Chapter 20: Before I Go

2.4K 96 10
                                    

TW.


March


I haven't been all healthy the past few weeks. It's not a choice, my body just can't handle all of the stress and pressure that is about to happen before I go to the university.


Halos dalawang beses ng bumabalik ang lagnat ko. Hindi ko namang gustong mag-stay na lang sa apartment. Kailangan kong mag-ipon ng pera bago ako umalis kaya nagpatuloy pa rin ako sa pagtratrabaho sa bookstore hanggang sa makaalis na ako bago magsimula ang pasukan.


Natanggap akong muli sa university na sinubukan kong pasukan at kasama nito ay ang scholarship grant. Kailangan ko na lang i-maintain ang aking mga grades para mapanatili ko rin ang pagkakaroon ng scholarship. Makakatulong din ito para mabawasan ang mga gagastusin ko.


And I felt relieved for having this opportunity to be accepted from the grant but I am now worried what my step will be.


"Kailan ka aalis?" tanong sa akin ni Sol. Kumakain kami ngayon sa Massimo Cuisine kung saan dito kami nagpalipas ng oras ngayon.


"Bago siguro dumating ang August," sagot ko naman. Ibinaling ko ang pag-inom sa mango juice na nasa aking baso. Nagplalano sila na magkaroon kami ng friend's night out kahit bago 'man lang ako umalis.


"May nahanap ka na bang titirahan doon?" pagsulpot ni Zee na kagagaling lang sa kanilang kusina. Kumuha siya ng apat na pinggan para sa amin at saka niya binuksan ang cake.


"Kasama na 'yun dorm sa scholarship," inilagay ni Eli and slice ng cake sa aking platito at akin itong tinikman.


"So, ano, long-distance-romance na ba kayo ni Cael?" kinikilig nang sabihin ito ni Sol. Kung ganoon lang sana, mas gugustuhin ko pa ang ideya na magiging okay kami ni Cael kahit na ilang kilometro ang layo namin.


"Hindi pa kami masiyadong nakapag-usap ni Cael dito, sa tuwing sinusubukan kong ipasok yung ganitong conversation, lagi niyang binabago ang usapan," I sigh explaining it. Not sure how to explains it briefly to them, but Cael is being so protective right now. It seems that he isn't all happy at this, but I can't do anything about it.


Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ako sa Hiraya Librarya para ituloy ang aking trabaho. Wala gaanong mga customer ngayon dahil weekdays, at tanging mga estudyante lang din sa INU ang mga labas pasok dito.


"Dadalaw ka pa rin naman dito 'di ba?" kasama kong nagpupunas ng mga libro si Shan dito sa second floor.


"Siguro, susubukan ko," hindi ko siguradong pagsagot. Malayo rin ang biyahe papunta dito, kaya hindi ko rin siguro kung gaano ako kadalas babalik dito sa isang taon. "Well, good luck sa bago mong makakasama dito," I smirk. Isang taon na lang din magtratrabaho dito si Shan dahil matatapos na rin siya sa college next school year.


That night, kasabay kong umuwi si Cael. Gamit ko ang bike ko at ganoon din siya. Sa aming pag-uwi, napahinto ako sa gitna ng tulay na kalsada nang matanaw ko ang buwan. The full moon reflects upon the waters of the river. Cael stops too and he helps me carry my bike to cross the sidewalk. We were silent the whole time, but I now we have a lot of something say inside us.

Every Autumn Fall (Youthful Series 1)Where stories live. Discover now