Drunk Irene

1.3K 72 12
                                    

White POV

It's already 7:00 pm when I woke up. Napahaba ata ang tulog ko, grabe naman kasi unang araw ng klase napakaraming pinagawa sa amin.

Pumunta na akong cr para makapag palit ng damit at makapag hilamos dahil hindi na pala ako nagpalit kaninang pag uwi ko, habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, bigla kong naalala si mommy at si Steph na masaya kanina sa bookstore.

"No, stop thinking about them siguro kailangan lang talaga ni Steph si mommy" I said to myself as I turned off the lights ng cr ko. Lumabas na ako at bumaba na, nagugutom na kasi ako.

Habang pababa ako, nagulat ako nang makita ko si Stephany sa dining area kasama si daddy and mommy. They're happily teasing each other, I felt something in my heart and it hurts.

Bumaba na lang ako at pumunta sa kanila. "Good evening mom, dad" sabi ko tsaka bumeso sa kanila. "Oh, Stephany you're here pala, good evening" sabi ko then bumeso rin sa kanya.

"Good evening, yeah tita Irene invited me for dinner kase" she said and I smiled as i nodded my head. "Kumakain na pala, bakit hindi niyo ako ginising or pinagising man lang kina manang" sabi ko habang natatawa pa, ayokong mamisinterpret nila ang joke ko.

"Sana nag set ka ng alarm diba? Alam mo naman ang oras ng pagkain, tsk" mommy said, sana pala nanahimik na lang ako. Nagawa niyang mag invite ng iba sa dinner pero hindi niya kayang ayain ang sarili niyang anak? Okay.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko dahil nakikita ko na malapit na silang matapos habang ako nagsisimula pa lang.

Natapos na si Steph sa kanyang pagkain kaya tumayo na silang dalawa ni mommy at pumunta ng  living room para mag watch ata ng tv, hinintay naman akong matapos ni daddy.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni daddy, "Yes dad, pagod lang po ako kanina" sabi ko sa kanya kasabay ng paghinga ko ng malalim. "Just don't mind them, nagpapatulong lang si Steph sa mommy mo" he said, nahalata niya bang hindi ako comfortable?

"Yeah, yeah I know. Nagpapatulong lang siya, yeah" I muttered under my breath. He smiled at me and he caressed my face "let's go" he said. I stood up and we went into the living room.

I'm still lucky because I have dad beside me, he's busy yeah pero hindi niya kinakalimutan na may anak siya, unlike mommy na never kong naramdaman na nanay ko siya.

Para akong batang nawawala at hindi alam kung saan ko mahahanap ang pagmamahal na gustong gusto kong maramdaman. Pagmamahal ng isang ina na kayang i sacrifice ang lahat lahat para lang sa anak niya. I just want to feel that I am loved, that I have worth and being valued. Where can I find that kind of affection?

I saw them in the couch, cuddling. Hindi ko na lang sila pinansin gaya ng sabi ni dad at umupo ako sa tabi ni daddy. "What do you want to do tomorrow, hmm?" Mommy asked, napatingin naman ako sa kanya, she's asking steph pala.

"Nothing tita, I just want to rest po. Napagod ako kanina, andami pala nating nasakyan na rides" she said, ahh they're together simula kaninang umaga pala. I thought she's busy.

"Okay fine" mommy said and she rolled her eyes, bakit parang gustong gusto niyang kasama si Steph? I just sighed "Dad, akyat na po ako" sabi ko and he nodded. Umalis na ako sa living room at pumunta ng kwarto, hindi na ko nagpaalam sa dalawa busy silang mag yakapan e.

Pagka akyat ko, pumasok agad ako sa kwarto at kinuha ang mga materials na kailangan ko for the project. Kahit next week pa ang pasahan nito, gusto ko na siyang gawin since wala na akong ibang ginagawa.

After 30 minutes, natapos ko na ang kalahati. Nag decide akong kumuha ng milk sa baba para makatulog ako ng maaga dahil may pasok pa bukas.

Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko agad si mommy na yakap yakap parin si Steph na ngayon ay natutulog na. "Sweet" bulong ko at pumunta na akong kusina. I opened the refrigerator and took out the milk. Naglagay lang ako sa isang glass then pabalik na sana ako ng room ng makita ko si mommy na gigisingin na si Steph.

"You need help?" Sabi ko at napatingin naman siya sakin. "No" maikli niyang sabi. "Okay, saan siya matutulog?" Tanong ko sa kanya dahil madumi ang mga guess rooms namin.

"In our room" mommy said and then I nodded. Never pa akong natulog sa kwarto nila kasi ayaw ni mommy. Bata pa lang ako, nakabukod na ako ng kwarto. Hindi ko naman inexpect na doon niya patutulugin si steph, akala ko ipapatabi niya sa akin.

Pinauna ko na silang umakyat, and then sumunod ako. Magkatabi lang naman ang room namin kaya tinulungan ko na sila kahit ayaw ni mommy.

Nang makapasok na sila sa loob ng room, pumunta na ako sa room ko at papasok na sana pero lumabas ulit si mommy at napatingin ako. "You can join us here, White" she said, nagulat naman ako dahil papatulugin niya ko sa tabi nila??

"No need na ma, dito na lang po ako" sabi ko sa kanya pero lumapit siya sa akin "please" she said and nag pout. Anong nakain neto? Lasing ba siya?

"Okay" sabi ko and sabay kaming pumasok ng kwarto, she even held my hand habang papasok kami.

Naglatag pala siya sa baba ng bed nila at doon nakahiga si Stephany. Humiga rin siya sa baba and she tapped the space beside her "here" she said. Humiga na ako sa tabi niya and then she hugged me "I'm sorry" she said, nag smile ako at tinignan siya. Natutulog na pala, ang bilis naman makatulog. Lasing nga.

....

White Where stories live. Discover now