Chapter 24: Seven Seconds, Seven Months, Seven Years

2.4K 105 13
                                    

December

Seven years later.


"Merry Christmas, class, and enjoy your break," I warm heartedly said before ending my last class schedule for today.


Nag-ayos din ako ng aking materials gaya ng libro at laptop, saka ito inilagay sa aking bag. Dumeretso naman ako sa aking faculty para maghanda na sa pag-uwi. Nagdala lamang ako ng libro para tumapos ng mga school materials na magagamit ko.


"Sir Mauven," bulong mula sa aking kanan, "Pinapatawag ka ng head sa office," matinis ang pagkakasabi ni Miss Anya na para bang kinikilig. Isa rin sa mga professors na kagaya ko si Miss Anya, at naging matalik din kaming magkaibigan simula ng lumipat ako para magtrabaho dito.


"Bakit daw?" napakunot ang aking noo. Ilan lang ang naisip ko na dahilan para mapatawag ako sa office sa ganitong oras, at ang rason na naisip ko ay baka may bagong spot na naman akong kailangang gampanan.


"Pumunta ka na lang," nakangisi pa rin si Anya na para bang alam kung tungkol saan ito pero ayaw niyang sabihin. Sana lang ay hindi nga bad news.


Iniligpit ko muna ang mga gamit ko bago tumuloy sa office mula sa first floor. Mula sa hallway ay tanaw ko na dito ang office ni Mrs. Cruz. Kumatok muna ako sa pintuang bahagyang nakabukas, at tumuloy na ako sa pagpasok ng marinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan.


Binati niya ako at ganoon din ako sa kaniya. Pagkatapos ng pangangamusta sa aking mga klase ay nagpatuloy na siya sa pagsasabi ng dahilan kung bakit niya ako pinatawag dito. Hindi ko maitago ang ngiti ko at pasasalamat dahil sa kaniyang ibinalita. Nabigyan na ako ng kontrata para magpatuloy na makapagturo dito.


Hindi ko napansin na 'yon pala ang ikinagagalak nitong ni Miss Anya dahil kabilang kami sa mga bagong professors na napili para manatili dito sa unibersidad. Matapos ang balitang iyon, umuwi na rin ako sa aking condo.


Malapit lang dito ito at halos kinakaya ko itong lakarin mula sa university. Simula nang magtrabaho ako rito, lumipat na rin ako sa unit na ito. Naglabas ako ng pasta at naghandang iluto ito. Nagcra-crave ako para sa carbonara kaya ito nga ang niluto ko.


Simula nang lumipat ako dito sa city, nasanay na ako sa pagluluto, dahil kung gugustuhin ko nga namang mapanatili ang aking kalusugan, dapat matuto akong makapagluto ng sarili kong kagustuhan.


My therapist also suggested this to me, so since then, I learned cooking the basic dishes until the simple one. I'm still learning some harder dishes and it is really challenging me.


I'm living here alone, and I just broke up with my ex last month. He's the fourth relationship that I have had since I lived here in the city. Pretty much, it's not that really serious, and we're both clear when we both decided to break up. Nothing serious, we just don't see ourselves anymore together, and that's why we both decided to call it off.


Aside from being an English literature professor right now, I am also an author to a local publishing company. As of now, I have five novels published nationwide and I'm currently working on another story. I'm not really that popular and my stories are known only averagely, but it's enough to keep me from having this contract. And I am honestly good with it.

Every Autumn Fall (Youthful Series 1)Where stories live. Discover now