Chapter 5

4K 127 35
                                    

A/N: Pasensiya poooooo! Una, dahil inabot ako ng more than 15 days para maupdate ito. Pangalawa, dahil pakiramdam ko walang kwenta ang update. haha Di ko feeeel! Parang ang cliche. Pero wala akong maisip na ibang scenarios na pwedeng magamit. Mas maganda siya sa imagination ko. huhuhuhu Oh well... Bawi na lang ako sa mga susunod. hehe


Enjoy reading!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Pa, 'wag mo nang masyadong isipin 'yun, ok?"

                Medyo nahihilo na ako kasusunod ng tingin kay Gabbie habang ikinukwento ko sakaniya ang tungkol sa batang babae. Hindi kasi mapirmi sa isang lugar itong anak ko. Ligpit nang ligpit ng mga gamit ko dito sa apartment kahit na nakaligpit naman na 'yung inililigpit niya. Manang mana talaga sa mama niya. Pareho silang ubod ng kalat noong dalaga pa sila pero nang maging mga ina na, saksakan naman ng linis.

                "Nagtataka lang talaga ako kung bakit hindi mo nakita yung bata." Sabi ko sa anak ko, habang nakapirmi sa upuan dahil baka pati ako e ligpitin niya.

                She stopped for a while and looked at me. Nagpamewang pa at bumuntonghininga.

                "Papa, kahit doctor ako, hindi ko alam ang lahat ng bagay. Pero anak mo ko kaya ito alam ko." Lumapit siya sa akin at ipinatong ang kamay niya sa isang kamay ko.

                "Namimiss mo lang si Mama."

                Of course I miss her. Simula noong araw na nagising akong hindi na nagmulat pa ang mga mata niya. Simula noon, miss na miss ko na siya. Walang araw. Walang minuto o kahit segundo pa ang lumipas na hindi ko siya namimiss.

                Nang hindi ako umimik, huminga siya ng malalim saka tinapik ang pisngi ko. Sa parehong paraan kung paano ko tapikin ang pisngi niya sa tuwing nalulungkot siya noong bata pa siya.

                "Papa, wala lang yun. Wag ka na masyadong mag-isip, ok?"

                The conversation ended with that. Nag-usap kami tungkol sa mga ibang bagay. Sa mga masasayang bagay. Pinag-usapan namin ang mga apo ko, ang asawa niya, pati na rin ang mga pasyente niya. Matapos naming magdinner, nagpaalam na ang anak ko para umuwi.

                Pinanood ko siyang maglakad palayo. Nanatili ako sa pinto ng apartment ko kahit narinig ko nang nakaalis ang kotse niya. Sa kadahilanang hindi ko maipaliwanag, parang mas nangulila ako ngayon. Mas lalo kong naramdamang mag-isa na lang ako.

                Isinira at nilock ko ang pinto bago ako umupo sa sofa. Ang tahimik. Kahit ang mga studyanteng umuupa sa ibang unit ng apartment na ito ay hindi rin nag-iingay samantalang dati-rati e nagsisimula na silang mag-ingay sa mga ganitong oras.

                Lumipad ang isip ko sa mga pangyayari kaninang umaga. Hindi ko mapigilang isipin ang pag-uusap namin ng batang babae kahit sinabi na ng anak ko na wag nang isipin ito. Kasi naman...

                "Lolo, ngayon niyo pa po ba siya hindi pakikinggan? Kung kelan wala na siya?"

                Napabuntonghininga ako nang sumagi sa isipan ko ang huling sinabi ng batang babae. Oo nga naman. Buong buhay ni Niobe, pinakinggan ko siya sa lahat ng sinasabi niya. Kahit noong panahon na sinabi niya sakin na gusto na niyang makipaghiwalay. Tapos, ngayon, may sinasabi siya. Pero ayokong malaman.

                Masisisi ba ninyo ako kung ayaw kong bashin ang mga sulat sa maliit na kahon na yun?

                Kahit hindi ko basahin yung sulat, nasasaktan na ako. Nangungulila. Nalulungkot. Sa oras na basahin ko yun, alam ko sa sarili ko, mas lalo ko pang mararamdaman yung sakit, pangungulila at lungkot. Pero...

The Last StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon