Chapter 7

3.3K 82 25
                                    

Sandra. We've known each other for the longest time. In fact, mas nauna ko pa siyang nakilala kaysa mismo kong asawa. School mates na kami simula pa noong high school, ahead lang ako ng isang taon. But it wasn't until college, until she became good friends with my wife that I really got acquainted with her. Sadly, despite all the gatherings and events we spent together, I don't think we really got pass the acquaintance status.

The encounter with Sandra was brief. Konting kamustahan lang. Konting update lang sa isa't isa kung saan napagalaman ko na kababalik lang nila ng apo niya mula sa ibang bansa para dito na magpatuloy ng pag-aaral ang apo niya. At ipinakilala din niya ang apo niya na talaga namang ikinatuwa ng apo ko. Tapos, nagpaalam na din sila.

Napag-usapan namin nina Kiel at Jace na tuwing Biyernes hanggang buong weekend, tutupad kami ng at least dalawa sa sampung final wish ni Niobe. Kaya naman sa ngayon, kaniya-kaniya muna kaming tatlo.

Umuwi na muna si Kiel kahapon dahil baka daw iwanan na siya ng girlfriend niya at buong weekend siyang missing in action. Ang apo ko namang si Jace, umalis kaninang umaga. Magmumuni-muni daw muna siya. Magsosoul searching. Mag-iisip kung anong gagawin niya sa buhay niya. Kaya naman, ngayong araw, balik din ako sa normal routine ko.

Pagkaalis ni Jace, nagsimula na ako sa paglilinis ng bahay. Ang dami kong nilinis dahil napakakalat kahit kelan ni Kiel. Tapos, saka ako nag-almusal. Nanood ng TV. Nakatulog din ako ng tanghali at nagising ng hapon na. Kaya naman, pagkagising ko, nagtungo na ako sa park. Hindi kasi kumpleto ang araw ko nang hindi dumadaan doon.

Nakaupo lang ako sa paboritong bench namin ni Niobe. Pinagmamasdan ang paligid.

For some reason, iba ang pakiramdam ko ngayon. Hindi pa rin tulad ng saya na nararamdaman ko noong nabubuhay pa ang asawa ko pero hindi na rin naman nalalayo. I've never felt this peaceful for the last 5 years.

"O basta dito lang muna ako ha?" Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa harap ng bench na katabi ng inuupuan ko. Pinapagpag niya ito habang kinakausap ang apo niya na papalayo na. Nagulat pa ata siya nang pagtingin niya e nakalayo na pala ang apo niya.

"Alessa! Wag kang lalayo masyado ha!"

"Yes, Lola! And just to remind you, di na po ako bata!" Biro ng bata. Tumawa pa ito bago tuluyang tumakbo palayo.

Nagkibit balikat ang babae bago ito umupo sa katabing bench. She then took out something from her bag. A book and her glasses. Nang mapansin kong nagsisimula na siyang magbasa, saka ako tumayo sa inuupuan ko para lumapit sakaniya.

"Excuse me? Pwedeng makiupo?" She looked at me. I just smiled widely.

Noong una medyo gulat ang mukha niya pero mabilis ding napalitan ng ngiti nang makilala niya ako.

"Gab! Anong ginagawa mo dito?" She closed her book and put it aside. Umurong din siya para makaupo ako. Umupo naman ako.

"I live near here. " Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Sa dating apartment niyo ni Niobe? I thought matagal na kayong hindi doon nakatira?"

"Around 6 or 7 years ago, we decided to move back. Para sana sariwain ang aming kabataan." Kumindat pa ako at natawa naman siya.

"Ikaw? Kelan ka pa pala nakabalik? Last time I heard nasa ibang bansa ka a." She smiled as she looked down on her skirt para ayusin ito. Kahit hindi naman talaga magulo.

"Recently lang. Kaming dalawa lang ni Alessa. Napagpasiyahan ng mga magulang niya na dito na lang niya ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Although if you ask her, she would say that her parents are just kicking her out. Medyo pasaway kasi 'yun pero mabait ang batang 'yun. Misunderstood lang." Ahh... So that's why.

The Last StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon