6

40 4 3
                                    

Gusto kong umiyak.

May kung anong espirito na sumanib sa akin nung makalanghap ako ng simoy ng hangin habang naririnig ang hampas ng alon sa dagat. Hindi ko inaasahang darating ang puntong iiyakan ko na ang buhangin.

Parang mga batang nag-unahan kami ni Adie sa gate ng resort. Masakit man sa loob magbayad for leisure, nag-meeting na kami kagabi na hindi naman siguro namin ikamamatay kung mag-eenjoy kami for two days and one night.

"I can't believe it! I'm so bilib!" Napa-yakap ako sa unan ng resort room namin. "May unan din naman tayo sa bahay pero mas masarap siguro ang tulog ko dito."

"Anong tulog? Walang matutulog. May party mamaya. Makiki-party tayo. Susulitin natin ang limang libong binayad natin dito."

"Adie, ha! Nasa briefing na natin na huwag magbanggit ng presyo, bayad sa room, entrance sa resort, bawal mag-compare ng presyo sa labas, at bawal mag-complain ng mga presyo sa mga bagay na hindi naman natin bibilhin!" Paalala ko kasi mukhang nakalimutan na nila ang pinag-meetingan namin.

"Huy, Althea, hindi iyon graded assignment at wala tayo dito para mag graded recitation. Pero fine, oo na. I agree dun sa lahat ng sinabi mo.'"

"Char, bago iyong towel. Libre ba 'to? Baka pwedeng iuwi?" Paglingon ko naman kay Mars na gumawa na ng sariling mundo at ginawang shopping mall ang kwarto. "Guys, pag di niyo gagamitin iyong shampoo at sabon na freebie, akin na lang ha?"

My gulay. Gusto ko na lang matawa. Buti na lang, lumabas na kami pagkatapos ng napakaraming buwan kung hindi man umabot ng taon dahil kung hindi, baka naging human calculator na ang isa sa amin o di kaya'y naging hoarder at borderline magnanakaw na.

Susulitin ko talaga itong bakasyon na ito! Dapat ay lalabas ako sa gate ng resort na fresh at may new perspective sa buhay.

"May party?"

Laking gulat ko nang lumabas kami para maglakad-lakad peto may pabanda na sa labas at may nagsasayawan at kantahan sa gitna.

Sa tagal kong hindi nakakita ng live performance, pakiramdam ko, nasa ibang planeta na ako.

"Hala, saan na si Adie?" Tanong ko kay Mars na nasa tabi ko.

Tinuro niya ang babaeng um-order na sa bar.

"May pinagdadaanan ba iyon?" Tanong ni Mars.

Napakibit-balikat na lang ako. "Siguro. Alam mo naman, suki tayo sa mga ganyan."

"Oo nga eh. Nakakapanibagong makakita ng mga nagpa-party. Ang saya nila. Mukhang walang problema. May pinagdadaanan naman lahat pero dito, grabe, ang saya nila!"

Tumango ako. Akala ko, ako lang na-iignorante. "Akala ko nga, Mars, wala na tayo sa Earth."

Nag-order ng pagkain si Adie at himalang nan-libre. Akala ko pa naman ano, tag-isang bote ng beer at isa-isang fries lang pala.

"Reklamo ka?" Tanong niya na parang nababasa ang naiisip ko.

"Gusto ko sana kaso naalala ko, mahirap pala tayo." Sabay kaming nagtawanan na napalakas pa ata. Buti pa iyong tumawa, libre lang.

"May additional pa iyan. Malaki-laki kasi bayad ni Kelsey kaya um-order ako ng steak."

Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa excitement kundi sa na-imagine kong babayaran. Steak iyon! Mahal ang beef ngayon! Kaya nga isda ang star ng karinderya namin!

"Ad, baka sari-saring putahe ng itlog na lang mabenta natin sa karinderya."

"Huy, grabe naman kayo." Awat niya sa amin ni Mars na allergic sa gastos. Bakit biglang gumali gumaling si Adie sa sakit na iyon. Nakakapanibago tuloy, parang may kaibigan akong mayaman.

Ray of SunshineWhere stories live. Discover now