Chapter 4

5K 143 28
                                    

A/N: Pasensiya naaaa! I struggled writing this chapter. Medyo matagal akong nawriter's block at nawala sa mood. Pinilit ko lang. Kaya pasensiya na sa update na ito. Sana maenjoy niyo pa din siyang basahin.

Maraming salamat po!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I vividly remember that morning after our wedding night.

                Nagising ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Dahan-dahan kong minulat ang antok ko pang mga mata. Una, blurred pa ang lahat ng nakikita ko. Then, everything became clear and I can’t help but smile so wide.

For the first time in my life, mas ginusto kong gumising kaysa matulog ulit. Kasi, sa pagmulat ng mga mata ko, ang magandang mukha niya ang nakita ko. And the realization that it’s what I’d be seeing each and every morning for the rest of my life has made me feel the happiest.

Papanoorin ko lang siyang matulog. Hanggang sa magising na siya. Pag nagising na siya at nakita niyang pinapanood ko siyang matulog, she would smile. Then, she would say,

“Matunaw ako niyan.” To which I would respond by giving her a quick kiss on the lips.

Tulad nung unang umaga namin ni Niobe bilang Mr. and Mrs. Borromeo, tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Nagising ako at dahan-dahang minulat ang mga mata ko. I saw the blurred face of my wife. Unti-unting luminaw ang lahat and when it did, I no longer smiled. Mas gusto kong matulog na lang ulit kaysa gumising.

Because this time, it was different.

Sa pagkakataong ito, hindi ko pinagmasdan ang mukha ng asawa ko hanggang magising siya. Hindi niya ako nahuling pinagmamasdan siya. Hindi siya ngumiti para sabihing matutunaw na siya sa tingin ko. At mas lalong hindi ko siya nabigyan ng halik. All because she didn’t wake up.

Instead, everything was a blur, as soon as I realized what had happened. I don’t remember much but screaming and crying. I remember pleading my dead wife, lying in my arms, to wake up.

At ‘yun ang huling beses na gumising ako’t mukha niya ang una kong nakita.

Sunod kong nakita ang mukha niya, nasa loob na siya ng kabaong niya.

“Condolence.”

“I’m so sorry for your loss.”

“Are you ok?”

Ang mga salitang ‘yan at iba’t ibang variations niyan ang paulit-ulit kong narinig sa mga sumunod na oras. Tango lang ako ng tango pero sa totoo lang, lumalabas lang lahat ng sinasabi nila sa kabila kong tenga. Pakiramdam ko, nakalutang lang ako sa lahat ng kaguluhang kasalukuyang nagaganap sa buhay ko. Para akong naparalyzed. Buhay pero walang maramdaman.

Then, I saw a familiar face among the crowd, making his way towards me. Ngumiti siya nang magkatinginan kami. Ngumiti din naman ako sabay tango. Sa kabila ng mga nangyayari ngayon, natuwa akong makita siya. Ang taong kasangga ko, maliban sa asawa ko, sa kahit anong bagay. And it’s been a while since we’ve last seen each other.

“Kiel.” Kinamayan namin ang isa’t isa na sinundan ng isang mabilisang one-armed hug. Ang version naming mga lalaki ng beso-beso.

Di tulad ng mga bisita na paulit-ulit ng iba’t ibang variations ng Condolence, I’m so sorry for your loss, at Are you ok?, iba ang pamungad sakin ng matalik kong kaibigan.

“P’re, asan ba ‘yung mga kape niyo? Kanina pa ako naghahanap ng kape e.” Napangiti ako. Adik kasi sa kape ‘tong si Kiel. Sa totoo lang, nung mga bata pa kami hindi naman yan adik sa kape na tipong at least every 2 hours e kailangan nakainom siya ng kape. Nagsimula lang yan maadik sa kape simula nung magkagulo ang buhay niya.

The Last StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon