Kabanata 3: Future Husband

1K 51 30
                                    

MATAPOS ilagay sa backpack ni Baweng ang lahat ng mga gulay tulad ng mga singkamas at talong, sigarilyas at mani.
Sitaw, bataw, patani. Kundol, patola, upo't kalabasa. At saka mayroon pang labanos, mustasa. Sibuyas, kamatis, bawang at luya! Sa backpack ni Baweng ay kasyang-kasya.

"Ayan! Pwede na tayong rumampa sa daan Baweng. Malapit-lapit lang naman ang kabayanan. Parang limang bundok muna daanan natin."

"Ungaaaa."

"Taray ni Baweng! Maypa-lipad-lipad na nalalaman. May pakpak ka?" Malakas niya itong tinawanan. "And opcors, dapat maganda tayo kapag pumunta ng bayan, 'no!" Mabilis niyang kinuha ang lipstick sa kaniyang lumang branded bag na bigay ni Conseng. Galing pa raw ang bag na bigay nito sa UK.

Ang gara naman kasi ng kaibigan niya. Halos mga gamit niyang pampaganda ay bigay nito, pati 'yong gown na parati niyang sinusuot kapag nandiyan si Lucas sa Hasyenda.

Mamaya ay madadaanan niya ang hasyenda at sisilipin niya si Lucas na kaniyang pag-ibig kung nandoon ba.

"Oy Baweng, daanan natin maya si Lucas ko, ah." Suhestiyon niya habang naglalagay ng lipstick na kulay dark voilet.

"Ungaaaa?" Nagdabog ito nang tingnan siya.

"Huwag ka na magreklamo 'no. Arte mo talaga. Madalang na nga sa patak ng ulan ang pagbisita ni Lucas sa Hasyenda, tapos ang arte-arte mo pa. Alam mo kasi ang pag-ibig kong si Lucas ay busy sa pagiging abogago niya! Kaya pangarap ko maging kriminal para ipatanggol niya ako. Shocks! Hihi."

Isang nakakamatay na irap naman ang ibinigay sa kaniya ni Baweng at nauna na humakbang. Napilitan tuloy siyang habulin ito. Ang hilig talaga ng kalabaw na 'to na mag-walk out. May sariling desisyon!

"Marriame!"

Nakita niya si Consolacion na masayang kumakaway-kaway sa kaniya. Tulad ng dati, may dede itong papaya na sinadya nitong ialog-alog.

"Dzae! Sa'n ka punta?" Mabilis itong lumapit sa kaniya.

"To the moon."

"Roadtrip?"

"Ungaaa!"

"Vroom-vroom daw sabi ni Baweng." Sabay silang nagtawanan pero bigla rin nagseryuso.

"Ay ano ka ba dzae! Baka may makarinig sa 'tin gawan pa 'yan ng kanta. O ano, where you going so early in this afternoon of everything?"

"Maglalako nitong mga gulay papuntang bayan. Bakit ba?"

"Gano'n ba dzae? Mamimiss kita! Sulatan mo 'ko, ah? Huwag na huwag mo 'kong kakalimutan talaga dzae."

"Paano naman kita makakalimutan kung sa dede mo pa lang, palung-palo na!"

Inirapan naman siya ng kaibigan at inalog-alog ang dede nitong made of papaya. "Alam mo dzae, may chikabells ako sa 'yo."

"Hay naku, Consolacion! Mamaya na tayo magchika-chika at kita mo 'yang Lolo Romualdo ko na nakatingin na sa 'kin ngayon?"

"Saan?"

"Ayan o!" Tinuro niya ang aguelo na nakatayo sa tabi ng puno. Hawak-hawak ang alagang manok. "Iyang matandang gurang na nakatayo at feeling gwapo! Feeling hot at macho. Inshort, si Lolo Romualdo nga! Kapag 'di ko pa nailako ito at hindi makabili ng bigas pag-uwi, ikaw ang sasaingin ni Lolo!"

"Scary niyo naman na family."

"Talaga. So, paalam na Conseng! O, Baweng magpaalam ka sa kapatid mong bakla."

Pero inismiran lang ito ng kalabaw niya at nauna nang humakbang. Napakamot na lang siya sa inasal nito. Kapag si Conseng ang kausap niya, nagdadabog ito.

The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon