Chapter Five - New Student

144 9 2
                                    

Aish. Two weeks na simula nung halikan namin ni Lance at hindi pa rin kami nagpapansinan, pero ang weird nya lang ha. Di niya ako pinapansin, pero feel ko palagi siyang nakabuntot sa akin. Feel ko lang naman. Wala namang masama kung magiging feeler din ako paminsan minsan.

Two weeks straight na rin yung panaginip ko. Sa tuwing mapupunta ako doon sa lugar na purong puti ang sahig, palaging ganun na lang ang eksena. Maglalakad ako, may makikitang kabinet, may makikitang lalaki, ma uuntog, magigising. Pero ang weird din kasi sa tuwing mapapanaginipan ko yun, nagdidilim muna ang paningin ko, tapos lagi ko na lang nakikita na sa likod ni Lance may aninong may sungay.

Natigil ako sa mga iniisip ko ng tawagin ako ni Sir Panot na Math teacher namin.

"Miss Shapiro, are you listening?" Tanong ni SP (Sir Panot)

"Ah... Yes, Sir!" Obviously. Masasagot ko kaya siya kung hindi ko siya narinig? Sentido Kumon SP XDD

*RING*

"Okay, class, dismiss." -SP.

Hay salamat, natapos na rin ang mala jiggly puff niyang discussion. Wala na naman akong naintindihan e. Di bale na, mangongopya na lang ako kay Hannah ng notes. Matalino naman siya e.

Habang naglalakad ako papuntang locker, may nakita akong matangkad na lalake. Naliligaw yata siya. Hmm. Never mind na lang, di ko siya responsibility kaya SNOB ^_^v

"Um, Miss, pwede mo bang ituro sa akin kung saan ang principal's office?" Tanong ni... WOAH. Ang pogi nya T^T Ay teka, wag muna lumandi, iddescribe ko muna siya. Matangkad, mala KPOP ang buhok, maputi, ma muscle, pogi, cute, SHET! Lumandi na naman ako. Tama na nga. Di ako matatapos mag describe kung ganito e. Pero may napansin akong kakaiba sa kanya, purple yung eyes niya. Weird. Di bagay sa kanya.

"Miss?" -Fafa pogi.

"Ah! Oo! Oo nga ^_^v" Sabi ko sa kanya. Natameme ako sa kapogi-an niya e.

"Ha? Sabi ko saan yung principal's office!" Aba't may pasigaw sigaw pa siyang nalalaman ha! Ni hindi ko nga siya kilala e. Tapos may gana siyang sigawan ako? Hayup -__-

"Ah! Principal's office! Doon sa dulong yun, lumiko ka sa kanan tapos may makikita kang pinto na nakasulat ay 'Storage Room'. Pumasok ka dun, nandun yung principal." Sabi ko sa kanya with matching irap and sashay sa hair. Taray di ba? Beat that!

"Um? Di mo ako sasamahan?" Tanong ni fafa pogi.

"Bakit naman kita sasamahan? Matapos mo akong sigawan, magmamalasakit pa ako sayo? Ay ang hiya ko naman!" Sabi ko sabay walk out.

Naku! Kung nakita niyo lang yung mukha niya... O___O

Naka smirk? Ang kapal! Pwe!

Maka uwi na lang.

*Kinabukasan*

Ang aga ko pala nagising. 6:16 pa lang e, nasa school na agad ako. Ano kayang pinakain ni yaya sa akin kagabi at napaaga ako. Hmm.

"Psst." Sht. Tumayo balahibo ko dun. Kakilabot yung sitsit. Matagal tagal na rin kasi simula nung feeling ko may sumusunod sa akin. Pero simula nung nanaginip ako ng ganun, nawala na yun. Peri ito na naman. Sana hindi ito yung naka hood sa panaginip ko. Nakakatakot.

"Hoy." Dahan dahan kong inilingon yung ulo ko. Tss, si Lance lang pala. After 1234567890000000 years, kinausap niya ako. Tss, pero why should I care? Di kami close. So deadma ko siya ^__^ Ang bait ko talaga v(^_^)v

"Hoy." Sabi niya ulit. Di ko siya pinansin, kahit na pogi siya, pipigilan ko ang hormones ko na wag lumandi.

"Isabella May Garcia-Shapiro." Woah. Alam niya buong name ko, teka nga...

"At kailan pa kita naging stalker, Ginn Lance Lee-Fuentes?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw, kailan mo na rin ako ini-stalk?" -siya

"FYI, HINDI ako STALKER ng isang TULAD MONG MANYAK!" -ako

"Tss. Gusto mo naman." -siya

"Gusto? Pinagsasabi mo?" -ako

"Sus. Pakipot pa. Alam ko namang nagustuhan mo yung halik ko sa iyo." Hell! Ang kapal ng mukha niya ha. Kung buhusan ko kaya siya ng tubig galing sa septic tank para malaman niya kung ano ang naramdaman ko nung ... nung ginawa niya sa akin yun! Pusang gala talaga siya -_-

"E kung bu-" Hindi na natuloy yung sinasabi ko kasi dumating na yung adviser namin na saksakan sa taray.

"Good morning, class." -MT (Miss Taray)

"Good morning, ma'am." -kami

"Okay. Class, you may sit down." -MT

At nagsi-upo na kaming lahat ng biglang may pumasok...

"Class, meet your new classmate. Mr. Haresco." -MT

Aish. Nubayan. Lumipat si Lance sa tabi ko. Kukulitin na naman ako nun.

"Psst." -Lance

"Ano ba't lagi ka na lang nasitsit?" -ako

"Gusto ko e. At lahat ng gusto ko, ginagawa o nakukuha ko. Kahit ano o sino pa yan. Kung gusto ko e." Sabi niya habang lumalapit yung mukha niya sa mukha ko. Ako namang si tanga, hindi nakagalaw at tumitig pa talaga sa labi niya. Sheet!

"Gusto mo?" Sabay pout. Yung bang magpapakiss. Yuck.

"Tumahimik ka nga!" -ako

"Shapiro, Fuentes. Can you please lower your voices? May nagsasalita sa harap niyo. Give some respect" Pagtataray ni Ma'am. Tss.

"Sorry po ma'am." Sabi ko.

"Okay. So, magpakilala ko na Mr. Haresco." -MT

"I'm Jiro Sting Haresco." -transferee

Teka, parang narinig ko na yung boses na yun ah. Napatingin ako sa unahan para malaman kung sino yung nagsasalita. O______e

"Ikaw?!" Napatayo ako nung sinabi ko yun. Siya kasi yung lalaking nanigaw sa akin kahapon.

"Ms. Shapiro, do you have any condonement to Mr. Haresco?" -MT

"Uh, no Ma'am." Napa iling na lang ako. Ang taray kasi ni Ma'am. Tss. Wag lang talaga tatabi sa akin yung Jirong yung kundi, magkakasubukan kami.

"Tss." Narinig kong sabi ni Lance. Napatingin naman ako sa kanya, pero may kakaiba sa kanya. Yung mata niya, kulay gray yun kanina, pure black na ngayon. Nakakatakot.

"Um, Lance. Okay ka lang?" Tanong ko.

"Ah, oo." Sabi niya sabay sumubsob na siya sa desk.

Ang weird niya.

"Where do you want to seat, Mr. Haresco?" Narinig kong sabi ni Ma'an Taray.

"Next to Ms. Shapiro."

O______________o

A Twist in my Story [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon