boss natin siya!"


"Magkababata naman kayo," depensa ng kaibigan.


Matagal na sa kanya pinipilit ni Erin na ayain nga raw si Dylan ng date at nang makita niya mismo kung papatok ang ganda niya sa yummy nilang boss. Knowing Dylan, he was a very, very healthy man. Sabi nga ni Erin, kahit sino sigurong babae ang lumapit at lumandi sa boss nila ay tiyak dadalhin nito sa langit.


"E sa 'kin naman, matagal ka na nagrereklamo na gusto mo na magka-boyfriend. Ilang beses na kitang nireto sa mga kaibigan ko pero wala namang nangyayari."


Napaisip tuloy siya. Hindi niya na talaga alam ang gagawin kundi ang patulan ang suhestyon ni Erin. Kaya sige, kakapalan na niya ang pagmumukha at kakausapin mamaya si Dylan.


Bandang lunch break, dumating ang lola ni Dylan na si Donya Marga na siyang may-ari ng kumpanya. Mabait ito at palangiti sa mga empleyado, kaya naman lahat ng tao sa Ford Corporations ay magiliw sa matanda.


"Hi Mitch, Erin! Come, may dala akong pagkain. Let's eat."


Tatanggi na sana siya nang unahan siya magsalita ni Erin.


"Ay. hindi po ko makakasama Ma'am dahil may date ako. Si Mitch na lang po. Enjoy your lunch po, Donya Marga, Mitch. Bye!"


Ano pa nga ba magagawa niya?


Makaka-apila pa ba siya? E sa tumakbo na palayo ang magaling niyang kaibigan, pumasok na sila ni Donya Marga sa office ni Dylan. Naabutan nila ito na nakahiga sa couch at tila may pinapanood sa phone nito.


"Oh, yes! C'mon baby...faster!"


Nagulat siya sa sinasabi ni Dylan, tapos si Donya Marga naman ay natatawa at napapailing na lumapit sa apo nito. Pinalo ni Donya Marga si Dylan sa may batok gamit ang dyaryong nadampot nito sa lamesa, pero ang binata ay sige pa rin sa kung anong pinapanood.


"Iyan. That's it, baby. Slap me more. I'm coming! Oh, yes!"


Maski siya ay natatawa sa pinaggagagawa ni Dylan. Kahit sa oras ng trabaho ay hindi nito pinapalampas. Seriously, watching porn in an afternoon? Hindi na nakatiis ang matanda kaya naman ay malakas na binatukan na ito na nagpabalikwas naman kay Dylan mula sa kinauupuan. His zipper was undone and he was sweating...a lot.


Nabitin yata nila ni Donya Marga.


"Lola!"

My Seductive Boss [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon