Apart

917 69 92
                                    

Irene POV

Today is Greggy's burial. I am not yet ready to let him go e. Hindi ko pa kayang hindi na siya makita kahit kailan. I don't want to let go, love. I don't want to do it. Please come back na before it's too late.

Nagsimula na ang program. Nasa cemetery na kaming lahat at nagsisimula na ang mass.

Before matapos ang mass, pinatayo kami para maglagay ng holy water sa kabaong ng asawa ko. I didn't expect na mauuna siya sa akin.

Hindi ko na kinaya, I shouted while crying sa harap ng kabaong niya. "Greeeeeegggyyyy!" Naramdaman kong may tao sa likod ko.

"Dadddyyy" rinig kong sigaw din ni White. She's here, yeah. Hinayaan ko siyang makapunta dahil after this, mawawala na din siya sa akin.

Unti unti na nilang ibinababa si Greggy. Hindi nagtagal ay hindi na namin siya nakikita. Ang sakit, ang sakit sakit. Minahal ko na siya, sobrang mahal ko siya.

Umuwi na kami sa bahay, sumunod sila White doon para kunin ang gamit niya. Iiwan talaga ako.

Pagdating namin sa bahay, dumeretso ako sa kwarto namin at ni lock ang pinto. Doon ko nilabas lahat ng sakit, lahat ng galit at lungkot. I miss him already.

After minutes of crying, someone knocked on my door. I opened it and I saw White, she's standing outside the door habang hawak hawak niya ang maleta niya. Tumulo ulit ang mga luha ko.

"Ma, aalis na po ako" sabi niya sa akin. Wala akong masabi, nasasaktan ako. "Hindi mo ba ako pipigilan?" Tanong niya, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Ayoko siyang umalis pero masasaktan lang kami pareho dito.

Hindi na ako nagsalita at kitang kita ko ang sakit na nararamdaman niya, sorry anak.

"Mommy, sabihin mo lang po na wag akong aalis, hindi po talaga ako aalis.. please mommy, kahit isang beses, kahit isang salita lang, kahit isang 'wag' lang, hindi na ako aalis. Just please tell me" umiiyak na sabi niya sa akin. Napaluhod siya sa harapan ko.

"Don't make this too hard for yourself, White" sabi ko at sinubukan kong itayo siya. "Masasaktan ka lang kapag nag stay ka dito so please just go, White. Go!" Dagdag ko pa. Lalo siyang umiyak.

"Ayaw mo na ba akong makasama, ma? Please don't do this" sabi niya, nagmamakaawa nanaman siya. Nak stop doing this please po.

"Oo kaya umalis ka na. Ayaw na kitang makita, ayaw na kitang makasama, ayaw ko ng naririnig yung boses mo. Umalis ka na! Alis na! Alis!" Sabi ko, alam kong nasasaktan siya pero mas masasaktan siya kung pagpapatuloy niya lang ang pagmamakaawa sa harapan ko.

White POV

Pinagtatabuyan na ako ng sarili kong ina. Pinagtatabuyan na ako ng pinaka importanteng babae sa buhay ko. Bakit, ma?

Her words were my reasons to let go. I let her go. I let go of the person that I love the most. I don't want to hurt her more so bakit hindi ko siya hayaan diba? I feel like a burden to her.

"Can I please just hug you kahit ngayon lang? Bago ako umalis? Please?" Sabi ko sa kanya. No matter how much it hurts, I still want to be with her pero if that's what she wants, if that's what makes her happy, I'll do it. I'll go.

She nodded her head, lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit, hindi niya ako niyakap pabalik. Yung yakap ko na pang matagalan na, gusto kong maramdaman lagi yon. Pero paano?

"Go na, please" nagmamakaawa na siyang umalis ako, ano pang magagawa ko?

Humiwalay na ako mula sa yakap naming dalawa. I kissed her forehead, her cheeks and for the last time, I hugged her again.

"I'll miss you" bulong ko sa kanya at tuluyan na akong bumaba ng hagdan. Mama Imee is waiting for me na.

Sumakay na kami sa van na maghahatid sa amin sa airport. Habang nasa byahe, iniisip ko padin siya kung ano na ang ginagawa niya. Kanina lang kasama ko siya pero miss ko na agad siya. Sa maikling panahon na naging okay kami, naramdaman ko ang pagmamahal niya.

I'm still grateful because naranasan ko yung maikling panahon na yon.

"Tita, saan po tayo pupunta?" Tanong ko kay tita Imee "United Kingdom, 'nak. You will continue your studies sa Oxford, alam kong kayang kaya mo makapasok don" sabi niya sa akin, tumango ako.

"Paano po yung work niyo here? Sa senate? Sina kuya Borgy?" Biglaang tanong ko ng maalala ang mga iiwan niya dito.

"Iiwan ko lahat. Huwag kang mag alala sa akin, ginagawa ko to lahat para sayo. You deserve better, nak" sabi niya sa akin at niyakap ako. Muntikan nanaman akong maiyak buti nalang nakarating ka agad kami sa NAIA

Bumaba na kami at pumasok sa loob ng airport. Hinihintay nalang namin ang flight at makakaalis na kami.

Irene POV

Habang umiiyak ako sa kwarto, pumasok si manang Perla.

"Irene" pagtawag niya sa akin, tumingin ako sa kanya at agad na tumayo at niyakap siya.

"Wala na sila manang, iniwan na nila akong dalawa." Sabi ko, hinagod niya ang aking likuran para pakalmahin.

"Yung isa lang yung tuluyang nawala, anak. Pwede mo pa naman pigilan yung isa" sabi niya, hindi ko siya maintindihan nung una pero hindi nagtagal ay na gets ko din.

"Gusto mo bang mawala siya ng tuluyan sayo? Siguradong magtatagal yun doon, bahala ka" dagdag pa niya.

"Ano pong gagawin ko? Susundan ko don?" Tanong ko habang umiiyak pa rin ako

"Mismo! Ano pang ginagawa mo, larga na, Irene" sabi niya at agad akong tumango. Hindi na ako nag ayos at kinuha ang bag at susi ng kotse ko. Agad akong nag drive papuntang airport.

Nakadating ako agad don, hinahanap ko sila pero hindi ko makita.

"Saan na ba kasi kayo?" Sabi ko sa hangin habang nililibot ang paningin ko. Naisipan kong tawagan na lang si White.

"Hello, White?" Sabi ko ng sagutan niya ang tawag.

"Ma? Bakit po?" Sagot niya sa kabilang linya

"Huwag ka na tumuloy, please? Huwag mo na akong iwan?" Sabi ko, humihikbi nanaman ako.

"Ma... Naka alis na po ang sinakyan naming eroplano" Huling sabi niya, huling beses na narinig ko ang boses niya at huling beses na naka usap ko siya.

It's been more than three years, anak. Nasan ka na? Hindi ka na ba babalik dito? I miss you so much. Balikan mo na ako dito.

To be continued...

White Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