Kabanata 2

3.9K 105 5
                                    

Kabanata 2

Wish

"Hey Gold, alam mo, gusto ko talagang malaman kung bakit ba ako sa kanyang paningin? Hindi ba ako maganda? Bakit ayaw niya sa akin? Alam ko naman ang agwat ng edad namin pero gusto ko lang malaman kung pangit ba ako sa kanyang mga mata?" paglabas ko ng saloobin kay Gold.

Meet Gold, my favorite cockroach. I name her like that because she's like a gold. Ang kintab ng pakpak at kulay niya. Nasa garapon lang siya kasama si Silver at Peach. Kaharap ko si Gold kaya siya ang kinakausap ko. Sa kanila ko lang kasi nailalabad ang damdamin ko.

I'm aware that they can't speak, they aren't human. But I appreciate them as my pet. Weird diba? Some of my classmates had dogs or cats but l like cockroaches more.

"Okay, hindi ako magagalit sa kanya kasi siya ang lalaking papakasalan ko. Hindi ako magagalit at uunawain ko siya dahil iyon naman dapat ang ginagawa ng mga fiance diba?" pag-uusap ko ulit kay Gold.

Wala akong nakuhang sagot. Muli akong napabuntong-hininga at umiling-iling. Kung meron sigurong makakakita sa akin na kausap ang mga ipis, baka pagtawanan ako. I mean, I'm so weird! Hindi pangkaraniwan ang pagkahilig ko sa mga ipis.

"Sharina, are you here?" katok ni Kuya Willan sa labas ng kwarto ko.

I sighed while keep staring to Gold, Silver and Peach. Sila lang talaga ang naging kaibigan ko dito. Bukod syempre kay Olivia na totoong tao, mas gusto ko kasi yung mapaglalabasan ko ng sama ng loob na hindi nagsasalita. Para at least, kapag sunod-sunod ang galit ko, hindi sasabat at hindi magbibigay ng advice!

Sobrang cool kaya kapag may alagang ipis. Very unique para sa akin. Kaya kung pipili ako ng kaibigan, I would rather choose my cockroaches friends than normal human.

"Shan?" si Kuya Willan ulit.

Ano bang kailangan ni Kuya? Kita ng nagmo-moment ako dito e! He literally ruin my drama time! Padabog akong tumayo mula sa sofa at naglakad papunta sa pinto. I open the door while lips pouted.

"Ano ba kasi Kuya?" asik ko.

Kumunot ang noo ng kapatid ko. Tumingin pa siya sa loob na animo'y naghahanap ng ebidensya. Ano bang problema nito?

"Ano ba kasi Kuya? You ruin my moment!" I said bratly.

He shook his head while scanning me. Ano ba kasi? Naguguluhan na talaga ako!

"I'm just checking you. May kasama ka ba dito?" he asked, curiously.

Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. Anong pinagsasabi nito? Anong kasama? Of course, I'm with my friends! I'm talking to Gold, Silver and Peach! They are friends!

"Wala, Kuya! Si Gold lang ang kausap ko." mahinahon kong sagot.

His lips pouted while staring at me unbelievably.

"Gold? The cockroach?" he said shockingly.

I nodded genuinely. Tuluyan ng nalaglag ang kanyang panga. Ano ba kasing nakakagulat sa kaibigan ko? Bakit kapag sinasabi ko 'yon sa mga kapatid ko, hindi pa rin nawawala ang gulat sa kanilang reaction?

"Jesus Christ, Sharina Nikolina! You're talking to a cockroach again!?" he said furrowed.

I nodded again. Ang OA naman ng reaction ni Kuya. Parang ngayon lang narinig ang sinabi ko. Minsan talaga ang mga kapatid ko may saltik sa ulo e. Kay Daddy siguro nagmana kaya kung ano-ano ang pumapasok sa ulo nila.

"Ang OA lang Kuya? Iyon lang ba ang kailangan mo?" labas sa ilong kong tanong.

He sighed and shook his head.

"Ma, baliw na yata itong si Sharina e! Kausap na naman ang mga kaibigan niyang ipis!" si Kuya Willan kay Mama.

Umikot ang mga mata ko sabay bagsak ng kamay sa kanyang ulo. Kinutungan ko dahil ang OA ng reaction.

"Hayaan mo yang kapatid mo, Willan. Hindi ka naman pinapakialaman sa pangba-babae mo e!" sagot ni Mama sa kanya.

Sumimangot si Kuya at napailing-iling. Syempre, sa akin kakampi si Mama. Ako yata ang prinsesa sa bahay na 'to! Ako ang masusunod sa mga gusto ko!

Pagdating ng gabi, naisipan kong pumunta sa library dahil nandoon si Daddy. I open the door, nakita ko siyang nagbabasa ng libro. Bumaling siya sa akin at ngumiti. Inirapan ko lang at pumasok sa loob. Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

"May kailangan ka, prinsesa ko?" si Daddy sa marahang boses.

Naisip kong sabihin sa kanya ang kagustuhan kong maging asawa si Tarius. Alam kong ibibigay lahat ni Daddy sa akin, kahit ano ang hilingin ko. I'm his only daughter. Lahat ng pabor ko, binibigay niya.

"Dad, I have one wish." paunang sabi ko.

Tumango siya habang patuloy sa pagbabasa ng libro. I stared at my father. Medyo may edad na si Daddy, pero gwapo pa rin naman.

"What is it, princess?" he said softly.

I sighed heavily. Tumingin siya sa akin.

"I want Tarius to become my husband, daddy." I wish to him.

He paused and stare at me for awhile. Seryoso ang mukha niya, pero ng makita niya ang pamumungay ng mata ko, napahinga siya ng malalim.

I know he can do something for my wish! They are friends with Tarius parents! We have business that can be merge! I have my own business too! Kapag kaming dalawa ni Tarius ang magkatuluyan, it would be better! Our businesses will bloom and everyone will look at us in the top, being the top of the country!

"Your wish is hard to grant, princess. May sariling desisyon si Tarius na pumili ng babaeng magiging asawa niya. He's old and you are very young, Shan. The gap is evident and I don't want your image ruin by pursuing him, hija." si Daddy.

I shook my head. Kahit pa matanda sa akin ng ilang taon si Tarius, it's okay! In fact, bagay nga kami e! He's my sugar daddy and I'm his sugar baby!

"But Daddy... I want him! Wala akong ibang gugustuhing lalaki na mapapangasawa kundi siya lang!" I said with finality.

My daddy sighed problematically. I pouted my lips.

"Alright, I'll think about this, princess." mahinahon niyang boses.

I smile and look at my father happily. Mabilis ko siyang niyakap dahil sa sobrang saya ko. I know he will do something for it! Knowing my father, he's very influential business man! He can do anything for me, even my wish!




---
© Alexxtott

Chasing Series 1: Taming Wild Love (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now