Kabanata 27 (Part One)

51.8K 2K 923
                                    

Oo na, oo na, may part one at two! Sorry na, 'di ko mapigilan ang MaMon :<<< HAHAHA enjoy!

--

Kabanata 27 (Part One)

Nakakahiya! P'wede bang maglaho na lang?!

Walang usapan ang namutawi sa 'ming dalawa sa buong biyahe pagkatapos ng kagagahang sinabi ko sa kanya.

Iuuwi lang ako no'ng tao dahil basa ako ng ulan at aabutin kami ng siyam-siyam sa daan! Tapos gutom pa ako! 'Yon lang 'yon! Concern lang siya! Concern!

Glowstick? Anong glowstick, Maria Revelia?! Kasalanan talaga 'to ni Eunice at kung ano-anong inilalagay sa kokote ko!

Nilagpasan namin ang school pabalik at wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay niya. It was massive and modern, sosyal pa at de-remote ang gate!

Ipinarada niya ang sasakyan at 'di man gano'n kalakasan ang ulan ay may ambon pa rin.

Lumabas si Damon at bago pa ako makasunod ay bumukas na ang pintuan sa pwesto ko at inilahad niya ang kamay niya. Kinuha ko ang jacket niya kung saan nakalagay ang gamit namin bago tanggapin iyon.

He covered my head as we ran towards the door of his house and while waiting for him to open it, I peeked at the glass wall curiously.

"Sino kasama mo rito?"

"Ako lang," aniya. "Mom visits sometimes and my brothers do sleepovers."

"Ahh..." matagal kong sabi at natulala pa nang magbukas na nang tuluyan ang pintuan at sinulyapan niya 'ko.

"Shall we..." he trailed off, his eyes lingering a bit longer on my face for reaction.

Umakyat na naman ang init sa mukha ko at bago pa man niya ako asarin ay nilagpasan ko na siya at confident pang nauna papasok sa bahay niya.

"Laki, ah, tapos ikaw lang dito? Baka mamaya dito mo dinadala ang girlfriends mo!" sabay sulyap ko sa kanya at matalim na tingin.

May maliit pang ngiti sa labi niya nang lumapit sa akin pagkasara ng pinto at hawak sa baywang ko.

"I didn't have girls over if that's what you're insisting, love," pinantayan niya ang tingin ko. "I'll only bring my future wife in here."

Mas lumalim ang gitla sa noo ko.

"Talaga lang, ah?" agresibo kong sabi. "Eh, bakit nandito ako?!"

He only smirked. My mouth parted dramatically.

"I-ikaw!" tinulak ko siya palayo sa akin. "Sinasabi mo bang..."

"I don't date for nothing. I date to marry," hindi umaalis ang tingin niya sa akin habang sinasabi iyon. "But of course, with your permission."

If I'm blushing, I didn't let him know—at least, I tried not to.

"Bakit? Mga ilan na ba ang di-nate mo at hanggang ngayon wala pa rin?" humalukipkip ako.

"I dated once in high school, she's an SSG Secretary and will date again today. My girl's an Architect, you know her?" he smiled teasingly again and I couldn't stop myself anymore.

"Pakyu ka, Montezides," mariing sabi ko at doon ko na narinig ang tawa niya habang nilalapitan ako at sinakop ako ng mahigpit na yakap.

He kissed my head while I was glaring at nothing, annoyed I'm blushing this much in front of him. Dapat astig! Anong astig kung mukha akong kamatis sa pula, ah?!

"You should take a bath, love. Amoy kulob ka na," ani Damon sa buhok ko at tumawa nang sapakin ko na.

"Gago, at nang-insulto pa?" chuckling, he held my forearm. "You should take a bath, baka magkasakit ka. I'll prepare foods."

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon