Chapter Nine

2.9K 161 26
                                    

[ A/N: I would just like to remind everyone that this story is just a short one - ‘yong tipong para lang din itong ‘Finding my destiny through... my desk?’. I’m planning that this will only contain at most 25 chapters. Kaya huwag ng magtaka kung madaling tumakbo ang oras for the coming chapters. :) ]

*~*~*

“Ginny, si Chenee ang tinatanong ko.” I know Kester didn’t really mean to sound so rude but with the immediate change in Ginny’s face, he had to apologize in an instant. “Sorry. Okay, we will just order what you want.” After he said that and paid for it, he glanced at me apologetically. I sincerely smiled back at him, just to ease his disappointment. Pansin kong kanina pa gusto ni Kester na bumili ng mga gusto ko but with Ginny around, interrupting every now and then, he wasn’t able to give anything that I wanted.

And it was expected. Simula nang magkakilala kami ni Ginny, parati na siyang pumupunta sa bahay nina Kester. Pakiramdam niya siguro kailangan niyang protektahan ang makapatid mula sa akin. How come I’d say that? Bukod sa lagi siyang sumusingit kapag nagsasalita na ako, lagi rin niyang kinakausap sina Kester at Kervin ng mga bagay na hindi ko maintindihan, surely to make me feel out of place. Noong una, naiinsulto talaga ako. Nakakabastos kasi siya. Nagsasalita ako tapos bigla niyang isisingit ang sarili niya. Sa sobrang inis ko sa kanya ay nagawa ko talagang mag-walk out at bumalik ulit sa panahon ko.

Pero ngayon, hindi na ako masyadong affected sa mga kinikilos niya. Kasi kung siya gumagawa ng paraan para hindi kami masyadong magkausap ang magkapatid, si Kester naman ang mismong gumagawa ng paraan para makausap nila ako, even if it means seeing Ginny scowl. Evil na kung evil pero hindi ko mapigilang matuwa kapag naiinis siya, tulad nalang ngayon.

“See Ginny? You can’t isolate me. You can’t build a wall around me since someone’s always gonna bring those bricks down before they can even reach a meter high.” I beamed, then walked past by her.

Sumunod ako kina Kester at Kervin na nauna sa isang bakanteng table dito sa food court. Kester patted the space on his left but before I could move to his side, someone already sat beside him. I guess, I don’t need to mention her name. Napaismid naman si Kester nang maupo ako sa tabi ni Kervin. Bale, nasa harap ko si Kester habang si Kervin na katabi ko ay kaharap si Ginny.

Binuksan ni Ginny ang lalagyan at kumuha kami ng tig-iisang baso at naglipat ng ice cream dito.

“Sure ka, okay lang sa’yo ‘yong mango flavor?” Kester asked, not minding that Ginny’s just beside her and can clearly hear him.

Hindi ko naman mapigilang matawa sa itsura niya. Bakas kasi talaga rito ang pag-aalala. “Kester, it’s still an ice cream. Hindi naman ako iyong tipong nagtatampo dahil lang sa hindi ang favorite ice cream flavor ko ang binili.” Huminto ako at sumulyap saglit kay Ginny bago nagpatuloy, “I’m not that childish.”

I smirked as I scooped a little amount of ice cream. Nang kainin ko na ito ay hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya. Mukhang may tinamaan yata ako sa sinabi ko? Mariin ang pagkakahawak nito sa kanyang kutsara habang tinitingnan ako ng masama. Sa totoo lang, sa gandang taglay niya kahit na galit pa siya ay parang siya pa ang inaapi ko. Pakiramdam ko tuloy ako ang kontrabida sa kuwento niya.

But if the princess is this bitchy, I’m more than willing to knock some sense on her even if I have to be the villain.

I let myself drown on the sweetness of the ice cream. “Masarap rin pala ‘to!” I said, pointing my spoon to the ice cream.

“Hindi ka ba nakakatikim niyan?” takang tanong ni Kester na hindi pinapansin si Ginny na panay kalabit sa kanya.

Kaagad akong umiling at sinagot siya, “Cookies and Cream lang kasi ang binibili ko dahil ‘yon ang una kong natikman at nagustuhan na rin. Up until now, I still love it! Ayaw ko namang sumubok ng iba sa takot na hindi ko magustuhan tapos mag-aaksaya pa ako ng pera.” Sumubo ulit ako at ninamnam ulit ang tamis at lamig na dulot nito sa aking bibig.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon