CTBC: Kabanata 44

55.3K 1.2K 66
                                    


Precious Gem

MAHIGIT isang buwan na ang lumipas simula ng malaman ko ang katotohanan pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang tingnan ng diretso si Dior. Hindi ko ito magawang tingnan hindi dahil sa galit ako dito kundi dahil nahihiya ako sa nangyari.

Kung si inay ay hindi nakokonsensiya sa ginawa nito, kabaliktaran naman ang sa akin dahil ako ang nakokonsensiya sa ginawa nito. Hindi ko iyon mapigilan dahil naging kasangkapan ako para masira ang isang pamilya.

Hindi ako galit kay Dior. Hindi ako galit kung naisip nitong paghigantihan ang inay ko gamit ako dahil alam ko kung gaano kasakit dito ang nangyari. Wala rin naman akong inasahan dito no'ng binayaran ako nito kaya hindi dapat ako magalit. At naniniwala ako sa sinabi nito lalo na't pinagtibay iyon ng kaibigan at kapatid nito.

"Cander always visit that bar where you are working just to see you. That asshole is really crazy over you" Natatawa na wika ni Rayven no'ng minsan ako nitong makausap.

Hindi ko kilala si Dior no'ng mga panahon na iyon at hindi ko ito napapansin na pumupunta pala sa bar na pinagtatrabahuhan ko kaya nagulat ako na kilala pala ako nito noon pa man.

"My damn brother asked me once to follow you, to check on you. That's why I know that you are carrying his child" wika naman ni sir Diom no'ng kinailangan ako nitong kunan ng litrato. Nagulat pa nga ako sa nalaman ko dito.

Napatigil ako sa paglalakad papasok ng kusina no'ng mapansin ko na naroon si Dior habang nagbubukas ng beer. Napakunot-noo dahil masyado pang maagap para doon. Nang mapansin ko na kumuha ito ng isang sigarilyo at sinindihan iyon ay agad akong tumalikod para maglakad palabas.

"M-masaya ka ba na iwasan ako? G-ganito nalang ba t-tayo?" Garalgal ang boses na tanong ni Dior dahilan para mapatigil ako sa aking paglalakad.

"H-hindi. A-ayoko lang malanghap ang amoy ng sigarilyo, m-masama 'yun sa baby" sagot ko na akmang maglalakad na ulit sana kung hindi lamang ito muling nagsalita.

"Damn! Fine, I will not smoke again. And now, I turned off the light of my cigarette. Can you look at me now---- sweetheart?" Nasa boses nito ang pangungulila. "I-I damn miss you!" wika nito bago ko naramdaman ang mga bisig nito na yumayakap sa akin mula sa likuran. Hindi ko namalayan ang paglapit nito sa akin.

Napapikit ako para damhin ang yakap nito. Ngayon ko lang napagtanto ang sobrang pangungulila ko dito. Isang butil ng luha ang nahulog mula sa aking mata.

"A-are you mad with me? Tell me, sweetheart please. I-I'm willing to do anything for you to forgive me. Please sweetheart. What do I----"

Humarap ako dito at hinawakan ang pisngi nito. "Hindi ako galit"

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha nito kung kaya't lalo akong nakonsensiya sa ginawa kong pag-iwas dito. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nito. Gusto ko lang naman kasing makapag-isip. Pero sa tingin ko ay sumobra ako. "I-I'm sorry"

Inilapat nito ang noo sa aking noo habang hawak-hawak ang magkabila kong pisngi. "H-hindi mo ba alam na sobrang sakit sa dibdib kapag iniiwasan ka ng taong m-mahal mo? Hindi ako mapakali, puro negatibo ang pumapasok sa isip ko"

Napapikit ako. "I-I'm really sorry"

"I-I even thought that you will never forgive me and y-you will leave me. I-I can't accept that thought" Madamdaming wika nito bago inilapat ang labi sa aking noo. "I-I can't lost you, sweetheart"

CTBC: Carrying The Billionaire's Child ✔ [COMPLETED] Where stories live. Discover now