Kabanata 8

44.9K 2.5K 2K
                                    

Kabanata 8

Nagising akong masakit ang batok at namamanhid ang leeg.

Paano ba namang hindi at bumabalentong ako pagtulog kagabi? Akala nga ni Mama ay sinapian na ako ni The Grudge nang mahuli niya akong bumabalentong at nakabaligtad sa ibaba ng kama, ang buhok ay bagsak sa mukha habang suot ang puting pantulog.

'Di ako makatulog. 'Di makakain. 'Di mapalagay kakaisip sa 'yo—kailan pa 'ko naging corny?

Ngumiwi ako at sinubo ng buo ang pandesal. Nag-iingay sila ang aga-aga pa lang sa bahay habang kumakain ng agahang hotdog, sinangag at tuyo pero ang utak ko ay naiwan pa rin sa traysikel.

"Can't let my girl lose, right?" ang baritonong boses na iyon ay bumalik sa utak ko na parang sirang plaka. Natawa ako.

"My girl," bulong ko sabay tawa. "Parang tanga..."

"Boss?"

"Revel, okay ka lang?" napatalon ako sa gulat, nilingon ang mga kaibigan at natauhang narito nga pala sila at kumakain kasama ko!

"Oh, bakit?" angas ko, pilit na kinukubli ang reaksyon pero 'di ako sigurado kung nagtatagumpay ba.

"Namumula ka, boss," ani Junard. "May lagnat ka pa ba?"

Inabot niya ang noo ko pero hinampas ko lang paalis sabay abot ng kape ko at higop pero mainit pala kaya maiyak-iyak na ako sa paso habang nagpa-panic silang abutan ako ng tubig.

"Ayos ka lang?" ani Eunice.

"Oo," naubo ako, "ayos lang."

"Ewan ko ba d'yan sa batang 'yan, kagabi pa 'yan," lumitaw si Mama na naglapag ng bagong plato ng kanin sa lamesa. "Pagkauwi ko rito naabutan kon nakatulala do'n sa labas ng pintuan. Nakauniporme pa, akala mo batang ligaw."

Sabay-sabay nila akong nilingon, "b-bakit?"

"Ayos ka lang?" parang kantang chorus pa no'ng tatlong gunggong.

"Bakit hindi?" nag-iwas ako a pinagdiskitahan ang hotdog sa plato ni Eunice pero pinapanuod niya ang reaksyon ko kaya 'di napansin ang krimen ko.

"Hindi namin siya kasabay umuwi, Tita, eh," aniya. "Pero normal naman siyang umalis."

"Mukha ba 'kong abnormal?" sinubo ko ng buo ang kalahati ng hotdog, 'di pa rin tumitingin. Tinapik ko si Junard at tinuro ang tuyo. Inabot niya sa 'kin ang platito.

"Hindi lang 'yan," ani Mama. "Kahapon, nakarinig akong kalabog sa kwarto niya. Parang may nahulog kaya nag-panic ako at ito! Pagdating ko do'n, ayon ay nasa lapag siya! Nakabaligtad! Jusmiyo! Akala ko si The Grudge!"

"Nahulog nga lang kasi 'ko, Ma," sabat ko. "Napanaginipan ko si Harry Styles hinaharana raw ako sa concert tapos background dancer ang Chicser."

Hindi sila umimik. Puno ang bungangang nag-angat ako ng tingin.

"B-bakit? Tingin-tingin n'yo?"

"May narinig ako..." balita ni Mama. "Actually ngayong umaga lang, 'di pa nga 'ko naniniwala pero kung iisipin mo..."

Kumalabog ang puso ko at tumikhim sa malisyosang tingin ni Mama.

"Ano 'yon, Tita?" ani Eunice.

"Share!" ani Jere at Junard.

Ngumisi si Mama at pinagmasdan ako, "kanina no'ng bumili 'ko ng tuyo nakasalubong ko si Aling Lolita."

Nanigas ako bigla. Ang kapitbahay namin iyong tsismosa!

Sabay-sabay na humigop ang mga kaibigan ko ng kape na parang magkakarugtong ang utak habang nakikinig. Ready na sa agahang tsismis mula sa nanay ko.

"Ano... ano raw sabi? Na ang ganda ko?" tanong ko, "maniwala ka kasi totoo 'yon, Mama—"

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon