Kabanata 29

3.8K 116 7
                                    

Kabanata 29

Nahuhuli

Kasal na kami. Hindi talaga siya nagpapigil kahit nung sinabi kong gusto ko munang ipaalam sa magulang ko. May kaibigan siyang judge kaya iyon ang nagkasal sa amin. Pag-uwi namin ng Manila, doon palang kami magpapakasal sa simbahan. Doon niya rin ipapaalam sa magulang niya na kasal na kami dito.

Suot ang singsing na tinapon ko sa kanyang mukha noon, hindi mapigilan na mangilid ang mata sa luha dahil hindi ko akalain na muli ko itong masusuot. He keep the ring for me. Ang sabi niya sa akin ay hindi niya 'yon tinapon dahil para daw sa akin. He will buy another one when we got home next week.

After that simple civil wedding, nagkaroon kami ng celebration kasama si Clemson. Oo, kaming tatlo lang ang nakakaalam na kasal na kaming dalawa. Tapos si Clemson lang ang witness namin sa huwes kaya napapailing nalang ako sa pinsan. Siguro kasabwat rin ang isang 'yon kung bakit kami nagkaroon ng pagkakataon na magkausap.

But anyways, I'm really happy. I'm happy that after what happened to us, we are still here, loving each other, fighting for our future, and embracing each other. Tarius, siya yung lalaking kapag minahal ka, hinding-hindi ka iiwan at papalitan. He's very loyal. Na kahit pinagsalitaan ko na siya ng mga masasakit na salita noon, nandito pa rin, naghintay at umasa sa akin.

Siya yung lalaking mananatiling loyal at totoo sayo. Naisip ko nga, bakit kaya siya naghintay sa akin? I didn't give him assurance. Sinabi ko ang lahat ng mga masasakit na salitang nasa puso ko dahil galit ako sa Papa niya, galit ako sa kanya. But he remain calm and loyal. Siguro kung sa ibang lalaki 'to, baka nagkaroon na talaga ng ibang babae and for sure, may mga anak na.

But no, my Tarius waited for me. He waited for me! He wait me to finish my college. He wait me to be successful because he knew it's one of my insecurities. Alam niya kapag galit ako, kapag nagseselos ako, kapag ayoko sa isang tao, kapag nagsisinungaling ako. Kilalang-kilala niya talaga ako.

Alam niyang insecure ako noon dahil hindi ako tapos sa pag-aaral, I degraded myself because of that insecurities and he waited me. He waited me finish my college. He understand me. He never let his feeling fade away. Kasi kung tutuosin, pwede siyang magmahal ng iba pero hindi, he continue loving me from a far.

After that week, umuwi kaming sinalubong ang walang tigil na sermon sa akin ni Mama. Yes, nalaman niyang kasal na ako dahil sinabi ni Clemson.

"You betrayed me, Sharina Nikolina! I told you before that if you will get married, you should tell me! I should prepare for your day! Oh my God, a-anong klaseng Ina ako!" she burst out.

My father hug her immediately. Si Tarius ay yakap lang ang baywang ko. Para kaming mga teenager na nahuli ng magulang.

"Shh hon, don't say that. You are the best mother. In fact, you are the best wife. Don't say that, okay. It's okay, at least you know that she's already married." my father in his soft voice.

Umiling-iling si Mama at hinampas ng mahina ang dibdib ni Daddy. Ano ba 'yan, akala ko magiging masaya ang bungad, bakit iyakan na 'to? Si Clemson kasi e! Sabi kong wag munang sasabihin!

"No! I should have known! Oh my God!" she continue crying.

Naramdaman ko ang halik ni Tarius sa pisnge ko. Tumingin ako sa kanya, he smiled sweetly.

"Tita, magpapakasal po kami ni Sharina dito. The wedding preparation is finalize, sa sabado po ang kasal sa simbahan. I just want to apologize for taking your daughter without your permission, I really want her name to be mine." paghingi ng paumanhin ni Tarius.

Natapos ang pag-iyak ni Mama at ngayon, tumatawa habang kausap ang mga kumare niya. She even invite them! Grabe itong drama ni Mama ha, kanina iyak ng iyak sa yakap ni Daddy, tapos ngayon, parang sira na tumatawa.

Chasing Series 1: Taming Wild Love (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now