Chapter Three - BOO

170 10 3
                                    

Shit. May sumitsit na naman.

Di ko na lang pinansin. At tumakbo na ako. Ang creepy kasi. Simula last week, may sumusunod sa akin. Or at least yun ang iniisip ko.

Pero i assume na talaga natin na meron. Paano kung snatcher? Paano kung kidnapper? At higit sa lahat, paano kung rapist? Naku! Hindi pwede yun! Ayoko pang mawala ang virginity ko.

Kinalimutan ko na lang yung scene na yun dahil alam kong safe ako sa school kasi madaming tao. Kaya imposible na masundan ako nun.

"Shit." Nagbuntong hininga ako. Ayan na naman kasi yung tatlong paintbrush ang buhok.

"Ano na namang kailangan nyo?" Tanong ko sa kanila. Aba! Himala at nakayanan kong sagutin sila. Or should I say kausapin kasi technically, ako yung unang nagsalita.

"Marunong ka palang magsalita." Sabi ni blondy.

"Ha? Ansabe mo, blondy bitch?" Biruin mo! Nasabi ko yun.

"What did you say?!" Sigaw ni blondy. Napaka sensitive nya naman. Parang sinabihan ko lang siya na bitch e.

"Shut the fuck up, bitch. If you don't want to get hurt." Nanlalaking mata na sabi nung may highlights na green.

"Back off." Sabi nung may pulang buhok.

Inirapan ko lang silang tatlo tapos tinalikuran.

Biglang hinablot ni blondy yung braso ko. Shet. Tumusok yung kuko nya. Pagkahaba.

"You. Don't. Walk. Off. When. I. Am. Still. Talking." Nanlalaking mata na sabi ni blondy.

Sht. Di maganda to'. Nakapalibot sila sa akin. Mabubugbog yata ako ng wala sa oras.

"Scared now, little Izzy?" Aba't sikat pala ako. Kilala nila ako pero di ko sila kilala.

Hindi na lang ako umimik, hinila ko na lang yung braso ko at umalis.

Biglang hinila ni blondy yung buhok. Tama kayo, sinasabunutan niya ako.

"Sabi ko sa'yo wag mo akong tatalikuran habang nagsasalita!" Sigaw niya sa akin.

"Bangag ka ba? E tapos ka na magsalita di ba?" Sabi ko sa kanya. Tunay naman e. Tapos na naman talaga siya magsalita nung tumalikod ako.

Sinampal niya ako. Ang sakit. Tinulak ako nung blonde sa locker. Tapos sinakal niya ako. Hindi ako makahinga.

Bigla naman akong hinila ni Lance. Napatingin lang ako sa kanya. Nahihilo na kasi ako noon kaya wala na akong nagawa kundi magpahila.

"Lancey!" Narinig kong sigaw nung tatlo.

"Okay ka lang? Namumutla ka ah." Tanong sa akin ni Lance na may nag aalalang expression sa mukha.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makahinga. Biglang nagdilim ang paningin ko. Wala na akong maramdaman.

**

Nagising ako sa init ng sahig na kinahihigaan ko. Nasaan na ba ako?

Tinignan ko ang paligid, purong puti ang tinatapakan ko. Pero ang init ng hangin dito. Masusuffocate ako nito e. Kailangan ko makaalis agad sa lugar na 'to.

Naglakad ako papalayo sa kinatatayuan ko. Bakit ganun? Parang neverending ang nilalakaran ko? Pero hindi ko na lang inintindi yun, tinuloy ko na lang ang paglalakad ko.

Haish. Nakakapagod din. Teka nga, ano bang nangyari bago ako magising sa lugar na to'?

*flasback*

Bigla akong hinila ni Lance. Napatingin lang ako sa kanya. Nahihilo na kasi ako noon kaya wala na akong nagawa kundi magpahila.

"Lancey!" Narinig kong sigaw nung tatlong paintbrush ang buhok.

"Okay ka lang? Namumutla ka ah." Tanong sa akin ni Lance na may nag aalalang expression sa mukha.

May nakita akong kakaiba. Sa likod ni Lance. May itim na parang anino na mahaba ang sungay.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makahinga. Biglang nagdilim ang paningin ko. Wala na akong maramdaman.

*end of flashback*

Ang sakit ng ulo ko. Napapagod na rin akong mag lakad. Na-uuhaw na ako. Tapos may nakita akong kulay black na nakatayo di kalayuan sa kinatatayuan ko. 

Nilapitan ko ito. Laking gulat ko, isa siyang kabinet na malalaki ang pinto.  

Sinubukan kong buksan ang pinto, kaso hindi ko kaya. Dahil rin siguro sa pagod.  

Napaupo na lang ako sa puting sahig. 

"Isabella." Narinig kong sabi ng isang lalaki na may makapal at malamig na boses. Bigla akong nanlamig. Kinilabutan ako bigla kaya tumaas ang mga balahibo ko sa braso. 

"Aking anak, lumapit ka sa akin." Narinig ko ulit yung boses at nakita ko ang lalaking nagsasalita. 

Nakatayo na siya sa harapan ko. Nakakatakot ang itsura niya. Pula ang mata, ang haba ng kuko, pero ang mas kinatakot ko ay yung pag tingin niya sa akin. Yung tingin na malapit ka na niyang angkinin.

Napaatras naman ako nung nag smirk siya. Unti unti siyang lumapit sa akin at yun ang dahilan kung bakit ako na umpog sa malaking kabinet at nahimatay.

**

"Bitz, gising! Anong nangyayari sa'yo?" Nag aalalang tanong ng babae sa harapan ko habang shinishake ako.

Minulat ko ang mata ko. Ang liwanag. Tinignan ko ang paligid, hindi na kulay puti ang sahig.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa babae na ngayo'y naka upo sa gilid ko. "Sino ka?"

"Bella, nagbibiro ka ba? Ako to'! Si Hannah. Nasa kwarto mo tayo ngayon."

"Ha? Anong nangyari dun sa lalaki?" Nalilito na ako.

"Si Lance? Ayun! Naka uwi na sa kanila. Teka nga, boyfriend mo ba yun?" Tanong ni Hannah.

"Ha? Hindi ah. Aray!" Ang sakit ng ulo ko.

"Oh? Wait, kukuha lang akong gamot sa baba. Wag kang gagalaw!" Nagmamadaling sabi niya sa akin.

"Hannah."

"Oh?"

"Um... Ikuha mo na din akong tubig." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Sige." Tapos umalis na siya at sinarado ang pinto ng kwarto ko.

Siguro panaginip lang lahat yun. Pero bakit parang tunay? Bakit ramdam ko pa rin yung takot? Bakit... si Lance? Si Lance!

A/N: Boring ba? Mehehehez. Don't worry, nasa simula pa lang naman e. gaganda yan, promise!

Kaya comment, vote and fan! Para ganahan ako mag update :3

A Twist in my Story [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon