Chapter Seven

3.2K 157 16
                                    

I ate the last bit and savoured its sweetness. Simula nang makatikim ako ng ginawang leche flan ni Kester ay halos araw-arawin ko na ang pagbili nito sa canteen. Pumalpak man kasi si Kester sa paggawa ng sauce non ay hindi ko rin naman maikakaila na masarap pa rin iyon. Leche flan is officially my favorite dessert thanks to him!


Matapos kong mag-snacks ay kaagad akong umalis upang tumungo na sa aking classroom na nasa ikatlong floor pa. It has been the same classroom I had for three years and surely, for the next two years. Sa AFU kasi, kahit na nasa college kami, ay para pa rin kaming nasa high school. May classroom para sa block section namin at ang mga Professor ang pupunta sa'min para magturo. We only leave our room when we had to go to computer laboratory for accounting subjects that relates to using it or when we use other educational facilities as requested by the assigned Professor. Kaya tanging oras nalang ng bawat subject ang aming minememorya.


Nasa labas na ako ng classroom nang may mapansin ako. Ang daming estudyante sa loob nito na ang iba ay nakatayo nalang upang makapasok lang. My eyes furrowed as I looked at my watch. We still have thirty minutes before the start of the next subject so I doubt if Ma'am is the reason why these people are here. Isa pa, imposible na dudumugin kahit ng mga first year ang Professor naming 'yon. Nakakaantok kaya 'yong magturo!


Since I can't pass the back door due to the crowd, I decided to go through the front door.


Nang nasa labas na ako nito, just inches from the classroom floor, ay nakita ko kung sino ang nasa harapan na s'yang dahilan kung bakit ang dami ng estudyante. I saw Sir Key. Hindi na ito nakakagulat dahil maliban sa pagiging the best Guidance Councilor the University had, sikat talaga siya lalo na sa mga babae dahil sa itsura niya. Para siyang KPOP Artist eh!


And beside him was a girl. A girl I never saw before. Ang haba ng buhok niya, abot bewang. Lagpas pa nga siguro ng konti. Side view lang nito ang nakikita ko mula sa aking puwesto hanggang sa napalingon si Sir Key sa gawi ko. He smiled and invited me to come in. Pero bago ko pa magawang ihakbang ang aking mga paa ay lumingon rin ang babae sa gawi ko. Her smile? It faded away. Hindi nagtagal ay kumunot naman ang noo niya. She bit her lip, as if stopping herself from saying something.


"Chenee?" Her voice was clear yet cold.


Bakas sa boses niya na hindi niya inaasahang makita ako. Bakas rin dito na hindi siya masaya na makita ako.


"Kilala mo ako?" I asked innocently. Hindi ko siya kilala. That's a thing for sure! Pero bakit niya alam ang pangalan ko? I doubt that it's a wild guess. Hindi kaya common ang pangalan ko.


She smirked, eyeing me from head to foot. She even shook her head then, laughed. Tapos ay huminto siya, "Should I introduce myself to you again?" mataray nitong tanong sa akin. Teka, again? Nakilala ko na siya noon? Bakit hindi ko maalala? Bakit hindi man lang familiar ang mukha niya?


At dahil sa dami ng tanong kong malabong masagot ay mismong sa kanya na ako nagtanong, "Sino ka ba?"


"Ginny. Ginny Madrigal." Ngumiti siya at tumingin sa mga estudyanteng nasa loob ng classroom. Ngayon ko lang napansin ang kakaiba nilang mga tingin sa akin. They look surprise, as if it's their first time seeing me. "May estudyante pala sa AFU na hindi ako kilala?" her tone was obviously mocking me.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon