chapter 4

388 8 0
                                    

— ANDITO NA KAMI NI MAM VERON SA OPISINA NYA. NAKAKAHIYA, KASAMA PA SI IRENE. SINABIHAN KO NGA SI IRENE NA HUWAG MAGKUKULIT. ALAM KO NAMANG MABAIT ITONG ANAK KO PERO SINABIHAN KO PA RIN. NAKA KANDONG PA SYA KAY MAM VERON. PINAGMAMASDAN KO SILANG DALAWA AT ANG CUTE NILANG PAREHO.

"Anak Halika Na dito Busy si Mam Veron tsaka Mabigat ka.. sasakit ang Paa Ni Mam." — Hinawakan ko na sa Kamay Ni Irene.

"Don't nga! Hayaan mo sya dito sa Lap ko. Nanunuod Kami Ng Cartoons!" — Napatigil ako nang Nakita ko na nanunuod nga lang sila Ng Cartoons! Akala ko gumagawa si mam Ng Report!!

"N-nanunuod lang kayo?" —

"Yah! Istorbo ka. Dun ka na nga!" — inirapan pa ako Ni Mam.

"Tatay Nanunuod Lang Naman Po Kami Ni Mam Veron e.. hindi Naman po ako makulit tatay." — Isa Pa to. Nadadala ako sa ka cutan.

"Sige na Pero Bumaba Ka Na Jan kay Mam veron mamaya.."

"Opo tatay.. Mam Veron Ang Ganda Nyo Po tsaka Mabango din.. sabi Ni Tatay din kagabi mabango ka Po at maganda.." — natawa si veron at Umiling.

"But Masungit.." — sabi ni Veron.

"Bakit ka Po Masungit minsan?" — Ang daldal ni irene!

"Kasi mam veron is tired na talaga and stress.." — sumandal si veron sa Upuan at Huminga Ng malalim.

"Massage Po Kita Mam Veron.." —  Umupo si Irene sa Sahig at Kinuha Ang paa Ni Mam veron tsaka ito minasahe..

"Hala Irene no!! Stand Up. Madumi jan!! Im Okay, Im Okay Sweetie.." — Hinawakan Ni Veron ang Kamay Ni Irene. "Nako Ikaw talaga!"

"Si tatay Po Minamasahe ko din sya e.." — irene. "Diba tatay?" — Tumango lang ako at Ngumiti.

"But Irene, Iba si Tatay Mo Iba Si Mam Veron. I don't want you to sit down on that floor. Madumi jaan e. Okay? Halika Na Dito Nood na tayo Ng cartoons." — Pumasok Ang sekretarya ni mam Veron ay May Papapirmahan ata.

"What's that?" — Masungit na tanong ni Veron.

"Ms. Kailangan Po Ng Sign nyo.. hi Baby girl. Cute naman!" — baka ako tatay nyan.

"Hello Po mam!" — Irene.

"Naku Mam Kung Hindi ko Po kayo kilala mapapagkamalan ko kayo na Mag Mommy.." — Napangiti ako sa sinabi nya. Hindi pa naman naranasan ni Irene ang magka nanay. Sa Ginagawa Ni Mam Veron Ngayon, Siguro naman kahit konti maramdaman nya ang May Nanay. Pero hindi ko naman Hinahangad na Sumobra ako sa Pagiging driver at alalay Ni Mam. Alam Ko Ang Milya Milyang Pagitan Ng Buhay nya sa Buhay ko. Maganda si Mam Veronica. Lahat ng lalaki ata kapag nakasalubong sya ay mapapalingon.

"Anong Gusto mong Food Jessie? Papa deliver ako ng Merienda.. Your daughter wants Jollibee e. Ayun nalang! Anong gusto mo?" — Veron.

"Mam Veron Si Irene nalang Po.. hindi Pa naman po ako gutom."

"Nah, I'll just order Family Meal. Tatanggi pa!" — inirapan Nya si Jessie at Bumalik na sa Laptop.

Mabait lang ba sya kay irene? Paano naman ang tatay. Chariz!

"Mam Veron May Nanay Ka?" — tanong ng anak ko Kay Mam Veron.

"Hmm, Wala din. Parehas tayong wala." — Anong Wala? Ano pala si Mam Matilda? O sinabi nya lang yon para kay irene? Alam nyang walang nanay si irene e.

"Pag nagka nanay ako pano yun po parang tatay?" — Naawa ako kay irene kasi sabik na sabik sya sa Nanay nya.

"Anak Tama na yan.. Halika na dito magta Trabaho na si Mam Veron." — Kinarga Ko Na si Irene at Iniupo sa Sofa.

"Okay Tatay.. Sorry Mam Veron."

"Its Okay Baby.. Maybe Later Mag watch ulit tayo ng cartoons! Tatapusin ko lang itong report." — Veron. "Wait mo lang Yung Jollibee ha? Padating na din yun."

— Mag a-alas otso na din nung nahatid ko sa Bahay Nila si Mam Veron. Kasama pa rin namin Si Irene. Nanuod Pa Kasi sila Ng Pelikula sa laptop ni mam. E sakto naman wala din si Madam matilda.

"Irene This Is My House Halika Tuloy ka.. kain tayo ng dinner." — Veron.

"Irene!" — Rinig kong tawag ni manang rose. Agad naman tumakbo si Irene sa Kanya at yumakap.

"Manang Rose!" —

"Naku Hija Mabait itong bata Na to.. mana sa Tatay!" — Manang Rose.

"I think Manang Mas Mana sa Nanay. Look She's so cute." — Tinignan ako Ni Mam Veron at Natatawa. Yumuko lang ako at tumawa. "Just Kidding! Lets eat na. Manang Pa Prepare ng Ice Cream for dessert.." — umupo si mam Veron sa sofa at Mukang Pagod na pagod.

"Mam Veron.. Uwi na Po Kami Ni Irene."

"Kakain pa Jessie.. madaling madali ka na naman Umuwi."

"Mam, Sobra Sobra na Po Yung Binibigay nyo Kay Irene e. Sa Bahay Na Po Kami Kakain.."

"Alam ko ang Pakiramdam ng walang Mommy Jessie that's why im doing that."

"Pero hindi nyo po obligasyon na gawin yun. Driver nyo lang ako at alalay."

"But I want to. Wala namang masama don e." —

"Sige na po mam uuwi na po kami.."

"Bakit mo ba iniiwas sakin ang anak mo?"

"Mam kasi po hindi naman sya sanay sa gantong pamumuhay! Mahirap lang kami at ayokong masanay sya sa ganto. Kita mo bukas magpipilit na naman po yang sumama sakin."

"Edi isama mo!"

"Hindi na Po. Lalo na andito na si Mam Matilda Bukas. Ayokong makarinig si Irene ng Mga salita na Hindi nya dapat Marinig dahil lang sa Mahirap kami at Kayo Mayayaman."

"What's wrong with you jessie? Hindi naman ako si Mama a! Tingin mo ba sakin katulad din ng iba? Masungit ako yes but Hindi ako nangmamaliit ng mas Mababa sakin. Except you provoke me! Ewan ko sayo Nawalan na ako ng Ganang kumain." — Tumayo na si Veron at Naglakad Na Papunta sa Hagdan.

"Mam.." — hindi na sya Pinansin Ni Veron.

"Kasi naman ikaw e.. wag mo nang kokontrahin si Veronica!" — Manang Rose.

"Tatay lagot ka nagalit si Mam Veron.." —

"Daanan nyo muna Bago Kayo Umuwi. Mag Sorry ka. Dalhan nyo na din ng Pagkain." — Tumango nalang si jessie.

— pinaghanda na nila Ng Makakain si Veron. Dadalhin nila Irene at Jessie sa Kwarto nito.

Unplanned Love And LifeWhere stories live. Discover now