8

26 6 1
                                    

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nung makita kong papalapit na si Mr. Adobo. Syempre, umatras ako at talagang kunwari ay napa-hikab pa.

"Sandali lang ha. Iidlip lang ako sandali." Binigay ko na ang apron kay Mars para siya na ang mag-entertain ng customer.

Sus, kunwaring patingin-tingin pa ng ulam pero alam kong adobo, kahit anong part pa rin ang i-oorder niya.

Nagpipigil ako ng kilig habang ino-obserbahan iyong lalakeng nakapako lang ang tingin kay Mars. Etong Maria Lucia naman ay akala mo, na-in love na rin sa manok ng adobo kasi hindi man lang binabalik ang tingin ng lalake.

"Papagalitan tayo ni Mars nito." Bulong ni Adie na katulad ko ay pasikreto ring tintingnan si Mr. Adobo at Mars.

Napahagikhik ako. "Okay lang. Worth it naman."

"Akala ko iidlip ka?" Kunwari ay galit na saad ni Mars. Sus, baka na-shy lang aming friend na allergic sa hot seat.

"Bakit ako lang? Nakiki-chismis din kaya si Adie!" Agad na sagot ko. Napaka-unfair naman kung sa akin lang ituturo ang sandok ni Madam!

"Ewan ko sa inyong dalawa."

"Hayaan mo na, Mars. Okay na iyong may isa sa atin ang may jowa- kahit kunwari lang."

Parang napakalaking kasalanan ng sinabi ko dahil sa galit na tingin ni Mars. Eto naman. Hindi mabiro.

"Hayaan mo na, Mars. Mga once a week lang naman namin 'to nagagawa. Pagbigyan mo na. Ano ka ba."

"Maghanap kayo ng ibang mapagkakatuwaan. Huwag ako."

Nagpaalam muna ako sandali para mag-gym sana. Nalaman ko kasi na may malapit naman pala na gym dito at hindi gaanong mahal ang membership fee. Masakit man sa loob kong gumastos, kinumbinsi ko ang sarili kong kasama ito sa aking Project: Ako muna ang pipiliin ko.

Jogging naman talaga ang gusto kong gawin pero dahil sa takot kong makita si Yael, hindi ko naman magawa-gawa. Hindi na siguro madalas na mag-jogging iyon. Hindi na siguro siya stressed dahil sa fianceé niya. Bagay na bagay nga sila, eh.

"Uy, mukhang may mauudlot na exercise na naman."

"Ha? Eh..."

Naka-pang exercise attire na ako. Bumili pa nga ako ng bagong rubber shoes kasi medyo bumuka na nga iyong dati. Nakakaloka, mapaghahalataan akong baguhan sa gym.

Pero iyong plano ko, hindi na naman siguro matutuloy. May kung anong pwersa ng mundo talagang pumipigil sa akin na magka-boyfriend at mag-exercise. Ewan ko na lang.

"Hi, Kels!" Bati ko sa kaniya.

"I have a favor, Althea! Please!" Dramatic na sabi niya.

Ano bang sinasagot pag may nagsasabi ng ganito?

Pinili ko na lang tumawa kunwari. "Ano ba iyon?"

"Private baking lesson. Isa lang talaga. Gusto ko lang i-surprise iyong friend ko sa bachelorette party niya."

Parang magnet na narinig ni Adie ang sinabi ni Kelsey at sumingit ang loka. "Hugis talong ba?"

Pareho sigurong namula ang pisngi namin ni Kelsey. Napaka-walang hiya talaga nitong si Adie! Pinaghahampas-hampas ko nga hanggang sa nag-walk out at tumatawa.

"Kita kits, Kels!" Sabi niya saka bumalik ng kusina. Baka nasunog na ang niluluto nito. Inuuna pa kasi iyong ibang talong kaysa sa literal na talong sa kusina.

"See you around, Adie!"

Kung maka kita kits, see you around parang mag-bestfriend lang itong dalawa.

Ray of SunshineWhere stories live. Discover now