Chapter Six ~ His Peculiar Side

75 7 5
                                    

SIGNS CHASER
TaojaTaoja

“Bakit hindi kayo sumunod sa amin kahapon?” pinasadahan ako ni Shawn ng tingin. “Halos maghapon kayong magkasama ni Ram, Arc.”

Kasalukuyan kaming naglalakad sa dalampasigan. Kasabay ko si Shawn. Medyo nauuna naman sa amin si Weighn at nasa likod naman sina Dhyter at Loren.

Tapos na kaming mag-agahan. Tulad ng plano kahapon, isinabay ako ni Weighn sa kanila nang mag-breakfast.

Ah...oo. Magkasama kaming dalawa.” Wala akong naramdamang pagkailang kay Shawn simula pa noong una ko siyang nakita kaya naman parang ang gaan-gaan lang para sa akin na kausapin siya. “Nag-stay lang kami sa room ko. Kumain kami at nanonood ng movie.”

Walang ano-ano ay tinabig ni Shawn ang kamay ko at huminto. Napahinto rin tuloy ako dahil doon. 

Nanood ng movie? Eh gano’n din naman ang ginawa namin ah. Bakit hindi na lang kayo sumunod sa room ni Dhyter?”

Dahil sa pagtigil namin ay naabutan kami nina Loren at Dhyter sa paglalakad.

“Sino ka naman para pilitin sila?” Dhyter suddenly interfered.

Dahil sa pagsabat ni Dhyter ay natigilan ako.

“Bakit ba ang seryoso mo Dhyter ha? Binibiro ko lang naman si Arc.” Napakamot sa kanyang ulo si Shawn.

“Oy ikaw!”

Kahit na alam kong ako ang tinutukoy ni Dhyter ay intinuro ko pa rin ang aking sarili upang makasiguradong ako nga ang tinawag niya.

“Anong meron sa inyo ni Ram?” Sa akin pa rin siya nakatingin.

Dahil sa tanong ni Dhyter ay nilingon ko at sinipat ang napakalayo na sa aming si Weighn. Direstso lang siya sa paglalakad

“Kaibigan ko s’ya, bakit?” saad ko nang muli akong humarap.

“Ano ka ba Dhyter? Para ka namang nagi-interrogate d’yan kung tanungin mo si Arc. Ano naman sa ’yo ngayon kung ano mang meron man sa kanilang dalawa?” Nakapamewang na sabat ni Loren.

“Wala,” diretso at mariing sagot ni Dhyter.

“Sis ang ganda mo ha. Mukhang bet ka ni Dhyter.” Nagulat ako sa naging biro ni Loren.

“Baliw.” Idinaan ko na lang sa tawa ang kaba ko.

Hindi pwedeng mahalata nila na naaapektuhan ako. Baka malaman nilang may gusto ako kay Dhyter.

“Shawn tara na nga.” Hinila ko na si Shawn upang muling maglakad.

“Oy Arc! Siguro nagseselos si Dhyter!”
Hanggang sa paglalakad namin ay direstso pa rin si Loren sa pang-aasar.

Hindi ko alam  kung paano siya patitigilin. Minabuti ko na lang na ipakitang natatawa lang ako sa kanya at hindi iyon sineseryoso.

Signs Chaser [Boys Love] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon