Kabanata 23

47.7K 1.9K 876
                                    

Kabanata 23

Kumalampag siya.

I shouldn't laugh. I shouldn't! But I did.

This time, there's no stopping it.

Bumalikwas siya ng tayo bago pa makalapit sa kanya ang co-faculty.

"Sir! Ayos ka lang?" ani ng mga kasama pero pinagpagan niya lang ang damit at tumango na parang tuod.

"Sigurado ka?" ani no'ng isa, "tara sa clinic—"

"Ah, hindi na po kailangan ng clinic ni Professor, Ma'am," I blurted. "Sanay na 'yan sa mga talbugan."

Nilingon ako ni Montezides at seryosong inayos ang salamin niya, malalim ang tingin at puno ng babala.

"Oh, sorry, secret pa rin pala?" mahina kong sabi, nag-aasar bago unti-unting inikot ang swivel ko para umiwas at magpanggap na inaayos ang blue prints.

"Professor Montezides?" tawag nila, "sigurado ka?"

"Yes," he answered. "I'm fine, I just didn't notice the sign..."

Pasimple akong lumingon at nakitang nasa akin pa rin ang mga mata niya. Nanliit iyon kaya lumabi ako at muling ibinalik ang tingin sa blue prints.

"I have a class in a moment, I gotta go," and he left. Bumalik din ang mga kasama niya sa pwesto matapos akong tignan nang nagtataka't kuryoso.

Natatawa pa ako nang sumilip si Nolan sa pwesto ko at ngumisi sa 'kin, "tuwang-tuwa, Revelia? Miss na miss?"

My smile faded. I looked around us and hissed at him, "h'wag kang maingay!"

"Ay, wala bang nakakaalam?" aniya at pumasok sa pwesto ko. "Akala ko ba kalat na kalat kayo noon?"

"Walang kami," I insisted, "and past is past. Wala nang may alam no'n ngayon."

He pulled the chair on the side to sit, watching me, "what if gusto ka pa niya?"

I scoffed, "how could he still like me if he never did in the first place?" I couldn't help but taste the bitterness coating my tongue.

Natahimik si Nolan, "Revel—"

I snapped, "dati pa 'yon, ano ka ba," ibinalik ko ang ngisi ko. "Past is past, okay? And if you're curious if I'm still interested with him? I admit it's fun making fun of him but other than that? No way, not again."

He must've felt my mood shifting and so, he began talking to me about other things and work.

Ang head architect naming ay nagtawag ng mabilisang meeting para makapagsimula na kami ng trabaho ngayong week and I focused myself at that than to reminisce the past. Too annoyed to remember I have that rebellious heart one, one that I willingly gave him.

But he gave it back, broken.

Nandito ako para sa trabaho, wala nang iba.

It's a shame wasting this opportunity to slap on his face na nagkaroon ako ng future. Hindi kagaya ng pinaniwalaan nila.

"Ihatid na kita," ani Nolan na buhat-buhat pa ang bag ko.

"'Di na, magkikita kami ni Junard dito," sagot ko. "'Di ba, sa hotel ka nag-i-stay?"

Tumango siya, "yeah, I insisted on staying where you are but you know my mother. She booked me a hotel throughout the project so..."

"Edi ikaw na mayaman," ngumiwi ako, "sana all, tayo na lang kaya ang magkatuluyan?"

Tumitig siya sa akin at maya-maya'y umalon ang lalamunan na parang masusuka at tinakpan ang bibig niya. I cackled when he pushed me jokingly and gripped me back, putting his arm on my shoulder.

Rebel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon