Epilogue

1.2K 67 59
                                    

White POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Anong oras na ba? Last na pagkakatanda ko ay nasa garden lang kami ni mommy, nag uusap.

I smiled as I remember na naka yakap ako sa kanya, how I miss it?

Tumayo na ako sa kama para makapag hilamos at para maka baba na din ako. Gusto kong mayakap ulit si mommy pero hindi ko alam kung paano ako lalapit sa kanya.

Pagkababa ko, nasa sala silang lahat. Tapos na ba silang kumain?

"Good morning" saad ko habang pababa ako ng hagdan. Kita ko naman na nagpipigil ng tawa sina kuya Matt. Bakit ba?

"Good morning? White? Seryoso ka? Ala una na huy!" Sarkastikong sabi ni mama Imee na ikinagulat ko. 1 pm na?!

"Good afternoon po hehe" sabi ko nalang, sabay sabay pa silang natawa.

"Kain ka na, 'nak" sabi ni mommy, sabay sabay ulit silang napatingin kay mommy na ikinatawa ko.

"Sabayan mo 'ko mommyyyyy" pang aasar ko sa kanya.

"Parang bata!" Mama Imee hissed, selos lang 'to e.

"Let's go, love" sabi mi mommy kaya bumaba na ako, hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa kusina.

The family was too stunned to speak! Natawa kaming dalawa dahil sa reaction nila.

Kumakain na kaming dalawa ng biglang mag ring ang cellphone niya.

Tinignan niya ito at pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

"Why?" Nag-aalalang tanong ko.

"Stephany is calling" sagot niya. Napakunot naman ang noo ko. Limang araw na siyang nawawala e.

I nodded my head as a signal na okay lang na sagutin niya.

"Hello?" Sabi ni mommy ng sagutin niya yung tawag. Naka loud speaker siya ngayon.

"M-mommy" umiiyak si Stephany. May naramdaman akong parang tumusok sa puso ko dahil sa pag tawag niya ng 'mommy' sa mommy ko.

"Where are you?" Walang emosyong tanong niya kay Steph. Kalmado lang siya.

"Sa b-bahay po, f-forbes" sagot naman niya. Oo nga pala, nasabi nila kuya Matt na nakatira sila sa iisang bahay.

"Ano bang nangyare sayo ha?" Medjo lumakas ang boses niya. Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya.

"I n-need you, I'm s-scared" maikling sabi niya sa mommy ko.  Limang araw siyang nawala tapos bigla siyang tatawag para sabihin na kailangan niya ang mommy ko?

Siya ang sumira sa pamilya ko. Siya ang may pakana ng lahat. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari ngayon.

"What do you want me to do ba?!" Irita na si mommy pero alam ko sa sarili ko na pinapakita niya lang yan pero deep inside, she's worried and naiintindihan ko yon.

Nag sama sila magmula nung bata si ate Steph. Hindi pa ako tinuturing na anak e siya na ang naging anak niya.

"I j-just need you to be here. I'm sorry for everything mommy. Sorry po. I just want your attention and I lost it. Gusto ko lang maibalik kaya ko nagawa yon. Please go home." Humahagulgol na siya dahil sa kanyang pag iyak. Tumingin si mommy sa akin na may luha na ang kanyang mata.

She ended the call without saying anything.

"What should I do?" Tanong niya, hindi ko alam ang isasagot ko dahil maski ako ay hindi ko alam kung ano ang gagawin.

White Where stories live. Discover now