Kabanata 30

3.9K 98 7
                                    

Kabanata 30

Kumpas

Tumingin ako sa salamin, nakangiti ang make-up artist na nag-ayos sa mukha ko. Light make-up lang pinalagay ko, ayoko ng makapal na foundation dahil gusto ko ng natural lang. The girl smile at me, she even get her phone to take a picture of me.

"Sobrang ganda mo, Mrs. Almuevo." she complimented.

I smiled genuinely. I am very happy right now. This day is our church wedding. Wearing the famous Laruya's Clothing Line wedding gown, I feel so overwhelmed. Bagay na bagay sa akin ang gown, si Tarius mismo ang pumili nito para sa akin.

"Thank you." sabi ko sa kanya.

She smiled and nodded. Bumukas ang pinto at pumasok si Olivia. Maluha-luhang lumapit sa akin at niyakap ako kahit nakaupo. I rolled my eyes.

"G-grabe, ikakasal ka na rin gurl!" she said happily.

I smirked. Kasal na sila ni Kuya Willan. Nauna pa sa amin. They are living in the mansion that my brother made for her. Oo, sa kanya nakapangalan ang mansyon na pinagawa ni Kuya.

"Ikaw nga tapos na e! Inunahan mo pa ako ha!" asik ko.

Tumawa ang lukaret kong kaibigan. Muli niya akong niyakap bago umayos ng tayo. Kinuha niya ang cellphone at nag-picture kami. Tawang-tawa pa ang kaibigan ko bago umalis dahil hinahanap daw siya ni Kuya.

After Olivia, pumalit naman si Mama na ganoon rin ang itsura. She was crying while hugging me. Ano ba naman 'to, parang may patay e!

"Huwag ka kasing umiyak Ma! Kasal 'to ha, hindi lamay!" naiinis kong saway sa Ina.

Sa gulat ko, isang batok ang ginawad niya sa akin. Napanganga pa ako dahil sa ginawa niya.

"Tanga ka ba, nagvi-video ako para content sa Facebook account ko! Panira ka talaga ng drama ko, Sharina!" galit ni Mama.

Kinuha niya ang cellphone sa gilid at pinatay ang video. The heck, ano siya blogger?

"Content creator ka na pala, Ma? Wow, hindi ko alam." sarkastiko kong tanong.

Ngumisi si Mama at tumango bago muling binalik ang cellphone sa harap at nagsimulang mag-video.

"Hello mga ka-Vlogs! So, ngayong araw ang kasal ng pinakamamahal at pinakamaganda kong anak na syempre nagmana sa akin. Naiiyak talaga ako kasi hindi ko talaga inaasahan ang ganitong pagpapakasal niya." si Mama sa harap ng camera.

Shit, blogger nga! Seryoso talaga siya! Hindi ba 'to sinasaway ni Daddy? Wala na ba kaming pera para pumasok siya sa ganito? Oh my gosh, my mother is making me stress!

"So, look at my daughter. Isn't she beautiful? Hi, Sharina, say hi to the people." nakangiting sabi niya sa cellphone.

Nang hindi ako magsalita, patago niyang kinurot ang tagiliran para magsalita ako.

"H-hi." napilitan kong sabi.

My crazy mother continue shooting herself in the cellphone.

"Mamaya, I will shoot her wedding! Stay tuned, mga ka-Vlogs! Byebye!" aniya sabay patay ng kanyang cellphone.

Huminga siya ng malalim bago ngumiti sa akin. Tinignan ko si Mama, masaya siya at alam kong okay naman siya. Pero bakit nag-content creator na siya?

"Okay ka lang, Ma?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti si Mama at muli akong binatukan.

"Anong akala mo sa akin, may tililing ha? Ikaw Sharina, gumagaya ka talaga sa Kuya Willan mo ha-"

"Hon, nandito ka lang pala. Ano ka ba, huwag mong sirain ang araw ng anak natin. Let's go." pagpasok ni Daddy at sabay kuha kay Mama.

Napanganga lang ako sa kanilang dalawa. Ang weird ng parents ko. Parang mga bumalik sa pagiging bata. Napailing-iling nalang ako at muling inayos ang sarili. Siguro umupo ako ng ilang oras doon bago pumasok ang wedding coordinator at kinuha ako dahil magsisimula na ang kasal.

I sighed again. Nakaharap na ako sa malaking pinto ng simbahan. Inayos ng babae ang gown ko at ngumiti sa akin.

"Ready, ma'am." she signal and the door open.

Tumingin ako sa altar, mabilis na namuo ang luha ng makita doon ang lalaking naghihintay sa akin. Suot ang kanyang perpektong suit, muli't muli kong sasabihin na sobrang gwapo ni Tarius. The music started to play.

Pa'no bang mababawi
Lahat ng mga nasabi hmm
Di naman inakalang
Ika'y darating lang bigla ng walang babala

Nagsimula akong maglakad. Nakatingin ang lahat ng mga tao sa akin. My husband is watching me intently. His eyes shouting of love and loyalty. I have been so cruel to him. I let my feelings push me to say those hurting words. Hindi siya nagalit. In fact, he waited me. He understand me. He never let any woman touch him because he's so loyal to me. And here I am, finally marrying him in front of God and our family.

Sa isang iglap
Nagbago ang lahat
Hindi ko na kaya pa na magpanggap

I wouldn't hurt him again. I will shower him my love. I will always be with him, making him feel my love and care. We will build our family. He will gave me children. We will be happy together.

Ikaw ang kumpas pag naliligaw
Ikaw ang kulay sa langit na bughaw
Sa bawat bagyo na dumadayo
Ikaw ang kanlungan na kailangan ko
Kahit hindi mo alam
Ilang beses mo akong niligtas
Ikaw ang hantungan at aking wakas

Sa dami ng pagsubok na dumaan sa amin. Sa taon na nagkawalay kami, sa gitna ng mga hinaharap na problema, handa siyang makinig sa akin, handa siyang magtanong kung ano ang nangyayari sa akin, at kung may problema ako. He always support me in any way.

Pa'nong maniniwala
Ika'y nasa 'king harapan hmm
'Di naman naiplano ako'y mabihag ng gan'to
Totoo ba ito
Sa isang iglap
Nagbago ako
Hindi ko na kayang mawalay sayo

Ayoko ng mawalay pa sa kanya. Ayoko ng mag-isa pa. Ayoko ng ubusin ang oras sa ibang mga bagay. Minahal niya ang lahat sa akin. Minahal niya ang pagiging ako. And I'm so happy and contented because God gave him to me. See? Crush ko lang naman 'yon dati, hindi ko akalain na mamahalin ako ng ganito.

Ikaw ang kumpas 'pag naliligaw
Ikaw ang kulay sa langit na bughaw
Sa bawat bagyo na dumadayo
Ikaw ang kanlungan na kailangan ko
Kahit hindi mo alam
Ilang beses mo akong niligtas
Ikaw ang hantungan at aking wakas

Huminto ako dahil nilahad niya ang kamay sa akin. When I hold it, mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. Ngumiti ako dahil alam kong malambot talaga ang kanyang puso pagdating sa akin.

"I love you so much. I love you. Ikaw lang talaga, ikaw at ikaw lang palagi, Shan." bulong niya sa akin.

Tinapik ko ang kanyang likod. Humiwalay siya at pinahid ang luhang tumakas sa kanyang mata. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang mukha. This man is really love me. Kayang gawin ang lahat sa akin.

Ikaw 'yung kumpas no'ng naliligaw
Naging kulay ka sa langit na bughaw
Sa bawat bagyo na dumayo
Ikaw 'yung kanlungan na nahanap ko
Kahit no'ng 'di ko alam ilang beses mo akong niligtas
Ikaw ang hantungan at aking wakas

Wala akong ibang kumpas kundi siya lang. Wala akong ibang mamahalin kundi siya lang. I will always pour my love to him. I will always love him. Dahil sa buhay na ito, siya lang ang hantungan ko at magiging wakas.



---
© Alexxtott

Song used: Kumpas by Moira Dela Torre

Chasing Series 1: Taming Wild Love (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now