5

31 6 0
                                    

"Type mo si Yael, no?"

"Ay anak ng kambing ka naman Adie!" Nabitawan ko tuloy ang hinuhugasan ko ng plato sa gulat. "Papatayin mo naman ako sa gulat. Grabe ka!"

"Kanina pa ako andito pero hindi mo ako napapansin kasi ayan, tulala ka. Chine-check ko lang kung nahuhugasan mo ng maayos iyong mga pinggan."

"Aray ha. Syempre naman maayos pagkakahugas ko dito." Pinakita ko pa sa kaniya ang mabulang sponge. "Kita mo oh, ang bango. Patay ang germs. Baka nga 100% na. Mahihiya ang susunod na gagamit sa kintab."

"Kita ko nga eh. Kita ko din na kanina ka pa nakatulala."

"Hindi no."

"Sige lang. Deny ka lang."

"Halata ba?" Sumusuko na ako. Mas transparent pa ako sa plastic cover.

"Halata," sang-ayon pa niya. Hindi man lang nag sugarcoat!

"Masyado akong malungkot?"

"Hindi naman malungkot. Mukhang may malalim lang na iniisip. Ano ba kasi iyon? Crush? Pera?"

"Bakit pahihiramin mo ba ako kung pera iyong problema?"

Agad na napa-atras si Adie, nakataas ang kamay. "Gustuhin ko man, wala din akong mapapahiram at alam mo iyan."

"Alam ko. Palagi kong nakikitang nakakunot ang noo mo pag may dumadating na love letter."

Mapait kaming napatawa. Love letter kasi tawag namin sa mga sulat galing sa babayarin at pinagkaka-utangan.

"Habang buhay ka, may pag-asa. Hindi man lang nabanggit na may kasamang responsibilidad at may mga bilihin at babayarin. Sana man lang, nakapag-prepare tayo noong mga bata pa tayo. Hindi man lang tayo naturuan ng Adulting 101 at Dealing with Adults 101."

"Sumasakit iyong ulo ko sa Dealing with Adults 101 na iyan. Sana tinuturo diyan kung paano magsabi at tumanggap ng No, I can't, I don't want to at iba pa. At isa pa ha, kung maka bata pa tayo ka diyan, parang uugod-ugod naman tayo!"

Siya na ang nagbanlaw ng pinagsabunan ko. "Hindi malabong mangyari iyon, Al. Pero huwag na nga nating problemahin iyang pera. Pwede iba naman para may variety at spice itong buhay natin. So, type mo nga iyong Yael?"

"Hindi naman sa type."

"Huwag mo kong inuuto, Al. Lahat ng gwapong mabango, lalo na kung chinito type mo."

Eto naman! Ang specific. Nagmumukha naman akong chinito hunter nito. "Sige na nga! Gusto ko siya, okay? Pero isa akong proper binibini. Hindi ko ipagpapatuloy ang feelings ko taong engaged na."

"Nilandi ka ba niya?"

"Ewan. Ang hirap kasi i-identify, Ad. Alam mo naman, mas matibay pa iyong lumpia wrapper kaysa sa bakod ng puso ko. Pero behave na ako. Hanap na lang akong ng iba."

"Gusto mo ulit ng chinito? May medtech na dito bumibili ng ulam-"

"Hoy!" Agad na pigil ko sa kaniya. Ikaw ha! Huwag scandal. Baka mawalan tayo ng customer pag ganyan."

Okay lang naman walang love life. Sus, minsan nga, source of stress din iyon. Baka nga hindi minsan, madalas pa.

***

Sa araw ng engagement party ni Yael, ay hindi na kami nakapag-bukas ng karinderya. Nagpadagdag kasi ng putahe si Kelsey. Okay lang daw na sumobra kaysa sa kumulang.

Wala na ngang nagsasalita sa amin kasi focus na focus sa paghabanda. Paano ba naman kasi? Ang pressure!

"Ano ba isusuot natin?"

"Ha?" Sinet ko muna ang timer ng oven. "Kailangan pa ba?"

"Alangan naman mag-hubad tayo, Althea? Hindi tayo ang kakainin dun. Iyong pagkain, Al." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Adie.

"Ang bastos mo, gaga!"

Pinagtawanan lang kami ni Mars habang tumutulo ang luha at naghihiwa ng sibuyas. "Hindi naman tayo bisita. Pwede na siguro medyo formal kahit hindi na dress."

Hindi na ako nag-ovethink at sinuot ang unang damit na nakita ko. Simpleng black dress lang na walang design. As if naman marami akong option eh, literal na nasa iisang cabinet lang ang mga damit namin.

"Ganda ng suot mo." Bulong ni Adie kay Mars.

Ngumiti naman ang isa. "Mas maganda ang suot mo." Parang mga tangang nag-bobolahan pa ang dalawa.

"Bakit ba naka-terno kayo, mga ulol?" Tanong ko. Ako lang tuloy ang hindi naka white blouse tsaka skirt. Parang absent tuloy ako nung nag-meeting tong dalawa!

Hindi ko na naisip ito nang makarating kami sa bahay nila. Grabe. Ang ganda. Alam kong village ito ng mga mayayaman pero labas ng bahay lang naman ang mga nakikita ko. Hindi ko alam na mas maganda pala sa loob.

As per instruction, sa likod daw namin dadalhin ang pagkain. Sa may garden nila. Buti na lang at wala pang tao. Nakaka-conscious. Hindi ko pa naman alam paano kumilos sa lugar na pang-mayaman as jologs since birth.

"Let me help you."

Buti na lang nasa kamay na ni Yael iyong banana cake kasi kung hindi niya sinalo, malamang nahulog na iyon sa lupa, bumagsak na walang sasalo gaya nang nangyari sa akin.

Sandali akong napatigil. Hindi ako makapagsalita dahil wow, ang gwapo niya. Totoong may mga tao palang nakaka-speechless ang kagwapuhan.

Napa-check ako ng ilong kasi baka nag-nosebleed ako ulit. Pero ang bango. Ibang perfume ang gamit niya ngayon, mas mild. Pati shampoo niya na amoy lavender, ang bango! Hindi na ako nag-comment. Baka sabihin, may lahi akong aso.

"Hindi. Okay lang. Kami na dito." Naka-recover din sa wakas. Okay lang i-appreciate ang kagwapuhan niya pero hindi pwedeng tumunganga. "Promise, okay lang talaga."

"Kuya, andyan ka lang pala! Andito na sila!"

Kasabay na dumating ni Kelsey ang mga bisita nila. Timing na kakatapos lang naming ayusin ang mesa. Mukhang magkakasya naman ang pagkain kasi kaunti lang naman sila.

Pumunta muna kami sa gilid habang nagbabatian sila. Nakita ko na ang mga magulang ni Yael. Para silang mga kontrabida sa mga teleserye. Ang seryoso ng dating.

Nakita ko din ang pamilya ng babae at pati na ang fianceé niya. Ano pa bang masasabi ko maliban sa ang bagay nila.

Ang hinhin niyang tumawa habang kinakausap ng nanay ni Yael tungkol sa trip to Italy niya. Mestisa, mukhang foreigner. Parehas din silang mag-english, may accent.

Siguro mamahalin din ang perfume niya at shampoo. Bagay na bagay sila.

"Ang seryoso nila, parang business meeting." Komento ni Adie.

"Na-miss ko bigla iyong mga pa-kain pag may kinakasal sa lugar jatin." Bulong din ni Mars.

Napangiti ako. Buti na lang at nakita ko ito. Masarap mangarap ng magandang bahay tulad ng sa kanila pero ngayon, mas naliwanagan akong hindi naman pala ganito ang buhay na gusto ko. Hindi ako makakasabay sa kanila. Wala akong masasagot sa mga tanong nila.

Hanggang crush lang pala talaga si Yael. Buti naman, maaga akong naliwanagan.

Nung nagtama ang mga mata namin, bukal sa loob ko siyang nginitian bilang suporta as kaibigan niya. Binigyan ko pa ng thumbs up at saka bumulong ng 'Ganda niya! Bagay kayo!' para mas klaro pa sa dyamanteng suot ng mama niya ang mensaheng gusto kong ipaabot.

Hindi man lang binalik ang ngiti ko. Ang sungit. Tapos, umalis pa bigla. Hindi ba maganda ang gising nun?

Ray of SunshineWhere stories live. Discover now