ISANG TAON ang lumipas. Pakiramdam niya, 100 years na ang dumaan!
Nangungulila na siya kay Lucas. Nung minsan umuwi ito sa Hasyenda, nag-apply talaga siya no'n ng part time katulong. Dalawang araw lang dahil dalawang araw lang ang tinagal ng pag-ibig niyang si Lucas sa Hasyenda.
Naalala niya pa ang araw na iyon na sobrang tuwa niya sa unang araw niya, aba ay nagmano agad siya sa future dade niyang si senyor Atty. Areglado Dioskiko Kincaid!
"Dad, can I go back to Manila? Ang dami ko pa na 'di natatapos na gawain. Kailangan na ako sa opisina ko."
Natigil ang magagandang paa niya sa paghakbang papasok sa sala kung saan may dala-dala siyang tray at may dalawang tasa ng kape ro'n. Sus! Kung siya ang tanungin? Ay, hahawakan niya lang sa hawakan ang mga 'yon pero papagalitan siya ng tiyahin niya kapag ginawa niya 'yon.
Talaga naman ang gwapo ng Lucas niya. Ngayon pa lang, kinikilig na siya. Sandali siyang huminga nang malalim at hinanda ang sarili na magpa-baweng eyes mamaya kay Lucas.
Nagsimula ulit siyang humakbang.
"Hay naku Lucas, anak! Kilala kita, hindi trabaho ang aatupagin mo kundi ang babae mo na naman na si Ffion."
Ano?! May babae ang Lucas ko?!
"Dad, wala kaming—"
"May ibang babae ka, senyorito?!" Sa sobrang shockness niya, nadulas ang dala-dala niyang tray sa kamay. Deretso ito sa sahig at nabasag ang mga tasa. Pero wala siyang paki roon, duh! "Senyorito! Hindi kayo pwedeng mambabae. Bawal iyon! Bawal na bawal iyon. basta, huwag kang mambabae." Kulang na lang ay magdabog siya sa nalaman.
Ang sakit lang! Nyeta 'yan? Hindi ba nito alam na nakaukit na sa malaking punong mangga ang pangalan nilang dalawa? Hindi lang 'yon, may malaking heart pa 'yon tapos pana ni kupido. Hihi.
"Dad what is she blabbering? Sino ang babaeng iyan?" Tiningnan siya nito nang masama. Kulang na lang ay lunukin siya.
Ay pwede! Magpapalunok talaga siya. Pwede rin siya nitong kainin muna.
Natawa naman ang senyor sa tanong ni Lucas. "Ah, si Marriame. Bagong katulong sa hasyenda. Kakasimula lang niya kaninang umaga. Nirekomenda ng mayordoma natin si Donna. Masipag daw 'yan na bata kaya tinanggap ko. Mukha naman siyang mabait at maasahan."
'Ay naman! Nakakahiya.' Gusto niya tuloy humagikhik at paluin ang senyor. Sandali siyang yumuko para pulutin ang mga basag. Mabuti na lang at hindi basag na puso ito ni Lucas.
"I don't care kung masipag ang babaeng iyan. Anong pinagsasabi nitong bawal akong mambabae? Kilala ba nito kung sino ang kaharap niya Dad?"
"Oo naman 'no, senyorito!" Natatawang saad niya habang iniipit sa teynga ang kumawalang buhok. Punyeta talaga 'tong buhok niya, eh. Kinilig din! "Kilala kita noon pa! Palagi kaya kitang nakikita kaso ang snob mo lang, ho. Palagi kaya kami dumadaan dito ni Baweng, 'yong alaga kong baklang kalabaw na pink tapos sumisilip kami rito. Kaso palagi kang wala rito, sa Manila ka raw nakalagi. Nalulungkot nga ako, eh sa tuwing 'wala ka rito. Ilang taon na rin! Ay buwan pala. Hehe. Pero ngayon nandito ka na talaga tapos tinanggap pa ako ni Senyor magtrabaho rito! Ay naku, nakakatuwa 'di ba? Hindi ba kayo natutuwa na makita ang kagandahan ko rito sa hasyenda?" Ngumiti siya rito nang matamis at nagpa-cute. Huh! Tingnan lang natin kung 'di ito mahulog sa kaniyang kagandahan. Siya pa nga lang, gandang-ganda na sa sarili, eh.
"What the! Pinagsasabi ng babaetang ito? Get out! Kunan mo kami ng panibagong kape ni Dad."
"Pero kukuha lang ulit ako ng kape kung sasabihin mo sa 'kin na hindi ka mambabae sa Manila! Ang unfair niyon, 'no!" Tumayo siya at nameywang. Aba! Hindi yata siya papayag.
YOU ARE READING
The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going)
RomanceTips paano mahalin ang bilyonaryo na si Atty. Lucas Jaxx Kincaid: 1. Akitin 2. Nang 3. Isang 4. Marriame 5. Mikayla 6. Manalo Isa lang naman siyang prangka, daldalera at probinsyana girl na may alagang pink na kalabaw sa bukid at sobrang crush na cr...