Paulo

858 60 75
                                    

White POV

Tatlong araw na kaming nandidito sa Ilocos. Wala naman kaming ginagawa mashado, normal lang. Mommy is here also, nung dumating nga kami nagulat ako dahil nandidito siya ang sabi kasi ni mama Imee, hindi daw siya nakikipag usap sa pamilya namin.

Tatlong araw na niya akong kinukulit, pinapakiusapan na kausapin siya pero hindi ko kaya. Gustong gusto ko siyang yakapin pero sa tuwing makikita ko siya, naaalala ko yung mga pagtataboy niya sa akin. Yung mga panahong nagmamakaawa ako sa kanya.

Flashback (two days ago)

"Stop doing this! Nahihirapan ako!" Malakas na sabi ko sa kanya. "Please talk to me properly anak. Nasasaktan din ako" sabi niya nang mahina. Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya, naaawa ako sa kanya pero hindi ko talaga kayang harapin siya at pag usapan ang nakaraan.

"Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan sa ginagawa mo?! Hindi! Hindi lang ikaw dahil maging ako ay nasasaktan, ang hirap hirap mong iwasan! Ayoko lang naman na masaktan ka sa mga salitang mabibitawan ko!" Madiin na sabi ko sa kanya.

"Ano bang hindi mo maintindihan doon?!" Dagdag ko pa. Hinihintay ko siyang nag salita pero humihikbi lang siya, naiirita ako.

"It's your fault naman sa una pa lang. You gave me reasons to change! You gave me reasons to hate you, parang sinasadya mo pa nga yon para lumayo ako sayo tapos ngayong ginawa ko na, ikaw ang lapit nang lapit?! Baliw ka na ba?!" Pagpapatuloy ko sa mga sinasabi ko. "Sinabihan na kita na huwag mo muna akong kausapin dahil masasaktan ka lang, napaka simpleng bagay hindi mo mapakinggan!" Dagdag ko pa na mas lalong nag paiyak sa kanya.

Para siyang bata na napagalitan ng nanay niya. Tumulo na din ang mga luha ko. "Pakiusap! Layuan mo muna ako, layuan mo muna kami ng anak ko!" Sabi ko, pinipigilan ko ang sarili kong maglabas ng sama ng loob dahil baka hindi na niya kayanin.

Umayos siya ng tayo at tumango tango, tinalikuran na niya ako at tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya. Mabilis kong sinara ang pintuan at tumakbo sa kama, dumapa ako sa unan para hindi niya marinig ang pag tangis ko dahil siguradong babalik nanaman yon dito..

End of flashback

"Mommy" bumalik ako sa katinuan nang tawagin ako ng anak ko. Tatlong araw na pero hindi ko padin napapakilala sa kanila si Paulo. Alam kong nagtataka na din sila pero hindi sila nagtatanong sa akin.

"Yes love?" Tanong ko sa kanya at nilapitan ko siya sa kama, tumabi ako sa kanya at inayos ang buhok niya. "I want to eat po" sabi niya sa akin kaya napangiti ako. He's turning three this coming february pero deretso na siyang magsalita.

Hindi siya gaano nakaka intindi ng tagalog pero nakakapag salita siya ng kaunting tagalog, hindi mawawala sa kanya ang po at opo.

Hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming bumaba para humanap ng makakain. Nadatnan ko doon si mama Imee, tita Liza at mommy na nagluluto pa lang.

"Ma" pagtawag ko, napalingon si mama Imee at si mommy kaya medjo nahiya ako. Tumingin ako kay mama Imee at doon inalis ni mommy ang tingin niya sa akin. "Paulo is hungry na, may makakain ba dyan?" Tanong ko ng papalapit kami sa kanila. "Meron dyan, hanap ka" sabi niya sa akin at tumango ako.

Nakakita ako ng mga tinapay at tinanong ko si Paulo kung gusto ba niya at tumango lang siya kaya naman kumuha ako ng tatlo, dalawa sakin at isa sa kanya.

Pumunta kami sa sala at doon nalang kumain habang hinihintay ang iba na bumaba. Mag la-lunch na din naman pero nagutom kasi ako dahil kaunti lang ang kinain ko kaninang almusal, nawalan ako ng gana kasi pilit akong kinakausap ni mommy.

