chapter 33

352 24 8
                                    


"Anong ganap mo jan?" — Veron.

"Wala.. Nagugutom ka na ba? Mauna ka nang Kumain."

"Wow hahayaan akong kumain mag Isa." — tumabi si Veron Kay Jessie. "Wag Mo na akong sabayan Jessie. Pwede ba naman Hindi kita Mami Miss? Dami mong arte e."

"Baka Kasi hindi naman talaga."

"Ewan ko sayo Jessie. Wala ako sa Mood Na Makipag suyuan sayo." — Humiga si veron sa sofa at nakatitig lang si Jessie sa Kanya. "Ano ba Hon? Kung makatitig ka Para Mo na akong Hinuhubaran."

"Wala, Mami-Miss Kasi kita."

"Para namang hindi na ako babalik nyan! Babalik ako, babalikan kita dont Worry. Halika na dito.. Sorry na, Di Mabiro e." — Pumaibabaw si Jessie Kay Veron at Niyakap nya ito.

"I love you.. wag Kang gumalaw. Mahuhulog tayo.."

"Nang cha-chansing ka lang e.. Ihatid mo ako sa airport bukas?"

"Oo Naman. Kasama si Irene.." — Jessie.

"Nagwo worry talaga ako between me and Irene hon.. Pano kung tuluyan na syang lumayo sakin?" —

"Hindi yun.. Mahal Ka Ni Irene e. Baka Nagulat lang talaga yung bata sa Narinig nya sayo."

"I'm sorry jes.. I didn't mean to hurt Our Daughter. N-nadala lang ako ng emosyon ko.. Mali Naman talaga ako na pati sya Dinamay ko."

"Hon Wala yun, Naiintindihan kita. Kasalanan ko din naman talaga e. Tinago ko sayo na kasal kami ni Karen. S-sigurado nga ako na Nagsisisi ka na Pinatulan mo ako. Bukod sa Mahirap na, May anak at asawa Pa. Ewan ko nga Kung Bakit mo ako Minahal e Hindi naman ako pasok sa standard mo." — Pinalo ni Veron ang Pwetan ni Jessie.

"Hindi ako nagsisisi! And Wala din namang nagbago no. honestly, mas Minahal pa Kita nung nalaman ko na bumalik na si karen kasi na realize ko na Hindi ko pala kaya Kung mapunta Ka Pa sa Iba.. K-kasi mahal kita e. Sana ako pa rin ang Mahal Mo Jessie.. sana Hindi magbago yun."

"Ikaw lang, hindi magbabago yun.. Salamat mahal At pasensya na uli."

"Magiging okay din ang Lahat. I love you Jessie."

"I love you More.. Kiss Tatay." — Hinalikan ni Veron ang Labi Ni Jessie.

"Pagbalik ko nalang ang iba. Maghaing ka na dun. Baka padating na si Irene.."

"Anong maghaing??" — Natatawa si Jessie.

"What's funny jes? Maghaing means Maghanda Na ng food. Right??"

"Mahal maghain yun. Walang "g" po."

"Ayoko na nga pinagtatawanan mo pala ako.." —

"Mahal Hindi!!" — Pinipigilan na Ni Jessie ang tawa nya. "Hindi, ang cute mo kasi.. maghahainG na Po ako." — kinagat ni Veron ang Tenga ni Jessie.

"Kulit mo.. Halika na nga!"

— habang nag aayos Sila ng lamesa, may narinig silang Sasakyan at sila irene na nga iyon at karen.

"Tatay!! Tignan mo po binili ako Ni Nanay Ng Madaming toys at Ice cream po at donut!!" —

"Wow andami naman.." — Jessie.

"Nasabi kasi sakin ni Irene na Favorite nya yan kaya dinamihan ko na ang Bili." —

"Anak Halika Na Kain na Tayo.. Nagluto ako ng lunch." — Veron.

"Kumain na kami." — Karen.

"Sinong kumakausap sayo? im talking to my daughter." — Hinawakan ni jessie ang kamay Ni Veron.

"Anak Sabihin mo nga dito sa nagfi feeling nanay mo na hindi mo kakainin ang luto nya Kasi kumain na tayo.." —

"Nanay veron kumain na Po kami Ni Nanay e.." — Irene.

"Anak kumain ka nalang ulit.. si nanay veron Nagluto nyan at Inantay ka Namin." — Jessie.

"Busog na po ako tatay.." — Irene.

"Wag nyo na ngang Pilitin si Irene kung ayaw nya. Busog na nga e. Feeling Nanay ka talaga e."

"Me? Feeling nanay? IKAW ANG FEELING NANAY KAREN! INIWAN MO NGA SILA JESSIE AT IRENE E! MAS NAGING NANAY PA AKO KESA SAYO! NILUWAL MO LANG SI IRENE THEN AFTER MANY YEARS BABALIK KA? BIBILHAN MO NG KUNG ANO ANO SI IRENE PARA MAPALAPIT SAYO? WELL WRONG STRATEGY KAREN! HINDI YAN ANG KAILANGAN NYA KASI LAHAT YAN NABIGAY KO NA. ANG KAILANGAN NYA PAGMAMAHAL NG ISANG INA AND HINDI NA NYA DIN KAILANGAN YUNG IYO KASI SOBRA SOBRA NA YUNG BINIBIGAY KO. IN SHORT, HINDI KA NA KAILANGAN NI IRENE!! ANG KAPAL NG MUKA MO BUMALIK KA PA!" — Nagulat si Jessie at Si Irene sa Sinabi Ni Veron pero mas Nagulat sila nang sampalin ni Karen si Veron.

"Walangya Kang Babae Ka!!" — Pumagitna na si Jessie sa Kanila dahil mag asawang sampal Ang ibinalik ni Veron kay Karen.

"Masakit ba? Masakit na marinig mo ang totoo??" — Tumawa si Veron. "Makaka alis ka na sa bahay Namin Karen. Pagbalik ko from Bohol pag usapan natin ang Legal separation Nyo ni Jes at ang custody ni Irene."

"Sige na karen Umalis ka na." — Jessie.

"Hindi pa tayo tapos!!"

— Umalis na si karen at agad namang Hinawakan ni jessie ang pisnge Ni veron.

"Hon Masakit? Sandali kukuha ako ng Ice Bag!"

"No, no hindi na kailangan. Wala to.. halika na kumain na tayo. Irene upo, kumain na tayo."

"Mahal.."

"Okay ako love.." — hinawakan ni Veron ang pisnge Ni Jessie. "Irene upo na. Sorry Nakita Mo pa Yun." — Kinarga Ni Veron si Irene.

"Nanay galit ka pa po ba??" — Irene.

"No, No hindi naman ako galit Sayo.. dont worry okay? Hindi galit si Nanay Sayo. Ikaw Galit ka ba sakin?"

"Hindi po.. Sorry Nanay Veron. K-kasi Po Sabi sakin Ni Nanay karen galit ka daw Po sakin Kaya maglayo na ako sayo.." — Irene.

"See Jes.. Ang sama Ng Ugali ng Ex wife mo! Bakit ka ba na inlove jan dati?" — umirap si veron at Pinaupo na si Irene. "Eat Okay? Ako nagluto."

"Mahal okay ka na ba talaga?" — Jessie.

"Im okay! Umupo ka na nga din!"

"Ah o-oo.. oo hon eto na." — Umupo na din si jessie at Pinagsilbihan sila Ni Veron. Sinandukan sila nito Ng Pagkain.

Unplanned Love And LifeWhere stories live. Discover now