Chapter Eleven ~ Forgotten Grief

59 5 2
                                    

SIGNS CHASER
TaojaTaoja

Ang saya palang humawak ng camera. Ang sarap sa tenga na marinig ang bawat kalatis nito sa tuwing kukuha ka na ng litrato.

Hindi ako mahilig sa ganitong bagay dahil sapat na sa akin ang lapis at papel noon pa man, pero ngayon, hindi ko na nagawang bitawan pa ang camera ni Weighn simula kanina nang hayaan niya akong subukan itong gamitin.

Ngumiti ka mokong.” Itinutok ko ang camera kay Weighn. Mabilis naman ang naging pag-iwas niya. Napakaarte mo naman.” Walang gana kong sinipat ang malabo kong kuha kay Weighn sa camera. “Yan tuloy, ang pangit!” Naiinis na saad ko.

Kinuha niya ang camera sa akin. “Ikaw ngayon ang ngumiti.”

Napako lang ang mga mata ko sa isang direksyon nang tumutok ang camera sa akin.

Hindi ko naibigay ang ngiting hiningi ni Weighn. Masasabi kong hindi man seryoso ang naging itsura ko, napakalamya naman marahil ng mukha ko sa kuha niya.

“Anong itsura mo ‘yan?” tanong ni Weighn.

Tipid akong tumawa. Para akong batang naiiyak, pero batid ko rin na hindi pa gano’ng halata na nagbabadya ang mga mata ko na gusto nang magpakawala ng luha.

Ika-labing dalawang araw ko na rito,” pagbubukas ko ng ibang usapan sa napaka kalmadong tono. “Ang bilis ng araw.”

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Weighn.

“Anong gusto mong gawin ko?” seryosong tanong niya sa tonong para bang may magagawa siya kung sakaling may hilingin akong gawin niya tungkol doon. “Gusto mo pabagalin natin?” pabiro pa niya saad habang inilalagay ang strap ng camera sa kanyang leeg.

“Pwede?” Parang nagsusumamo ko nang tanong at pakiusap. “Kung ito na ‘yung pang labing-dalawang araw na stay ko ngayon. So bukas it’s my thirteenth. Malapit na agad akong umuwi.”

Humalumbaba ako sa railings ng terrace.  Tinanaw ko ang ibaba. Walang pagbabago sa nakikita ng mga mata ko.

Pool, mga palm trees na mayroong mga blue na LED lights, at ang dagat na ngayon ay halos hindi ko na matanaw dahil sa dilim, ngunit rinig na rinig ang napakalakas na hampas nitong mga alon.

“Gusto mo na bang umuwi?” Hindi ko nilingon at sinagot ang tanong ni Weighn.

Hindi ba…isang buwan ka rito? Siguro nga mabilis lang ‘yun, pero kung ayaw mo pang umuwi, eh ‘di mag-extend ka.

Napailing ako sa narinig ko. “Bakit naman marunong ka pa sa akin? Sino bang nagsabing gusto ko rito?”

Naramdaman ko ang dahan-dahang paglapit ni Weighn. Sumandal siya sa railings at tumingala.

Nakaharap ako sa dagat, samantalang siya naman ay sa entrance ng kwarto galing sa terrace.

“Bakit ka nandito kung ayaw mo rito? Pwede namang umuwi ka na noon pa.”

“Mas marunong ka pa talaga sa akin eh, ‘no?” Bumalik ang katarayan ko. “Masaya naman ako rito. Aaminin ko, noong una, parang gusto ko na rin talagang umuwi.”

Maya maya pa ay humarap na rin si Weighn sa dalampasigan. Ang lamig ng simoy ng hangin. Unti-unti siyang lumapit sa akin at sa huli ay inihilig ang kanyang ulo sa aking balikat.

“Oy! Umayos ka nga!” Bahagya kong inilayo ang balikat ko, pero pilit muli niyang inihilig ang ulo niya sa akin.

“Mabilis nga lang ang araw,” mahinang usal ni Weighn. “Kaya dapat sulitin mo na.” Bahagya niya akong tinunghay, pero nanatili siya sa posisyon kung saan nakahilig ang ulo niya sa balikat ko. Sulitin na natin.”

Signs Chaser [Boys Love] Where stories live. Discover now