"Eh ikaw White, wala ka bang balak i kwento sa amin?" Napapitlag pa ako ng kaunti nang biglang mag salita si mama Meldy.

Kumpleto na pala kami si sala, si mommy lang ang wala dahil nasa kusina pa siya. Nakatingin silang lahat kay Paulo.

"Ano pong dapat kong i kwento?" Pagkukunwari kong hindi alam ang sinasabi nila pero alam ko naman na tungkol ito kay Paulo.

"Iyang batang nasa tabi mo, sino at kaano ano mo ba yan ha? Bigla bigla ka nalang may bitbit na bata e" sabi ni tito Bong, tumingin ako kay mama Imee at tumango siya na senyas para sabihin na sa kanila.

"Paulo, baby, let's go muna sa garden?" Masayang pag aya ni mama Imee kay Paulo para hindi marinig ang pag uusapan namin.

"Hindi pa po ako handang i kwento ang buong nangyari..." Pagsisimula ko, tumango lang sila na sinasabing ayos lang. "Eh si Paulo po ay a-anak ko" sabi ko, kita ko ang gulat sa kanilang mga mukha.

"Biological?" Maikling tanong ni tata Liza "Yeah tata" sagot ko, tumulo na ang luha ko.

"P-paano? Sorry White pero ang bata mo pa tsaka diba, nag-aaral ka doon?" Nag mamadaling tanong ni kuya Mat. Walang nakaka-alam sa nangyari kundi kaming dalawa lang ni mama Imee.

"Matt, huwag na tanungin kung paano" pagsaway sa kanya ni mamila "sorry" mahinang sabi niya. "Hindi ko naman po inaasahan na mabubuntis ako at oo, pinagpatuloy ko po yung pag aaral ko kahit buntis ako, online lang ako nag aaral habang hindi pa siya lumalabas." Pagpapaliwanag ko, alam kong litong lito pa rin sila pero ayaw na nilang mag tanong, halata naman na sensitive ang topic na yon.

"So you're 20 nung buntis ka?" Tanong ni kuya Simon, tumango lang ako at bahagyang pinunasan ang luha ko.

Mahal na mahal ko ang anak ko at kahit kailan, hindi ko ipaparamdam sa kanya ang pinaramdam sa akin ng sarili kong nanay. Hindi ko hahayaang masaktan siya dahil sa akin at gagawin ko ang lahat para protektahan siya sa kahit anong pwedeng makasakit sa kanya.

Mahirap siyang tanggapin noong una pero natutunan ko kung paano siya mahalin, yung mga naunang buwan ng pagbubuntis ko sa kanya ay sobrang hirap para sa akin dahil wala siyang tatay na pwedeng tumulong sa akin at bata pa ako noon, tanging si mama Imee lang ang nasa tabi ko nung mga panahon kailangan ko ng tulong.

Kaya sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya, sa loob ng mag aapat na taong kaming dalawa ang mag kasama, ni minsan hindi niya ako nasaktan. Ni minsan hindi niya ako tinaboy at ni minsan ay hindi niya ako iniwan.

Minsan, hinihiling ko na sana siya nalang ang maging nanay ko. Iniisip ko kung paano kung siya ang naging nanay ko, mararanasan ko kaya yung mga dusang naranasan ko sa sarili kong nanay? Paano kaya yung buhay ko kung siya ang naging nanay ko pero hindi ko mai-aalis sa akin ang isipin yung totoo kong nanay.

Gabi gabi akong umiiyak dahil sa pangungulila ko sa kanya hanggang sa tumigas na ang puso ko at hindi na siya inisip pero nung makita ko siyang umiiyak sa garden, bigla akong nanlambot. Bigla akong naawa, bigla akong nakaramdam ng kirot and I really hate it.

Bumalik ako sa katinuan ng yakapin nila akong lahat. Naka tulala na pala ako habang tumutulo ang mga luha ko.

With their hugs, I'm home. I'm finally at home.

To be continued

Hi, readers. Mayroon kaming gc ngayon if you want to join, just please drop your ig account here.

Let's be friends with each other.

Chikahan doon and kung may tanong kayo tungkol sa story, you can ask me there. Drop it now! Let's G!

Vote and Comment!

White Where stories live. Discover now