Chapter Seven ~ The Deal

86 6 6
                                    

SIGNS CHASER
TaojaTaoja

Wala akong pakialam kung isipin man ni Weighn na nababaliw na ako. Ganito pala ang pakiramdam ng mapansin at makitang nag-aalala ang isang tao para sa 'yo.

Kanina, hindi ako mapakali dahil sa naramdaman kong kakaiba nang kusang si Dhyter ang nagsuot sa akin ng life vest at nang akayin niya ako pababa ng bangka.

Pakiramdam ko ngayon, lumulutang ako sa ulap kasama siya at nananatiling magkahawak ang aming mga kamay.

“Kanina ka pang ngiti nang ngiti d’yan!” singhal ni Weighn.

Sa halip na makipagtalo sa kanya, nagawa ko pang maging kalmado. “Ang ganda ng panahon oh, ang dami na namang bituin.”

Habang nagiging abala na rin si Weighn sa pagtingala at pagsipat sa mga tala, nakaisip ako ng kalokohan.

Walang pagdadalawang isip akong tumakbo palapit sa kanya at sinakyan siya sa likod.

“Oy! Anong ginagawa mo?”

Pilit niya akong pinababa, pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pag-angkla ng mga kamay ko sa leeg niya at maging ng mga paa ko sa kanyang bewang.

“Arc! Hindi nakakatuwa!”

Panay ang piglas niya at sinubukan pang kumawala nang ilang beses gamit ang kanyang pwersa, pero hindi ako natinag.

Magaan ako, bumibigat lang kasi malikot ka!” malakas na sambit ko habang nanatili kami sa aming pwesto.

“Ano ba kasing pumasok d’yan sa utak mo at sumampa ka sa ’kin ha?!” May inis niya akong tiningala patalikod.

Sinabunutan ko siya nang marahan dahil doon.

Aray! Ano ka ba naman Arc?!”

“That’s my way of giving thanks to you.”
Muli ko siyang sinabunutan at dahil doon muli na naman siyang umangal. “Grabe ‘yung pakiramdam ko ngayon Weighn. Para akong batang nabilhan ng gustong-gusto kong laruan, tapos ikaw ‘yung bumili noon para sa akin.”

Dahil sa muling paglalakbay ng isip ko ay nagawa ni Weighn na makapiglas at maibaba ako mula sa pagkakasampa sa likuran niya.

“Wala ka na ba talaga sa katinuan mo?” Tiningnan niya ako sa paraan na para bang hindi na talaga pangkaraniwan ang inaasta ko. “Paano ka magugustuhan ni Dhyter n’yan? Hindi n'ya gusto ang masyadong makulit at lalong-lalo na ang isip bata na tulad mo!

“Oy! Hindi ako isip bata ha!”

Matapos kong magsalita ay tiningnan lang ako ni Weighn.

“Isip bata ba talaga ako?”

Tinalikuran lang ako ni mokong.

“Pero…Oy! Isang tanong na lang. Masyado ba akong mabigat o tama lang?”

“Sobra,” walang gana niyang sagot nang nakatalikod sa akin.

Sobra? So ibig sabihin, kailangan ko nang mag-lose ng weight ngayon pa lang.

“Sobra ko ba talagang bigat?” nag-aalalang paniniguro ko. “Sumampa talaga ako sa ‘yo para itanong kung mabigat ba ako. Kasi ‘di ba…? Malay mo sa susunod buhatin ako ni Dhyter. Ayoko naman na mahirapan s’ya. Dapat tama lang ang bigat ko kapag nangyari ‘yun.”

Signs Chaser [Boys Love] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon