Kabanata 8 - Gaano Katagal?

713 35 12
                                    

Nasapo na lang ni Lucas ang ulo at napailing-iling. Pinapangako niya sa kaniyang sarili na hindi na mag-iinom pa.

Masyado lang maraming iniisip itong utak niya nitong nga nakaraan araw kaya umuwi siya ng lasing. Oras na malaman ito ng kaniyang ina na nagmaneho siya ng sasakyan na nakainom, kasinghaba ng lubid ang sermon nito.

Nadisgrasya na siya noon at naiintindihan niya na ang halaga ng buhay nung nag-aagaw na siya sa hospital. Simula noon ay hindi na siya nuling nagbaya pa sa pagmamaneho.

"Senyorito?"

Tatlong katok ang pumukaw kay Lucas.

"Bukas 'yan."

"Heto na pala ang pinatempla niyong kape." Pumasok ito habang bitbit ang coffee mug tray.

Kaagad siyang bumangon at tinanggap ito. Naamoy niya agad ang masarap na amoy ng kape. "Salamat Manang." Marahan niya itong ininom.

Napailing na lang ito. "Bakit kasi ang gwapo niyo, senyorito. Ang daming babaeng pabalik-balik rito sa Hasyenda. Iisa lang ang hinahanap, kundi kayo."

"Kaya nga at babalik na ako sa Maynila mamayang hapon. Pakidalhan niyo na rin ako ng gamot. Wala akong mahanap na gamot dito sa room ko."

"Sige senyorito. Dadalhan ko po kayo ng gamot para makaalis na kayo. Namomroblema na si Banjo sa labas kakabugaw paalis ho ng mga manliligaw niyo."

Natawa na lang siya sa tinuruan ng katulong. "Hayaan niyo Manang, pagsabihan ko silang lahat na si Manong Banjo na ang ligawan at hindi ako."

Napa-sign of the cross naman ang matanda. "Hay naku sa inyo senyorito! Puro kayo kalokohan. Kukuha lang ako ng gamot sa ibaba." Kapagkuwan ay lumabas ito.

"Sige ho." Tumayo siya at tinungo ang bintana. Dala-dala niya ang kape at marahan itong iniinom habang nakatitig sa malakas na pagbuhos ng ulan sa labas.

Ah, naramdaman na naman ni Lucas ang pamilyar na kirot sa puso niya sa tuwing naiisip si Ffion; ang babae na bukod tangi niyang minamahal.

'Kailan mo ako matutunan mahalin, Ffiona? Kailan ako maghihintay sa 'yo? Gaano pa ba katagal? Gaano ba para naman hindi mapagod ang puso ko.'

Pero kahit sarili ni Lucas ay walang mahagilap na kasagutan sa mga tanong niyang ito. Napailing-iling na lang siya at pinagpatuloy ang pamamanood ng pagbuhos ng ulan sa labas.

Marami ang nagsabi na masarap at masayang magmahal. Pero sa parte ni Lucas, mas lamang ang sakit at kirot aa puso niya.

Alam niyang mahirap paamuin ang puso ni Ffion. Subok niya na ang katatagan ng puso nito pero hangga't kaya niya pa at hindi pa siya binibigyan ng rason ni Ffion na huminto sa pagmamahal dito, hindi siya hihinto.

Hindi ang katulad ni Audric ang magpapahinto kay Lucas. Dahil kung titimbangin, mas lamang siya kay Audric!

Siya ang bukod tanging naging karamay ni Ffion sa lahat ng mga pinagdaanan nitong sakit na ginawa mismo ng kaniyang matalik na kaibigan. Siya ang naging sandalan nito sa lahat at naging takbuhan nung mga panahon nahihirapan itong tanggapin ang pagkawala ng anak nitong si Gabriella.

Nung mga panahon iyon, sobra rin siyang nasaktan. Hindi niya akalain na babawiin ng langit ang batang naging pag-asa ni Ffion sa lahat ng mga sakit na dinanas nito. May kasalanan ang babae pero hindi sapat ito na maging dahilan para gawin impyerno ni Audric ang buhay nito.

Napakuyom siya ng kamao at napahugot ng hangin. Kung matuturuan lang sana ang puso, matagal niya ng tinuruan ang puso ni Ffion na mahalin siya at kalimutan na nito ang lalaking naging dahilan ng pag-iyak nito gabi-gabi.

Pero sadyang napakahirap nga siguro turuan ang puso na magmahal ng iba dahil kahit siya ay hirap na hirap na turuan ang puso na kalimutan ang babae at magmahal ng lamang ng iba.

Kung alam lang ni Ffion na gabi-gabi siyang nakatayo sa labas ng pintuan nito at nakikinig sa mga mahihinang iyak nito. Nagpipigil sa galit na huwag makagawa ng hakbang na pagsisihan niya habang-buhay. Dahil ang totoo, pinipigil niya lamang ang sarili na huwag sugurin ang lalaking naging ugat ng lahat ng mga pinagdaanan nitong sakit.

"Ah, mas lalo lang ako malulungkot kung mananatili pa ako rito sa Hasyenda. Mamaya lang ay babalik na agad ako sa Manila. I still have a ton of office work to do and client problems that I need to prioritize. Tambak na trabaho na naman! But it's better for my time to be frantic and occupied so I don't have time to think about Ffiona." Tipid siyang ngumiti sa sarili at nagkasya na lamang si Lucas na pagmasdan ang bawat patak ng ulan.

***

NAIINIS na pinagmasdan ni Marriame ang sarili sa maliit na salamin ng Avon press powder ng kaniyang aguela. Wala na itong laman. Inubos niya noon kay Baweng ang powder. Masuri niyang tiningnan ang proporsyon ng kaniyang matangos na ilong, mapulang labi, magagandang mga mata at may kakapalan na kilay.

"Okay naman, ah! Wala akong makitang mali sa napakaganda kong mukha. I'm pirpikly byutipol! Ang kinis-kinis kaya ng mukha ko, o. Mahihiya ang taghiyawat na makitira sa mukha ko 'no!" Proud na proud na anas niya sa sarili pero agad din napasimangot nang tumama ang salamin sa malaki niyang noo. "Punyetang noo 'to! Nagmana pa sa kapit-bahay namin." Sinipat-sipat niya ang noong kumikinang. Kasingkinang ng araw. Pati tuloy salamin ng avon ay biglang sumuko, nasira.

"Ungaaa? Ungaa!"

Naglinya ang kilay niya sa tinuran ni Baweng. Sinilid niya sa bulsa ang salamin at nilapitan ito. Sarap na sarap ito sa pagnguya ng mga damong kinuha niya. Doon pa niya kinuha sa kabilang ilong ang mga napier grass para lang makakain itong maarteng kalabaw niya! Chossy kasi ang hayop na 'to, eh.

"Alam mo, ang pangit mong kasama Baweng. Bakit ka nag-iinarte diyan na hindi kita inaalagaan? Halos magkasugat-sugat ang maganda kong balat dahil sa 'yo, makuha lang ang paborito mong damo. Hmp!" Saka niya ito pinameywangan pero inirapan lang siya ng bakla niyang kalabaw.

Mas lalo tuloy siyang nainis. Hindi talaga ito marunong magpasalamat sa kaniya. Kaya kinuha niya ito mula sa pagkakatali sa ilalim ng punong mangga at dinala sa ilog.

"Ayan! Diyan ka muna at maligo. Pupuntahan ko lang si Lolo saglit sa gulayan."

"Ungaaa?"

"Eh, sa pupuntahan ko lang! Saka, magpapaalam ako kay Lolo na papasok ako bilang katulong sa Hasyenda Ligaya. Pero hindi pa ngayon! Magpapaalam lang ako nang maaga para mas maganda. Saka na ako papasok kapag nando'n si pag-ibig kong si Lucas. Hindi naman ako tanga, ano, na papasok maging katulong tapos wala roon ang taong papakasalan ko. Ano ako, baliw? Ew."

Tiningnan lang siya ng kaniyang kalabaw from head to toe, toe to head tapos inirapan. Saka tinalikuran na para siyang isang malaking kwestyonable sa buhay nito.

'Hmp! Napakaarte talaga ng baklang 'to.'

Saka siya nagmadaling umalis at tinungo ang aguelo na pakanta-kanta sa gulayan nito. Nahiya na nga ang araw eh, nagtago na ito sa makapal na ulap. Napangitan sa palakang boses ng lolo niya.

"Lo!"

"Ay pangit kang bata ka, oo! Bakit ka nanggugulat?"

"Huwag nga kayong mambulahaw sa mga natutulog na gulay niyo!"

"Ano ka ba apo, mahal na mahal nila ang boses ko kaya."

"Mahal daw. Pinaparinig niyo lang sa mga gulay niyo ang kapangitan ng boses niyo, eh."

"Aba ay, kung meron man pangit dito apo. Ikaw iyon. Hindi ang boses ko." Saka siya pinagtawanan ng aguelo niyang feelingero.

The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going) Where stories live. Discover now