Chapter Ten - Bloody Letter

159 7 1
                                    

Isabella's

"Good Morning, class." Mataray na bati sa amin ni MT.

"Good morning, Ma'am." Walang ganang bati ng klase.

"Oh, nasaan na nga pala yung mga pinapapasa ko sa inyo. Pass it forward." -MT

Nilabas ko sa shoulder bag kong black yung envelope na naglalaman ng mga requirements ni MT. Sabay ng paglabas ko nito, nalaglag ang isang maliit na papel na naka-fold at may nakasulat na 'LF'. 

Han's

Pinulot ni Isabella ang nakatuping papel at dahan-dahan na binuksan.

'Flowers are red. Violets are blue. Don't worry my dear, YOU ARE MINE SOON.'

Nakasulat in fresh blood ^

Napatili si Isabella sa nabasa niya na siya namang dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang kanyang mga kaklase at ang adviser nila.

"Anong problema, Miss Shapiro?" Mataray na tanong ng kanilang adviser with matching taas ng kilay at pamewang.

"Ah... W-wala po." Kabang sagot ni Isabella habang tinititigan ang papel na hawak niya.

"Okay. Pass your envelopes." Pagtataray ulit ni Miss Taray sa kanila.

At dali dali namang pinasa ni Isabella ang kanyang envelope na siyang dahilan ng pagkabaling ng tingin niya sa kanyang unahan. Matapos niyang iabot yun, tinignan niya ulit ang papel ngunit wala na itong sulat. Ni-isang marka ng dugo, wala na.  Tanging nakita niya lamang ay ang mga letrang 'LF'.

"Sino ka ba, LF?" Bulong nya sa sarili.

Dali-daling tumakbo si Hannah sa puno sa likod ng school nila. Nagbabaka-sakali siya na nandoon si Jiro para sabihin ang tungkol doon sa papel na natanggap niya kanina.

Ngunit sa kasamaang palad, wala roon ang kanyang PRINS TYARMING  ಠ_ಠ

Este si Jiro.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ngayon ni Isabella. Takot, kaba, at excitement. Ngunit nadismaya siya noong hindi niya nakita si Jiro. Alam niya kasing maiintindihan at paniniwalaan siya ni Jiro.

Naglakad na lamang siya patunong foodcourt. Habang nasa hallway siya, nakita niya si Lance na nakasandal sa hili-hilerang lockers na naka-tingin sa kanya. 

Tinitigan lamang niya ito hanggang sa may napansin siyang parang-tatto na bandang dibdib ni Lance. Naka-bukas kasi ang dalawang buttones ng kanyang uniporme.

Napatigil naman sa paglalakad si Isabella, at naalala niya ang nakita niyang tattoo sa balikat ng kanyang ina. Kung hindi siya nagkakamali, magkatulad na magkatulad ang kanyang nakita. O baka namamalik mata lang siya.

Bago pa niya tignan ulit ang tattoo ni Lance, nakita naman niya ang anino nito na mistulang nakatingin sa kanya na parang konti na lang, makukuha na siya.

LF's

Nakatingin siya sa akin.

Isabella's

Hindi ko alam kung ano iyon, pero may nagsasabi sa akin na delikado si Lance, kailangan kong lumayo sa kanya. Kaya naman dali dali kong iniwas ang tingin at dumiretso sa pagpunta sa foodcourt.

Naabutan ko si Hannah na kausap si Drake. 

Si Drake yung kuya ng ex niya na ayaw niyang ipabanggit. 

A/N: Cameo lang sila dito. May sarili silang story. Click the external link na lang /wink

"Nakakainis kayo! Dahil dun, di ko tuloy maiharap yung mukha ko ng maayos sa kanila eh. Kasalanan mo 'to, Drake! Walangya ka!" Sigaw ni Hannah.

"Hoy. Kasalanan ko ba na masyado kang tanga para gawin 'yun?" Sagot naman nitong si Drake.

"Ehem. Padaan lang ha." Pang babastos ko naman. Juk! Di ako bastos no. 

"Di na kailangan mag-paalam, Miss." Sabi nung Drake.

Tinaas ko naman ang kilay ko sa kanya na siyang dahilan ng pag-atras niya ng kaunti. Natakot ata. Haha.

"Sige. Mamaya na lang, Jade." Pagpapaalam nito at tuluyang umalis.

"Hmm. Jade pala ha." Pang-aasar ko naman. Jade kasi ang tawag nung mga kabarkada niya eh. Lalo na yung ex niya, Baby Jade ang tawag sa kanya nun eh. Kaya ayaw nya na itawag ko sa kanya Jade, gusto niya Hannah. Ewan ko lang ba't Jade pa rin tawag nung mga kabarkads niya.

"Pwe." Naiiritang sagot niya sa akin.

"So, tampo ka na nyan, Baby Jade?" Pang-aasar ko ulit. Namula naman siya. Mukhang mahal niya pa yata yung ex niya. Pero di ko siya pinangungunahan ha, comment ko lang base sa nakikita ko sa kanya.

"Tumahimik ka nga. Di ka nakakatulong." Inis na inis na sagot niya at umupo habang sinusubo yung cheeseburger na binili niya.

"Anyare ba?" Tanong ko.

"Kasi si Drake. Nung nag-slumber party. Ah basta! Ayoko pag-usapan." Sagot niya.

"Tss. Ayaw daw pag-usapan. Eh kakasabi mo lang ata kanina dun sa Drake eh." Bulong ko sa sarili.

"Ano yun?" -siya

"Ah. Sabi ko ang sarap ng kinakain mo." Pag-sisinungaling ko sa kanya. Agad naman niyang ini-abot sa akin ang may kagat CH (cheeseburger) niya. At agad ko naman itong kinagatan. Ganyan talaga kaming mag-bestfriend.

"Nasaan nga pala si Jiro?" Tanong ko habang nilalapa yung natitira nyang CB.

"Ewan. Nakita ko kanina 'yun." Sabi niya habang iniinom ang drinks niya.

"Eh? Saan?" -ako

"Palabas siya ng school eh. Baka umuwi. Bakit?" Sagot niya naman. Napa-kunot naman ang noo ko. Parang hirap kasi kapag wala si Jiro. Di ko alam anong gagawin ko. Don't get me wrong ha, di ko sya crush o ano. Parehas lang talaga kami ng sitwasyon kaya alam kong maiintindihan niya ako.

Tulad na lang kanina. May creep na naglagay ng papel sa bag ko tapos may nakasulat ng kung ano in fresh blood. Tapos biglang mawawala. Ang creepy kaya nun! Kaya I need help. Ayoko namang sabihin sa mama ko kasi baka magaya lang nung dati.

*flashback*

5 years ago...

Naglalaro kami ni Steven noon sa park. Habulan, taguan, at kung ano ano pa. Noong nagha-hide and seek kami, si Steven yung taya. Kaya syempre, kailangan ko magtago.

Dahil nga nasa park kami, madaming puno. Napaisip ako noon, kung sa puno ako magtatago, madali niya akong makikita. Eh nagkataon na may lumang bodega sa bandang likod ng park. 

Tumakbo ako ng mabilis papunta doon. Naghanap ako ng magandang pwesto na wala masyadong lamok. Madilim kasi, tapos bodega pa. Kaya pumasok na lang ako at isinara ang pinto. Umupo ako sa sahig at nagsimulang mag-hum ng kanta. 

After a few minutes, sinimulan na akong kabahan kasi hindi pa ako nakikita ni Steven at tumatayo na rin ang mga balahibo ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagsimula maglakad papunta sa pinto. Saktong paghawak ko sa luma at makalawang na doorknob, may narinig akong batang babae sa likod ko na umiiyak. Bigla namang may sabi sa akin na wag akong titingin dahil paniguradong mababago ang buhay ko. Ngunit hindi ko sinunod ang idea na 'yun, hinarap ko yung bata.

"Ate... bakit mo ako hinarap?" 

At naisip ko, mukhang mababago nga ang takbo ng buhay ko. 

Dahil dun sa sinabi nung bata, nagsimula akong sumigaw. Pinilit kong buksan ang pintuan ngunit ayaw nito. Papalapit ng papalapit ang bata. At doon ko nakita yung tunay nyang itsura.

Duguan ang mukha, may laslas sa leeg, putol ang dalawang daliri, at ang kanyang mga mata ay kulay itim. Pumikit ako at nagdasal na sana may tumulong sa akin.

"Kukunin ka niya. Hintayin mo siya."

At bumukas ang pintuan.

A/N: 

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. CHA CHA CHA! ANG CHARAP MAG CHA CHA.

^Nonsense. Picture ni Isabella sa gilid :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Twist in my Story [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon