Chapter 25: Is This How We End?

2.4K 90 20
                                    

December


"I'm doing good honestly, ikaw?" I couldn't actually recognize how the tone of his voice did change a lot. Cael is sitting next to me drinking with his iced Americano. I noticed the sketchbook from this side together with his pencil. "Kailan ka pa bumalik?" paglilinaw niyang itinanong.


"Kahapon lang," maikli kong sagot. Iniiwas ko ang tingin sa tuwing napapatagal ang pagtitig ko sa kaniya. There's an uneasy feeling of awkwardness being with him right now, maybe because this is how ex-relationship does?


Nakatitig ako sa kaniyang sketchbook kung saan nakapatong ang kaliwa niyang kamay. Gusto ko sana siyang tanungin kung anong nangyari sa mga pangarap niya sa pagpipinta at paguguhit. Pero hindi ko alam kung papaano ito sisimulan.


"Nabasa ko na pala 'yan," pagtuturo niya sa aking libro. Muntikan na akong masamid sa aking iniinom dahil sa kaniyang sinabi. Nabasa niya na itong libro ko? Wait, paano niya nalaman na libro ko nga ito?


Madali kong naalala ang mga kaibigan, paniguradong nagkakausap pa rin sila hanggang ngayon. "Mm... what do you think?" I ask him, though I'm not used to talking to people who have read my stories like this.


"I like their story," he points out, "very you," he said, but this time, by looking straight to my eyes. I look back to the book to avoid staring back at him for too long.


I'm not shock that he won't like it, because he always does like every single thing that I write. Well, that's as far as I remember. Madalas pa dati na nangungulit siya na basahin ang mga gawa ko kahit ayoko, and he's always the first one to motivate me in writing especially on times that I doubt my writing.


"Wala ka bang kasama?" he asks out of nowhere. Sabay kaming lumabas ng coffee shop at pareho kaming nagpunta sa kaniya-kaniya naming bike.


"Sila Eli?" napakunot kong tanong at hindi mawari kung anong klaseng tanong iyon. Umupo na ako sa aking bike at inilagay ang aking tote bag sa basket sa harapan.


"Kasama mo bang umuwi 'yung boyfriend mo?" I think I gasped for a little when he released that question. I blink twice to see if he's serious about it, and yes, he is serious about that question.


"Wala na akong boyfriend," kasabay nito ay ang awkward kong pagtawa. Napaisip ako bigla dahil dito, baka nga madalas pa rin magkausap ng mga kaibigan ko dito. Well, kami lang naman ang nagdesisiyong maghiwalay at hindi kasama dito ang mga kaibigan ko, dahilan para hindi na sila maging magkaibigan pa. "Ikaw ba?"


"Kung in a relationship ako?" paglilinaw niya. I nod while biting my inner lip. "I'm not in a relationship," he clears out. I pinch my finger to stop myself from smiling. Mauvi, why are you like this?!


Kumapit ako sa handle ng bike at ibinalanse ang aking pagkakaupo. The sun felt soothing because of the near coming sunset. I think I should go back now, but something is whispering from my heart to stay.


"May pupuntahan ka pa ba?" tanong niya habang nakatayo pa rin sa tabi ng kaniyang bike. I shake my head as my response. Wala naman akong plano pang pupuntahan ngayon. "Gusto mo bang pumunta sa seaside?"

Every Autumn Fall (Youthful Series 1)Where stories live. Discover now