Chapter 3

5.3K 172 56
                                    

A/N: Medyo nahirapan po akong isulat ang chapter na ito. Pag kasi writer, alam niyo yun, parang nanay sa mga characters niya. So... Nahirapan talaga akong imaginin at iput into words yung mga nangyari sa chapter na ito. Sana maappreciate ninyo. And I hope na itrust niyo ako sa mga mangyayari sa mga susunod na chapter. Lahat ng isinusulat ko dito ay para sa isang mensahe that proves what it is to love someone forever. :)

With that, enjoy reading!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hinihimas ko lang ang buhok ng natutulog kong asawa habang hawak ng isa kong kamay ang kamay niya. Iba’t ibang boses, iba’t ibang tunog at ingay ang sabay sabay na naririnig ko. Pilit ko mang pakinggan, wala akong maintindihan.

Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman.

Nakipagkamay ang anak kong si Gabbie sa doctor na tumingin kay Niobe. Doktor din ang anak ko kaya mas mabuti nang siya ang makipag-usap. Mas maiintindihan niya ‘yun. Mas alam niya kung anong dapat gawin. Maya-maya pa ay nagpaalam na sa amin ang doctor at lumapit si Gabbie sa akin.

“Pa.” biglang nabalot ng katahimikan ang kwartong kanina lang ay punong puno ng ingay. O di kaya, baka nasa utak ko lang pala ang lahat ng ingay na kanina pa umaalingawngaw sa tenga ko.

“Pa, si mama. She had a stroke.” Itinigil ko ang paghimas sa buhok ng asawa ko. Pero hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay niya.

I, then, looked up at Gabbie.

“Pero, ok na ba siya, ate? Anong sabi ng doctor?” ang bunso kong si Chloe na ang nagtanong ng mga tanong na hindi mabuo ng utak ko sa mga sandaling ito.

“Well, stable naman na si mama. Buti nadala siya agad sa ospital or it could be a lot worse. Kaya lang, dahil sa stroke niya, may portion na sa utak niya ang nadamage.”

“Anong ibig sabihin ‘nun? Magiging ok ba si Mama?” Si Kyrie naman ang nagtanong. Asawa ni Nathaniel.

“Magiging ok naman si Mama. Kaya lang, paralyzed na ang kalahati ng katawan niya. Mahihirapan na siyang maglakad. Di na niya maigagalaw ang isang kamay niya. Pati ang pagsasalita niya, affected na din.” Umiyak si Chloe. Si Kyrie, naluha. Mismong si Gabbie, namumula ang mata pero pinipigilan ang luha habang sinasabi niya ang mga ito.

                Tinignan ko ulit ang mukha ni Niobe. Ang peaceful ng mukha niya. Parang natutulog lang siya na walang stroke na nangyari. Pero, magiging ganoon pa din kaya pag gising niya? Pag nalaman na niyang ipinagkait na sakaniya ang kalahati ng katawan niya?

“W-wala na bang pwedeng gawin?” Tanong ni Nathaniel, speaking for the first time since they arrived.

                “Pwede naman siyang irehabilitate. Physical therapy kasabay ng medications niya. Pwede pa siyang makarecover. Pwede pa siyang makalakad, maigalaw yung kamay niya at makasalita ng mas maayos. Kaya lang, hindi na magiging tulad ng dati.”

                I rubbed the back of my wife’s numb hand with my thumb. Tapos, dahan-dahan ko itong itinaas para halikan. Umaasa na sana maramdaman niya kahit manhid na ang mga kamay niya.

                Tinignan ko isa-isa ang malulungkot at nag-iiyakang mukha ng mga anak ko at bumuntonghininga.

                “Mga anak, buhay pa ang mama ninyo. Wag niyo siyang iyakan.” Lumapit sa akin si Chloe at niyakap ako. Kapag talaga bunso, forever na pababy. Kahit ba may asawa na.

The Last StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon