~ Epilogue ~

106 4 3
                                    

SIGNS CHASER
TaojaTaoja

Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang puting kisame ng aming kwarto. Mabilis akong pumaling sa katabi ko.

Sinong hindi matutuwa at gaganahang harapin ang araw kung itong lalaking nasa harapan ko ngayon ang bubungad sa akin. Pero kahit kailan talaga para siyang bata kung matulog. Napakalikot.

Nakasiksik ang ulo niya sa unan ko at baluktot na baluktot ang mga tuhod dahil sa lamig.

Agad kong kinuha ang comforter sa paanan ng kama. Siguradong nasipa na naman niya iyon kagabi dahil sa kalikutan ng paa niya.

Kinuha ko na rin ang remote sa side table para hinaan ang aircon. Minabuti ko na ring kumutan siya.

"Mahal..."

Natinag ako sa tawag na 'yon ni Hanz. Hinarap ko siya. Mumukat-mukat ito at halos hindi pa magawang imulat ang kanyang mga mata.

"Good morning," mahina nitong saad at muling pumikit.

Payakap akong lumapit sa kanya at intensyon na ibigay ang buong bigat ko para gisingin siya nang tuluyan.

Hindi nga ako nagkamali nang indahin niya ang bigat ko, pero hindi pa rin ako inaalis sa pwesto ko at hinayaan lamang akong nakayakap sa kanya.

"Gumising ka na kasi."

Pinaglaruan ko ang mga mata niya. Parehas ko iyong pilit iminulat. Nakakatuwa ang itsura n'ya.

"Nagkita na ulit kami ni Weighn, mahal," masayang saad ko.

Dahil sa sinabi ko ay kusa siyang nagmulat nang mga mata, nagsimulang mangunot ang kanyang noo at magsalubong ang mga kilay.

"Anong ibig mong sabihin?"

Itinulak ko ang noo niya gamit ang aking hintuturo.

"Napanaginipan ko na si Weighn, mahal." Halos mapunit na ang bibig ko sa sobrang pagkakangiti.

Simula nang nawala si Weighn, 'yun lang ang tanging hiling ko. Ang magkita at magkausap man lang kami kahit sa panaginip.

Kahit na anong hintay ko, hindi 'yon nangyari, pero kagabi, nangyari na. Tinupad na ng naglalakad na bituin ang parating hinihiling ko sa kanya gabi-gabi.

That one last wish from the walking star that has been granted was worth the wait.

"Talaga?" Napabalikwas siya at naupo sa kama. "Anong nangyari, ha? Gusto ka ba niyang agawin sa akin kaya raw lumabas na s'ya sa panaginip mo? Hindi ako papayag do'n ha!"

Malakas kong hinampas ang braso niya. "Baliw. Mamaya ike-kwento ko sa 'yo. Ngayon, ang gawin mo ay tumayo na d'yan at ipaghanda ako ng agahan. Handa kang magpakaalipin sa 'kin 'di ba?"

Kakamot-kamot sa ulo si Hanz nang bumaba sa kama.

Masama pa niya akong tinitigan nang makatayo siya habang ako ay nakangiti pa ring nakaupo sa kama.

"'Yung kiss ko? Napanaginipan mo lang si Weighn, nalimutan mo na agad ako."

Sinandya niyang magpaawa at ipakitang nagtatampo siya.

Tatalikod na sana ito matapos hindi ko siya kibuin.

"Sigurado kang aalis ka? Sige na umalis ka na," malaman at natatawang saad ko.

Nakakaloko niya akong nginisian at pagkatapos ay mabilis na lumapit sa akin nang nakatuon ang mga kamay sa kama.

Bago pa ako makalayo sa kanya ay nakabig na niya ako para gawaran ng mabilis na halik.

"My morning will always be good, with you." Mainam niya akong pinagkatitigan. "Tara na mahal. Samahan mo na 'ko sa kusina. Tulungan mo 'kong magluto. Dapat nga ako ang pinagsisilbihan mo eh."

Iiling-iling niya akong hinila pababa ng kama at parang batang pinilit na sumama sa kanya.

Signs Chaser [Boys Love] Where stories live. Discover now